paraiso

441 6 0
                                    

ang ganda ng iyong mga mata
ilang mong mataas pa sa aking marka
labi mong parang mansanas na pula
mukang matamis kasi mapula

ang tangkad mo, nangingibabaw ka
ang linis mo tignan, ako'y natutulala
muka ka pang mabango, nakapag-aalala
baka lahat ng babae sayo ay mahulog na

ano pa ba ang kapansin pansin sayo?
kapag ngumingiti ka para kang paraiso
kapag dumadaan ka ang lakas ng dating mo
naglalakad ka lang pero napapalingon ako

alam mo bang hilig kong pagmasdan ang magandang kalangitan?
hilig ko ring kuhanan ng litrato ang buwan
ang magandang kapaligiran ay hilig ko ring titigan
at para kang paraiso, napakasarap mong pagmasdan

tula seryeWhere stories live. Discover now