C H A P T E R 6 5

469 20 1
                                    

C H A P T E R 6 5

Kaizhee has a severe mental illness, at the age of 33 he was diagnosed with an obsessive love disorder and mixed mania.

Walang nakakaalam kung paano at bakit siya nagkaroon ng ganoong kalalang sakit, may mga haka-haka na namana niya raw ang sakit sa utak sa kaniyang ina.

"Ayesha needs me! Pakawalan niyo ako! Ayesha! Babe! Help!" pagwawala niya.

Sa anim na buwan niyang nasa loob ng asylum kung saan siya ginagamot, ay wala paring pinagbago sa kaniyang kondisyon. Habang tumatagal, ay mas lalong lumalala ang kaniyang sakit.

Palagi nalang siyang nagwawala, minsan sinasaktan niya ang kaniyang sarili. Gusto kong sisihin ang sarili ko, dahil lahat ng mga kasamaang nagawa niya ay dahil sa akin.

"Babe don't worry I will get revenge for you! Ako mismo ang papatay sa gagong yun! Hindi ka na niya masasaktan. . ." paulit ulit niyang sigaw.

Nabulag siya at naputol ang kanang kamay dahil sa paghihiganti ng mga namatayang magulang, himala't nabuhay pa siya sa kabila ng mga paghihirap na natamo niya sa loob ng kulungan.

Ang dating Presidente ang mismong gumawa sa kaniya nito para sa hustisya sa kaniyang apo at ilang mga magulang na namatayan ng anak.

"Ayesha please don't cry. . . Wait for me, I will kill him with my bare hands." malumanay niyang sinabi na para bang nasa harapan niya ako at nakikitang umiiyak.

Bumuntong hininga ako ng malalim, at napagpasyahang i-off na ang monitor kung saan napapanood at nababantayan namin si Kaizhee.

Pagkalabas ko ng Security Control Room, bumungad agad sa akin ang pinaka-nakakairita at pinaka-panget na lalake sa buong mundo.

Matalim ko siyang tinignan. "Anong nginingitian mo diyan?" inis kong tanong at tinabig ang kamay niya.

Napakamot siya sa ulo. "Uh Love, s-sasamahan ko kayo ng mga anak natin sa check up." nag-aalangang sagot niya.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula paa hanggang ulo. Bagong gupit, bagong shave at bagong ligo ito, at kahit sa malayo ay nanonoot ang pinaghalong mint at kaniyang mamahaling pabango.

Hindi ko gusto ang naiisip ko, mukhang may pinopormahan ang tarantado. Kumuyom ang kamao ko sa mga ideyang naglilitawan sa aking usip, history repeats itself na naman ba?!

"Uh, Love?" pukaw niya sa atensyon ko.

Umayos siya ng tayo at marahang inayos ang gusot sa damit. Pinasadahan niya ng daliri ang buhok, bago tinignan ang suot na relo.

"Let's go to the Hospital?" malambing niyang pagyaya.

History repeats itself?

Excited sa mga Talanding Nurse!?

"Maiwan ka sa bahay." saad ko.

Napatingin ako sa hawak niyang cellphone ng umilaw ito at nagnotif na may dumating na text. Tinignan niya iyon at pagak na natawa ng mabasa ang message.

Tumikhim ako at tinaasan siya ng kilay ng agad niyang itinago iyon sa kaniyang bulsa.

"I'll come." aniya.

"Ayoko, dito kanalang sa bahay. Maglinis ka dun o dikaya manood ng TV, kaysa lalandiin mo rin lang naman ang mga nurse sa Hospital." pagalit kong saad.

Nilagpasan ko siya at dumiretso sa kwarto ng mga anak namin. Nawala ang inis ko nang madatnan kong binibihisan palang ni Ate Ferlyn ang dalawa.

Masaya akong makitang ang dating aso't pusa kong mga anak ay magkasundong- magkasundo na ngayon.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now