Chapter 11 (Under major revision)

754 23 0
                                    

Dahil sa pagod sa maghapon ay nakatulugan na ni Freya ang pagbabantay habang si Gavin ay nakaupo lang sa sofa

Nagising nalang si Freya ng maramdaman na parang may nag vavibrate na phone

Nakahiga siya ng maayos ulit at may unan pero halos tumalon na siya ng mapansin na nakaunan siya sa hita ni Gavin samantalang nakasandal ang likod sa sofa ng huli

Hindi agad siya naka galaw dahil baka magising si Gavin, at sobrang hiya ang nararamdaman niya paano siya nakatulog sa ganoong posisyon

Dahan dahan pa siyang bumangot pero saktong pag angat ng ulo ay biglang nagising si Gavin

"Hey" he greet her with the husky voice

"S-sorry, nakatulog ako" she said, at sigurado siya na pulang pula na ang mukha niya

Tinignan lang siya ni Gavin, kaya napatingin si Freya sa oras, it's just 3 am kaya tinignan niya ulit si Gavin

"Matulog ka na ako na magbantay" sabi nito at akmang tatayo na para makaayos ng higa si Gavin ng hilain siya nito at sabay na napahiga sa sofa

"G-gavin ano ba" she said trying to get up

"Shh, just sleep" he said at pinulupot ang kamay sa bewang ni Freya

"N-nasa hospital tayo, tsaka baka bigla magising si Thunder" she said

"Sleep, wala akong sakit na nakakahawa" he said at hinigpitan ang yakap sa kanya

"Hindi naman sa gano'n" she sad

"Shh" sabi ng kasama bago haplosin ang buhok niya, naramdaman pa niya ang paghalik nito sa kanyang buhok kaya muling nag init ang kanyang pisngi at parang may humaplos sa kanyang puso

Rinig niya ang malakas na tibok ng puso ni Gavin na parang sumasabay sa kanya, para siyang hinehele sa tunog na iyon, hindi niya namalayan na nakatulog ulit siya sa loob ng mga bisig ni Gavin

***


Maayos na ang lagay ng kapatid mo, ang imomonitor nalang natin ay ang sugat niya at mag run ng iba pang test para masiguro na wala ng ibang complications, basta continues lang ang medication" sabi ng doctor, kaya nakahinga ng maluwag si Freya

"Salamat po Doc" she said with a smile to the doctor who is in charge of his brother

"Sige mauna na ako, Ms. Montenegro" the doctor then left

Pagkaalis ng doctor ay agad niyang inasikaso ang kapatid

Umalis na kanina si Gavin dahil may aasikasuhin daw sa kanilang pag alis

Tinignan niya ang kapatid na kumakain kaya lumapit siya

"A-ah Thuds, baka hindi na ako ang magbabantay sa'yo sa susunod, d-dahil aalis muna ako, nakahanap ako ng bagong trabaho at gusto nilang mag simula agad ako, mas malaki ang kita para makapag ipon agad ako at makapag aral tayo ng sabay " paalam niya sa kapatid

"Ate sorry, dahil saakin hindi mo magawa ang mga gusto mo" paghingi ng paumanhin ng kapatid

"Ano ka ba Thuds, wala iyon basta ang mahalaga maging maayos ka, ano man ang gagawin ni ate, para sa iyong ikakabuti lamang, lagi mo sanang tandaan iyan"

"Salamat ate, kapag nakapag tapos na ako, ako naman ang tutulong sa'yo ate" napangiti na lamang si Freya sa kapatid

Kahit tigasin ang ulo nito ay malambing at naiintindihan ang mga sitwasyon

Bahagya namang nalungkot si Freya dahil hindi pa niya kayang ipagtapat sa kapatid ang mga katotohanan, siguro sa tamang panahon

Maging sila Ximen at Davina ay walang alam sa naging pagbabago ng kanyang buhay, isa iyon sa sinabi ni Gavin, hanggat hindi nalalabas sa media ang kasal nila wala muna dapat siyang pag sabihan

The Accidental Wife Where stories live. Discover now