Romance Chapter 1

17 1 0
                                    





Tanggal ang angas!

Lugi!

Badtrip ba? Mahina ka kasi!

I had so many reasons why a man like me has no girlfriend. It's not either because I'm shy nor I don't have a plan.

Wala lang talaga akong natitipohan na panghawakan ng kaligayan. Someone I wanted to cherish for life.

Ah... Mayroon sana.

"Kuya!"

Nilingon ko ang nag-iisa kong kapatid. Nakangiti siya'ng lumapit sa akin habang nagc-car wash ako.

"Congrats! Nag-car wash ka ng maaga! Himala!"

She showed me a box of gift holding it with both of her hands. Sumingkit ang mata ko bago ko tinuon sa kanya ang host ng tubig na gamit ko.

"Ang bastos mo! Kuya!"

Tinawanan ko siya bago tumalikod at pinagpatuloy ang pagliligo sa kotse.

"Anong laman niyan? Punit naman na damit ng aso mo?"

"Uy! 'Di ko na gagawin 'yun sa'yo."

Malakas ang boses niya dahil hindi siya lumapit sa akin sa takot na baka basain ko siya ulit.

Tumawa ako, "May gusto ka lang ipagawa sa akin eh."

"Yup!"

Nakangisi ko siya'ng sinilip sa likuran ko.

"Alright. I want Mcdo, then."

"Huwag na nga!"

Rinig ko ang mabigat niyang hakbang paalis dahil sa inis. Natatawa akong bumaling sa kanya saka tinaas ang pressure ng host para maabot siya ng tubig at mabasa.

Umupo ako sa gilid ng garahe ng matapos na ako sa pag-c-car wash. Kinain ko ang sadwich na hindi ko pa nauubos ng lumabas ako para mag-car wash kanina. While I was sipping my glass of juice a truck passed our house.

May sumunod pa na isa at alam ko na agad na bagong lipat ang mga ito when I saw a ford following too.

Pumasok ako sa bahay at umakyat sa kuwarto para maligo. Paglabas ko ng banyo naabutan ko ang kapatid ko na nangunguha ng damit sa closet ko.

"Larry," I called with a stern voice.

Nakangiwi siya'ng bumaling sa akin, "May Mcdo ka mamaya, promise!"

I sighed and shake my head before I continued to dry my hair.

"Next time you touched my things before asking me. Hindi ka na makakaulit."

"Yes naman- Okay po, Kuya."

Hinayaan ko na siya sa kuwarto ko at bumaba para kunin ang cellphone sa dinning table. Tamang-tama tumutunog ito pagkuha ko.

"Yes?"

"Deo! Punta ka?"

"Why and where?"

"Syempre sa tambayanan hatin! Patapos na ang classes i-celebrate na hatin 'to hagad!"

I rolled my eyes as I lightly laugh while sitting on the chair ruffleng my wet hair. Ilang months pa bago ang sira-klase, nagc-countdown ata ang isang 'to.

"Nah, tawag kami sa club."

"Eh sumunod ka pagkatapos no'n!"

"Can't. Kayo na lang."

"Nah. Sumunod ka! Don't worry, wala si- hano ba! Sakit ah!"

I tsk before ending the call. Halata namang nandoon si Viel, ipagmumukha pa rin nila 'yun sa'kin habang buhay.

Love You Like A Romance Where stories live. Discover now