CHAPTER 1

17 0 0
                                    

Chapter 1

Lumipas na ang limang taon simula ng iwan ko ang dati 'kong buhay at sumama kay Zachary. Apat na taon narin kaming kasal. Nagsimulang umingay ang pangalan ko sa bussiness world nang mapakasal ako kay Zachary. Nangunguna na ang kumpanya namin sa pinaka succsessful na company sa buong bansa.

Isa na akong ganap na model, maraming kumukuha saakin upang maging ambassadress ng kanilang mga kumpanya at marami na rin akong nagiging kasyoso sa negosyo.

At dahil asawa ako ng lalaking laging maingay ang pangalan sa bussiness world ay tinitingala na rin ako.

Nakatira ako sa mansyon ng mga Pelletier. Masasabi 'kong maganda ang naging bunga ng desisyon ko dahil lahat ng bagay ay nakukuha ko. Ang dating babaeng tinatapaktapakan ng mga tao ay ngayo'y kanilang tinitingala.

Sinong mag aakala na ang isang tulad ko ay mararating ang lahat na ito?
Pero aaminin 'kong hindi ako masaya sa piling ng asawa ko. Pareho kaming busy sa trabaho, kahit sa iisang kumpanya lang kami nagtatrabaho ay minsan lang kami mag kita. Magkikita lang kami kung may meeting o kung uuwi na kami galing sa trabaho.

Bukod sa trabaho ay alam ko sa sarili 'kong isa sa dahilan ay ang dati 'kong nobyo. Hanggang ngayon kasi ay hindi sya nawala sa isip ko. Simula ng iwan ko sya ay nadala ko pa rin ang pagmamahal ko sakanya.
Siguro tama sila na hindi ganon kadaling makalimutan ang una nating pag-ibig.

Bumalik ako sa reyalidad ng mag ring ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Astraea" sagot ng kabilang linya. Sa boses palang ay nahimigan ko na kung sino sya. Sya ang kaibigan ko, nakilala ko sya dahil isa sya sa shareholders ng kumpanya namin.

"Claire, napatawag ka?" Tanong ko sakanya.

"Naaalala mo ba ang lalaking lagi ko sayo kinukuwento?" Tanong nya. May ikinukuwento nga sya sakin na lalaking gusto daw nya pero iba daw ang gusto.

"Oo naalala ko, bakit?" Sagot ko.

"Pumayag na syang pakasalan ako, Astraea" masayang balita nya.

"Akala ko ba ay hindi ikaw ang gusto nya at ang ex girlfriend pa rin nya ang mahal nya?" Tanong ko.

"Ang sabi nya ay nakamove-on na sya sa ex nya, Astraea. Tsaka wala akong ibang gustong pakasalan 'kundi sya lang. At kahit na mahal pa nya ang babae sa nakaraan nya ay tutulungan ko syang mahalin ako pag kasal na kami" tugon nya.

"O sya desisyon mo yan. Basta hiling ko ang kasiyahan mo, sana maging masaya ka pag naikasal na kayo" nakangiting sambit ko.

"Oo naman magiging masaya ako kapag naikasal nako sakanya. At wag 'mong kakalimutan na ikaw ang maid of honor sa kasal ko ha" bilin nya.

"Oo sige na ibababa ko na ang tawag dahil may meeting na'ko bye" paalam ko.

"Bye" paalam nya at binaba ko na ang tawag at pumunta sa meeting room.

Gabi na ng natapos ang meeting kaya dinaanan ko ang aking asawa sa kanyang opisina.

Nang makarating ako sa opisina ay kumatok ako.

"Come in" rinig ko ang baritonong boses nya.

Pumasok ako at bumungad sakin ang tambak na mga papeles sa harapan nya.

"Let's go home" aya ko sakanya.

"Pero madami pa 'kong gagawin, mauna ka na" sabi nya at patuloy parin sa pagpirma ng mga papeles

"You need to rest, bukas nalang yan" seryoso 'kong utos sakanya. Alam nyang hindi sya mananalo saakin kaya pumayag na syang umuwi na.

Pagkauwi sa bahay ay nagpahanda ako sa mga kasambahay ng hapunan.
Tahimik kaming kumakain ng basagin ko ang katahimikan.

Wounds Of The PastWhere stories live. Discover now