CHAPTER 18

1.2K 37 0
                                    

Kate Pov:

Tinignan ko kung sino ang tumawag sakin at si Kio kaya napangiti ako. Paalis na sana ako ng magsalita si Liza.

"Hoy aber sino yan? At grabe ka naman makangiti? Nakataas ang kilay na saad niya. Akala mo magulang na nahuli yung anak na may kalandian.

"Gaga, kababata ko." Nangingiting sagot ko sa tanong niya. Nagulat kami ni Jane  ng tumayo siya at nagtitili na. Sus kung andito lang si manang kanina pa napingot ang tenga niya.

Tumaas ang kilay ko ng lumapit siya sakin at kumapit sa braso ko. Nagpapacute pa ang gaga.

"Pakilala mo naman ako be."

"Naku tigilan mo ako Liza di ka papatulan ng kababata ko." Nang aasar na saad ko.

"Grabe ka gaga ka." Pabiro niya ako sinabunutan. Natawa na lang kami ni Jane at nakasimangot siyang bumalik sa kinakain niya.

Nagpaalam na ako sa kanila at diretsong pumunta ako sa bakuran. Pagka tapak na pagtapak ko sa bakuran ay dumampi agad sakin ang malamig na hangin.

Masayang sinagot ko ang tawag, Ewan ko pero baka ganto lang ako kasi namiss ko lang talaga ng sobra ang kababata ko.

"Anong kailangan mo Kio." Agad na bungad ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Wala naman bansot, namiss lang kita." Diko man siya nakikita ay alam kong malapad ang ngiti nito.

"Naku ba naman Kio kakakita lang natin kanina na miss mona agad ako, hay nako pabiro ka." Naiiling na saad ko.

"Grabe ka bansot." Napatirik naman ang mata ko.

"Pwede ba tigil tigilan mona ang kaka bansot nakakairita atsaka di na ako mataba medyo pumayat na nga ako e."

"Tsk motto ko na talaga na tawagin kang bansot."

Napailing iling na lang ako at humaba pa ang usapan namin kundi lang ako nag paalam. Napailing na lang ako habang may malapad na ngiti sa labi ko.

Tumambay muna ako sa bakuran dahil sobrang nagandahan ako sa mga halaman, bata pa lang ako ay paborito ko na talaga ang mga halaman, nagagalit na nga sakin si inay nun kasi puro halaman na yung harapan namin e.

Napatingin ako sa kalangitan at andaming butuin na akala mo lang maliliit sila pero nakita mona sa malapitan ay sobrang laki pala. At ang buwan na bilog na bilog. Napapikit ako at nilanghap ko lang ang masarap na simoy na hangin.

Napadilat lang ang aking mata ng maramdaman kong may tumabi sakin, napalingon ako sa taong yun at di na ako nagulat ng si sir Nicholas pala yon.

"What are you doing here? Tumingin siya sakin kaya parehas na nagtama ang aming mga mata. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nagtama lang ang aming mata.

Pinagmasdan ko ang itsura niya, ang gwapo ni sir na parang iisipin mo na lang na wala siyang anak dahil sa itsura niya. Napatingin ako sa panga ni sir ay may maliliit na balbas na ang papatubo, pero kahit naman makapal ang balbas niya ay gwapo parin si sir Nicholas e.

Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng marinig kong magsalita si sir. Diko man lang namalayan na natulala na ako sa itsura ni sir. Eh ang gwapo niya kasi anong magagawa ko.

"Hey." Natulala ako. "P-po?

"Ang sabi ko anong ginagawa mo dito?

"Ah wala po sir tumambay lang po, atsaka nag sarap din po kasi ang simoy ng hangin." Tumango tango naman siya at dina muli nagsalita, at tumingin na lang sa kalangitan.

Namayani ang katahimikan hanggang sa ako din ang pumutol nun. "Ah sir ilan taon na po kayo?

Napakunot naman ang noo ni sir. "Why did you ask?

Napakamot naman ako sa ulo, ano bayan di na lang sagutin yung tanong ko. Napasimangot naman ako.

"Basta sir sagutin niyo na lang po yung tanong ko." Nakasimangot na sabad ko. Natawa naman ng mahina si sir bago magsalita.

"30. Ikaw ba? Nakatingin siya sakin kaya napatingin din ako sa kanya.

"22 po." Nakangiting saad ko. Tumango tango naman siya.

"Ang gwapo niyo po sir, sa edad niyo pong 30 iisipin pong wala pa po kayong anak." Diretsahang sabad ko.

Namula naman ang tenga ni sir at napapakamot naman sa ulo siya.

"Uy si sir namumula." Sinundot sundot ko naman ang pisngi niya. Dahilan para mamula nadin ang pisngi niya.

"D-di kaya." Nauutal na saad niya. Haha may gantong side din pala si sir akala ko habang buhay na seryoso lang siya.

"Hay nako sir andami niyo pong alam tignan mo nga po namumula nga po kayo e." Naiiling na saad ko. Eto ang kauna unahang nag usap kami ng ganto ni sir.

"You're so beautiful." Nagulat ako sa sinabi niya dahilan upang mamula ako. Gosh sinabi ba ni sir na maganda ako.

"Hay nako sir alam ko pong nagbibiro lang kay-. Diko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"That's true, you're so beautiful Kate." Napatingin ako sa kanya at halata sa mukha niya na seryoso siya, nailang tuloy ako.

Pabirong hinampas ko ang kanyang braso.

"Ikaw talaga sir pafall ka alam mo yon, wag mong sabihin sir na may crush ka po sakin." Pabiro kong saad.

"Why not? Mahinang saad niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano po?" Nagtatakang tanong ko. Umiling lang siya pagkwan ay ngumiti siya, gosh ang pogi ni sir sana lagi na lang siyang nakangiti.

"Nothing, matulog kana anong oras na rin." Tumango na lang ako dahil anong oras na rin naman na.

"Goodnight po sir." Tumango lang siya, pero bago ako pumasok ay nilingon ko muna siya at nahuli ko siyang taimtim na nakatitig sakin kaya pinamulahan ako ng pisngi. Kaya ang lakad ko sana ay naging takbo na dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nicholas Pov:

Pagkaalis ni Kate ay napatingin ako sa kalangitan na puno ng butuin na kay gandang pagmasdan. I shook my head ng maalala ko ang napakagandang ngiti ni Kate at kung paano niya ako sabihan ng gwapo.

Di na ako nagtagal dun at pumasok na din ako sa loob.

(EY KONTI NA LANG MAIINLAB NA SA KANYA SI SIR NICHOLAS EHK KINIKILIG EM)

(DON'T FORGET TO FOLLOW COMMENT AND VOTE TY MWAMWA ❤️❤️)

 Babysitting The Billionaire Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now