EIGHT

4.4K 105 12
                                    

Hawak ni Juaquin ang kamay ko palabas ng mansyon nila. He's panting and breathing heavily. He's wearing his black longsleeves, slacks and his oxford pair of shoes.


Nang makalabas kami sa mansyon ay hinawakan ko ang kamay niya at pumara ako ng bus. Nakita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Juaquin pero wala na siyang nagawa nung pumasok ako sa loob ng bus kaya sumunod siya.



This must be his first time riding a bus. Puno ang loob ng pumasok kami kaya napilitan kaming tumayo. Parehas kaming pawis habang nakahawak sa bus handrails. Napangiti ako nang kuhanin niya sa likod ko ang dala kong bag.



Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero alam kong masaya ako kapag kasama siya.



He chuckled. "Whooo! Grabe yon. Para tayong hinahabol ng pulis."



I gave him a sweet smile. "Bakit ka kasi umalis? Baka mas lalong magalit sa'yo yung mga magulang mo."



He grasped his head. "Hayaan mo na silang magalit, ang mahalaga ay masaya ako ngayon." he said and gave a wink.



Sana ay isa ako sa dahilan kung bakit siya masaya. Dahil iyon ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng bus, pero sana'y matagal pa ang aming destinasyon.



Maya-maya pa'y may isang ale na tumayo mula sa upuan at lumabas ng bus. Alam kong pagod na si Juaquin sa tagal naming nakatayo kaya siya ang gusto kong umupo.



"Upo ka na, Juaquin." I offered him the vacant seat.



Napakamot siya ng ulo. "Bakit ako? Dapat ikaw ang umupo."



"Wag na, hindi pa naman ako pagod." I lied. I'm physically tired but being with him makes me strong.



He took a deep breath. "Ikaw ang uupo o ako ang uupuan mo?"



Napatingin kay Juaquin ang ilang pasahero nung sinabi niya iyon. Ako na yung nahihiya para sa kanya dahil seryoso niya iyong sinabi. Umupo nalang ako sa bakanteng upuan habang nakatayo siya sa gilid ko.



Bumaba kami sa isang malawak na park. Kinuha ko sa kanya ang bag ko at sabay kaming naglakad. Hapon na nung makarating kami kaya hindi na mainit ang kapaligiran.



Nakaupo kami sa malawak na damuhan habang pinagmamasdan ang mga batang nagtatakbuhan. Nakaramdam ako ng kapayapaan nung mga oras na yon. Lumingon ako sa katabi kong si Juaquin at nakita ko siyang nakatingin din sa akin.



I smiled at him genuinely. "Can I draw you?"



I saw the surprise look from his face. "S-Sige. Ayusin mo, gusto ko gwapo ako sa drawing mo."



Matagal ka ng gwapo sa paningin ko.



Nilabas ko ang sketch pad at pencil sa bag ko. Napangiti ako nung humarap siya sa aking direksyon para mas madali ko siyang maiguhit. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.



Nanginginig ang aking kamay habang siya'y aking ginuguhit. Matagal ko na siyang pinagmamasdan pero ngayon ko lang napansin na may maliit pala siyang nunal sa gilid ng kanyang kaliwang mata.



"My parents want me to marry Venice." pagbasag niya ng katahimikan.



I saw him smirked before he continue. "Simula nung nalaman kong hindi siya yung nagpapadala nung mga natatanggap kong sulat noon, nawala na yung pagmamahal ko sa kanya."



Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now