CHAPTER ONE

328 6 0
                                    

----------------------------------------------------------

Paglubog ng araw
Sacre ( Southern Alps Region of Sacranda )

----------------------------------------------------------

Madilim na ang paligid dahil sa paglubog ng araw. Ang sinag nito na nagbibigay liwanag sa kapaligiran ay tuluyan nang napalitan ng sinag ng buwan.

“Hanapin niyo siya!” pasigaw na turan ng tila isang pinunong kawal.

“Opo!” agad namang sagot ng iba pa at nagtungo na sa iba’t ibang direksiyon upang maghanap.

Narinig kong mula iyon sa di kalayuan. Hingal na hingal na ako katatakbo. Tinutugis ako ng mga kawal ng Sacrandia. Tagaktak na ang pawis sa aking buong katawan. Ilang kilometro narin siguro ang natakbo ko dito sa lupain ng Sacre. Mabuti nalang at napakaraming bundok dito. Marami akong pwedeng pagtaguan.

Napamasid ako sa paligid ko. Matatayog ang tayo ng mga puno rito. Ngumisi ako at naisipang akyatin ang punong pinagtataguan ko. Napakataas nito nang tingalain ko mula sa ibaba pero wala na akong magagawa pa. Sa dami ba naman ng humahabol sa akin, baka makasalubong ko pa sila kung tatangkain kong tumakbo pang muli sa baba. Sa loob ng ilang minuto ay naka-akyat na ako dito sa puno. Mula sa pwesto ko ngayon ay nakikita ko ng mabuti ang mga kaganapan sa ibaba.

Mas lalong lumalapit ang tunog mula sa mga kawal sa pinagtataguan ko ngayon. Hindi ko dapat minamaliit ang kakayahan nila lalo na’t galing silang Sacrandia.

“Anong kailangan sa akin ng mga ito?” saad ko sa mahinang boses. Mahirap na baka marinig pa nila ako.

Sa katunayan, hindi ko alam kung bakit nila ako hinahanap. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko sila tinakbuhan, ni hindi ko pa nga alam kung anong pakay nila sa akin.

Nagulat nalang ako kanina sa malalakas na katok sa aking pinto sa tinutuluyan kong paupahan dito sa Sacre. Nang sumilip ako sa bintana, nakita ko ang mga kasootan nila at ang sunod ko nalang na natatandaan ay..... tumatakbo na ako papalayo.
Nasa ikalawang palapag ang tinutuluyan kaya nag alinlangan ko pang tinalon paibaba. Bigla nalang kasing pumasok sa isipan ko na dapat ko silang layuan.

Ewan ko pero may takot na nabuo sa pakiramdam ko nung makita ang mga palatandaang taga-Sacrandia sila. Ikukulong kaya nila ako sa palasyo? Paparusahan? Marahil may nagawa akong kasalanan na labag sa batas. Ewan ko.

Nagising ang diwa ko nang, “Hindi po namin siya mahanap Heneral.”

Tama nga ang hinala ko, mga kawal sila. Isang pinunong kawal. At ano? Heneral? Bakit ako tutugisin ng Heneral? Nako! Mukhang malalang kaso talaga ang nagawa ko... Mas lalong namawis ang katawan ko. Bumilis pa lalo ang pagtibok ng puso ko at tila sasabog na ito papalabas. Nang yumuko ako upang tingnan sila sa ibaba, tumulo ang isang patak ng pawis ko.

“Lagot...” saad ko at mas lalong kinabahan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Katapat ng tumutulong patak ng pawis ang isang kawal. Sa oras na pumatak iyon sa kaniya ay tiyak na lilingon siya dito sa itaas at makikita nila ako.

May kataasan ang pwesto ko kaya napaka-imposibleng matatalon ko ito at makakatakbo muli palayo. May nakita akong bunga dito sa may puno. Agad ko iyong kinuha at binato ko yung ika-limang puno mula sa kinaroroonan ko. Sapat ang pwersang ginawa ko kaya nagdulot iyon ng tunog. Nahalata naman agad iyon ng mga kawal at nagtungo sa pinagmulan ng ingay.

Naginhawaan ako ng pakiramdam dahil bago tuluyang pumatak ang pawis ko ay umalis na yung kawal. May dinukot ako mula sa aking bulsa. Nang maramdaman ko iyon sa aking pagkapa ay napangisi ako.

Isa itong ‘night vision potion’ na napanalunan ko sa pag-inom ng alak nung nakaraan. Ipinatak ko ito sa aking mga mata. “Arayyy...” galit pero mahina ko paring sambit. Napakahapdi sa mata. Wala akong magawa kundi ipikit ng sobrang diin ang aking mga mata. Akala ko mabubulag na ako, naisip ko muling idilat ang mga mata ko upang kompirmahin kung bulag na ba ako. Sa pagdilat ko ng mga ito ay tumambad ang napakaliwanag na paligid. Hindi madilim ang nakikita ko kaya ibig sabihin ay hindi ako bulag. Mabuti namaaannnnn. Kumurap-kurap ako dahil sa hangin na dimeretso sa mata ko. Ilang saglit pa’y nawala na ang hapdi at tuluyan nang luminaw ang paningin ko.

Nakikita ko ang kapaligiran na tila sikat pa ang araw. Napangiti na lamang ako. May silbi rin pala ang pag-inom ko ng alak. HAHAHAHAHAHA. Muli akong nagseryoso. Hindi pa ito ang tamang panahon upang magbunyi. Hindi pa ako tuluyang ligtas mula sa mga kawal ng Sacrandia.

“...oh panginoon naming Sacra, tulungan mo po ako.” dasal ko.

Huminga ako ng malalim. Tumingin sa paligid. Nagmasid. Nang masiguro kong walang tao sa malapit ay tinalon ko ang kasunod na puno. May kalayuan yung distansiya ng pagitan ng mga ito kaya muntik na akong malaglag. Mabuti nalang at nakakapit ako sa isang sanga. Pinilit kong makalapit sa katawan ng puno. Ramdam ko na ang pagsuko ng katawan ko. Medyo nawawalan na rin ako ng enerhiya. Nang makarating ako sa katawan ng puno ay hingal na hingal na ako.

Naghahanda na naman ako sa pagtalon patungo sa susunod. Tumalon ako at gaya kanina ay sa sanga na naman ako nakakapit. Pilit kong inaangat ang katawan upang makatapak sa sanga at maglakad patungo sa katawan nito nang biglang.....bumigay yung sanga!

Sigurado naman ako na matibay iyon pero paanong, “AHHHHHHHHHHH!” di ko na napigilan pa ang sarili ko. Mas mabuti nang may makarinig sa akin kahit pa yung mga kawal para lang may tumulong sa akin. Di ko na inisip yung mga susunod pang mangyayari.

“Tulllllloooooooonnnnnnggggg!” mas malakas ko pang sigaw. Napakabilis ng pagbagsak ko pero matagal bago ko maabot ang lupa. Napakataas talaga nitong puno. Pumikit ako at napaluha. Pinipilit kong tanggapin sa sarili ko na mamamatay na ako....

Tuluyan na nga akong bumaksak....pero teka...kinapa ko ang katawan ko at naramdaman ko ang sarili ko... “Buhay ako!” HAHAHAHAHHAHAH napakasaya ko. Napa-palakpak pa ako sa labis na tuwa.

Nang mapagtanto kong sa putik pala ako bumagsak ay natigilan ako. Tatayo na sana ako nang, “AHHHHH!” gulat na gulat ako nang nagtatalimang mga espada ang nakatutok sa akin. Nakasuot sila ng kulay asul na damit. Damit ng mga kawal sa palasyo ng Sacrandia.

Nakita ko ang kamay ng isang kawal. Hindi ito tumitigil sa paggalaw at mukhang..... kinokontrol niya itong putik!! napatingin akong muli sa kinabagsakan ko. Dapat ay tuyo ang mga lupa ngayon dahil tag-init.
Naramdaman kong unti-unting tumitigas na ang lupa. Napasulyap akong muli sa kamay nung kawal. Nagtungo sa kamay niya yung tubig mula dito sa putik at inilagay niya iyon sa kasootan niya. Tila parte ito ng damit niya.

Nawala na yung tubig sa putik at nagulat nalang ako na tuyo na ito at naging tigang na lupa muli. Napatingin akong muli sa mga kawal. At ngayon, lumapit na sa aking yung heneral.

“Bakit mo kami tinakbuhan?”

Napalunok ako ng laway ko dahil sa ma-otoridad na pagsasalita nito. May mga naiisip akong isagot pero sa oras na tangkain kong magsalita ay walang boses na lumalabas.

“Sumama ka sa amin. Dadalhin ka namin sa Sacrandia.” saad niya.

Sa oras na iyon ay tila nanumbalik ang aking lakas. “Hindi!!!” sigaw ko rito at nagmadali akong tumakbo.

Nakailang hakbang na ako palayo pero kulang parin ang distansiyang nagawa ko. Ilang saglit pa’y may lumitaw na ugat ng puno sa harapan ko at natapilok ako rito. Paglingon ko sa mga kawal ay, wala na sila sa likuran. Pinilit kong tumayong muli ngunit may naramdamang akong hampas sa batok................ at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

--------------------------------------------------------

Ey what’s up! HAHAHAHAHA
PLEASE VOTE, SHARE, AND COMMENT!

Sacranda: Fire PrincessWhere stories live. Discover now