PROLOGUE

4 0 0
                                    

"Ako si Surayna, ang prinsesa ng buong Chaldra!"

Nagmamataas ako sa lahat ng Chaldares. Ipinagyayabang ko ng paulit ulit ang kasinungalingang saakin mismo nanggaling.

Maraming galit saakin pero hindi ko 'yon piapansin dahil ang atensyon ko ay nasa kasinungalingang kinakalap ko araw araw at sa prinsipeng aking iniibig.

Si prinsipe Nival ang lalaking nakabihag ng puso ko simula palang ng bata paako.

Isang magiting na prinsipe, tapat, may adhikain sa buhay at higit sa lahat walang makakapantay sa mala diyos nitong mukha.

"Tama na ang kahibangan mo, surayna!"Sigaw ng baritonong boses na nagmumula sa likod ko.

"P-prinsipe nival? Oh, aking mahal!"pakiramdam ko'y kumikislap ang aking mata ngayong nasa harap ko s'ya.

"Surayna, masyadong nakakarindi na ang kasinungalingang paulit ulit mong isinisigaw dito sa chaldra!."galit nitong sambit.

"Hindi ka naniniwala? Ako ang prinses—"pinutol nito ang sasabihin ko.

"Tigilan mo na ang ilusyon mo surayna! Alam nating lahat na nawawala ang tunay na prinsesa kaya tumigil kana!"asik nito.

Napasimangot ako. "Bakit ba ansama mo saakin, prinsipe?"padabog akong tumalikod sakan'ya. "Hindi ako titigil sa ginagawa ko. Ako ang prinsesa ng chaldra at wala kayong magagawa."

Iniwan ko na s'ya kahit labag sa loob ko. Ayoko lang makarinig nanaman ng pangaral at asik n'ya dahil naririndi rin ang tenga ko.

"Basta papatunayan ko sa lahat na ako na si surayna ang nag iisang prinsesa ng buong chaldra!"bulong ko sa sarili ko.

Wala akong pakealam sa negatibong komento ng mga mamamayan. Hindi ako naapektuhan ng masasakit nilang salita.

Huminto ako sa paglalakad ng mapadpad ako sa caintura. Ang lugar kung saan namumuhay ang mga Diwata.

Naghanap ako ng diwata na pwede kong makausap o mapagtripan ng mapadako ang tingin ko sa pinakadulong parte neto.

Isang itim na diwatang lumuluha kaya hindi ako nagdalawang isip na lapitan s'ya.

"Psst, bakit ka umiiyak?"tanong ko.

Mabilis na nagpunas ito ng luha bago ako tingnan ng gulat. "Diba ikaw ang lapastangang babae na umaangkin sa trono ng prinsesa?!"

Umarko ang kilay ko. "Ah talaga? Pakealam mo ba!"

"Ano bang kailangan mo saakin at napadpad ka sa lugar namin!?"tanong nito.

Ngumisi ako. "Wala lang. Gusto ko lang magliwaliw. ikaw, bakit ka umiiyak?"

Nag isip ito kunwari kung sasabihin n'ya ngunit nagkwento rin. "Bawal kaming umibig. Ang diwata ay taga pangalaga lamang at hindi pwedeng magmahal."malungkot na kwento nito.

"Ibig sabihin umiibig ka?"

Tumango ito. "Ako si Wilanes, surayna."pakilala n'ya saakin.

"Alam mo ba ang kasabihan ng kapag mahal mo, ipaglalaban mo?"pigil ngising tanong ko.

Umiling ito ng dalawang beses. "Hindi nga ako pwede sumuway sa dyosa, surayna!"

"Puro nalang batas. Nakakasakal narin sila noh! Nahihirapan tayo wilanes. "Pang uuto ko.

"Tama ka pero—"pinutol ko ang sasabihin n'ya.

"Wala ng pero pero! Kumampi ka saakin at bubuo tayo ng grupo kung saan sasakupin natin ang buong chaldra at gagawa ng bagong kautusan."pangungumbinsi ko sakan'ya.

"Hindi ba delikado yan?"tiningnan ko s'ya ng masama."sige nanga. Magiging masaya ba tayo sa plano mo?"

Peke akong ngumiti. "Oo naman. Magagawa na kasi nila ang gusto nilang gawin ng walang anumang batas ngayon na pipigil."

"Sige, sige. Masaya yan."

D'yan nagsimula ang kanilang kasamaan.

"Lola tapos napo?"tanong ng inosenteng bata sa kan'yang lola na inililipat sa susunod na pahina ang hawak na libro.

Ngumiti ang matanda."hindi pa apo. Gusto mo marinig ang buong kwento?"

Napalon talon sa tuwa ang bata. "Opo, opo!"

Tumawa lang ang matanda bago sinimulang magkwento.

"Bumuo nga ng grupo ang dalawang sakim sa kasinungalingan hanggang sa..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CHALDRA: Who Am I?Where stories live. Discover now