Questions

119 4 0
                                    

FAQs
These are some of my readers' questions that I wanna share with you all in case you wanna know.. Feel free to ask me if you have any question and I will surely answer it! And when I say any, I mean anything under the sun.. 😊

💋 What is your inspiration in writing? What made you start writing?

Other writers and their stories. I was challenged to make a story as well. Eh sa malikot ang utak ko so pinagbigyan ko one sunny afternoon. :D And yes, that was the start of my first story, Di Mo Lang Alam na unexpectedly ay sineryoso ko ang pagsusulat. Nakakaamaze lang kasi how writers were being able to move their readers just by such stories. And so I tried dahil I love literature rin kasi. I tried kahit nasa isip kong wala namang magbabasa nito or if meron, iilan lang. Now it's over a million reads and I've received a lot of positive feedbacks from my readers. That I inspired them raw and I should keep on writing. Nakakataba lang ng puso. ❤ Noon, I was the one saying that to the authors. Now.. I'm one of them. *cries* So yes, I won't stop writing. It now became a passion that I won't turn my back to. *smile*

💋 Ilang words po ba ang nasusulat niyo every chapter? Mind to share it po?

Actually I don't stick to a range of number of words per chapter. Kasi every chapter ay iba-iba naman ang pangyayari. Basta meron akong minimum and maximum which is 4K and 6K. Pero most of the time ay lumalampas ako sa maximum which is okay kesa lumampas sa minimum. It depends rin sa klase ng writing ang number of words for me. Ang recent stories ko kasi talagang ocean deep kaya maraming sinasabi ang bida. 😄 But if your story is just like my story Di Mo Lang Alam which is a not so formal one, 3 to 4K words is enough. Basta ba may kabuluhan ang laman, hindi boring basahin at may saysay nga. Kasi kung walang masyadong ganap tapos ang haba, baka layasan ka ng readers mo. 😂

💋 Can I use your own compositions like the Tell Me and Hating to Love You in my own story? Nagandahan po kasi ako sa lyrics niya at kahit hindi ko alam ang tono niya, maganda siya. I promise I will credit you.

Sure! My pleasure! Basta ba ask my permission first so I know kung saan napapadpad ang kanta ko. Respesto rin sa composer at pinag-isipan ko rin ang bawat salita niyan. Galing rin sa puso ko 'yan, hindi lang sa utak. And I will try and hopefully ay makagawa ako ng recording so you guys would know the tune also. 😉 And of course the very important one: CREDIT ME as the composer. Please be considerate guys, come on. Don't own anything that's not yours.

💋 Kailan po ba ang update ng The Mystique Four? Excited na po kasi ako. Super love ko talagang binabasa yun.

Ako rin excited nang mag-update like SUPEEER! Malapit na malapit na ang update after 7 milliom years. Haha. Kasi naman magulo ang mundo nila kaya pati utak ko nagulo na rin matapos kong mamahingang magsulat doon ng isang taon. Imagine all the recapping I did just to be able to get back on track! Hindi biro ang plot ng istoryang iyon kaya nahirapan talaga ako. Nagkabuhol-buhol ang brain cells ko pati nga noo ko. Haha! (Ikaw naman kasi susulat-sulat ka pa ng action story tapos magrereklamo. XD) Pero tapos ko na ang plot!!! I mean natapalan ko na ang dapat tapalan. I mean again isang butas nalang o dalawa then smooth sailing na siya. Exciting!!! Kaya watch out! Maybe this weekend makakapost na rin ako. *evil grin*

💋 How many words was your longest chapter written so far?

Dahil Alam Ko Na -- Epilogue. It's about 13K+ words.. Seriously haha! Naging 13K kasi I only wanted to have 75 chapters. Originally nga ay sabi ko 70 lang but then hindi kaya with all the unanswered questions and revelations. Hindi kasi ako iyong tipong nag-iimbak ng chapters saka mag-uupdate. I make a chapter, edit, then kapag okay na.. post agad. Lol! I'm that spontaneous kaya marami ring revisions. Haha! So bad. So yes, siniksik ko nalang sa last chappy iyong ending na gusto ko. It turned out well naman like the first book. *happy*

💋 Ask ko lang po. Sino pong gumagawa ng covers ng stories niyo? Ang gaganda po kasi. Pwede po bang magpagawa?

Me, myself and I. I make my own covers through Pixlr via phone and Adobe Photoshop via laptop. Bawat cover ay pinaghihirapan ko rin. Dugo't pawis 'yan. Haha! I want it to fit the story and I aim for uniqueness 😉
But sorry, I don't make covers for others. Busy ako for that. Marami pang checheburetcheng itatanong sa gagawan so no thanks. Plus, baka kutyain niyo lang ang gawa ko kaya thank you nalang. 😂

💋 Pwede pobang padedicate ng story niyo. Please?

Sure! Just tell me what story you want me to dedicate to you. 😊

Ask MisstiaradollWhere stories live. Discover now