Prologue

48 20 18
                                    

Life

What is life? It is the existence of human and other living things. But what is it exactly?

Hindi makagalaw. Nanginginig at nabibingi habang nakatingin ako sa patient's monitor na nag-iisang linya at naglilikha nang ingay na masakit sa tainga. Hindi rin mapakali ang mga doktor at nars at kung ano-ano ang ginagawa sa katawan ni mama. Nang tumigil sila, ay alam kong iyon na ang katapusan ng buhay.

Humarap sa akin ang doktor at umiling.

"I'm sorry. We did our best to save her." Sabi nito at gano'n na lamang ang pagbagsak ng aking luha. Tinakpan ko ang aking tainga at tiningnan ang doktor.

"Time of death 12:12 AM."

"H-Hindi!" Umiiling kong sigaw sa doktor at hinawakan ang kaniyang kwelyo.

"Hindi pa patay ang nanay ko! U-Ulitin niyo. Buhayin niyo siya! Doktor ka 'di ba?!" Galit kong sigaw at napadausdos ng upo sa sahig. Hindi naman nagsalita ang doktor at umiling lang. Tumayo ako at nilapitan si mama na mabimbing na natutulog.

Nanginginig man ang mga kamay at kalamnan ay nakuha ko pa ring hawakan ang nanlalamig niyang mga kamay.

"M-Ma... Mama, g-gising po. N-Natutulog l-lang p-po k-kayo... Mama, h-hindi po magandang biro ito..."

Niyakap ko ang kaniyang katawan at hinalikan siya sa noo. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at tinatapik ng mahina. Pilit pa rin siyang ginigising sa mahimbing na pagkakatulog.

"M-Ma... Ga-graduate pa po ako. Nangako ka na naroon ka hindi ba? H-Hindi p-puwedeng wala ka roon. Mama, g-gising na po."

Walang tigil ang pagbagsak nang aking luha habang yakap-yakap ang malamig na katawan ng aking nanay.

"Miss,"

"Hindi! Huwag niyo akong hahawakan!" Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak nila sa akin. Nagulat na lang ako nang may biglang humablot sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko mapigilang humagulgol sa bisig ni papa.

"Hush, anak," pagpapatahan sa akin ni papa sa malamig na tinig. Niyakap niya ako nang mahigpit at inilabas sa kuwartong iyon.

"P-Papa, b-buhay pa si mama 'di ba? H-Hindi pa siya p-patay. N-Nakangiti pa siya sa akin kanina. Nabasa niya pa at pinuri iyong project namin sa creative writing na novel. S-Sabi n-niya ang galing-galing ko... Masaya pa siya kanina..."

"H-Hindi ako naniniwala na wala na siya... Papa, nagbibiro lang po iyong mga doktor hindi ba?" Nakatingalang tanong ko sa kaniya. Malamig lang naman itong nakatingin sa akin at kumalas sa pagkakayakap. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Look, Faena. Your mom is gone. Kailangan mong tanggapin iyon." Sabi nito na nagpasiklab ng galit sa akin.

Binaklas ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at lumayo sa kaniya.

"Tanggapin? Talaga po ba, papa? Tanggapin? Ang dali mo namang sabihin iyan?" Pinigilan ko ang pagbasak nang aking luha at tiningnan siya ng matalim.

"Nasasabi mo iyan kasi wala ka naman sa tabi niya noong kailangan ka niya! Nasaan ka ba no'ng kailangan ko ng tatay? Wala ka rito. Wala! Si mama ang tumayong nanay at tatay ko kasi tinakbuhan mo ang responsibilidad mo bilang asawa!"

Napatigil siya at nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa kaniyang mata pero mabilis lang naman iyong nawala at nakapamulsa siyang pinakinggan ako.

"Tinakbuhan mo ang responsibilidad mo bilang ama! Kaya huwag mong sasabihing tanggapin ko ang lahat ng ito. K-Kasi P-Papa, a-ang h-hirap po..."

Kusa akong bumagsak sa sahig ng hospital. Tiningnan lang naman ako ni papa.

Hawak-hawak ang kuwintas na bigay sa akin ni mama noong 16th birthday ko ay hindi ko mapigilang mapaluha habang inaalala ang kaninang masayang mukha ni mama ay naging mapayapa na. Ang kaninang mainit niyang mga palad ay naging malamig na.

"You'll come with me."

•••

Life? It's not permanent. It's a temporary wealth that will be taken by Him at the right time.

I close my eyes as I savour the fresh start of my journey in Encarnacion - my father's hometown. Kung saan sumibol ang pagmamahalan nila mama at papa, at ang kung saan din ito nagtapos.

"You'll meet your half siblings. Be good to them," hindi ko pinansin ang sinabi niya at itinuon na lang ang atensyon sa luntiang mga puno at ang mga maliliit na bahay na gawa sa kawayan at marmol.

Tumira sila Papa sa siyudad noong tatlong gulang palang ako. Nang maalala ko kung paano umiyak si Mama noong malaman niyang nakabuntis si Papa at piliin ang babaeng nabuntis niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit... pagtatampo... at pangungulila sa isang ama.

"Bakit ngayon ka lang? Bakit mo nagawa iyon, Pa?" Tanong ko sa kaniya habang sa labas pa rin ng bintana ng kotse ang tingin. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang mabilis niyang paglingon sa akin.

"I'm sorry." Iyon lang ang sinabi niya at hindi na muling nagsalita pa.

Hindi ko maintindihan kung bakit tuwing may nagagawa tayong mali ay hihingi tayo ng tawad, pero paulit-ulit naman nating ginagawa. Madali lang sabihin ang "I'm sorry", pero hindi naman basta-bastang maaalis ng sorry ang sugat na dala no'ng pagkakamali mo. Kung gaano kadaling sabihing hindi mo sinasadya at humihingi ka ng despensa, ay gano'n naman kahirap ang magpatawad at maghilom ang sugat na gawa nila.

Hindi na lang ako nagsalita at hinintay na lang na makarating kami sa aming destinasyon.

Huminga ako ng malalim at nilanghap ang bagong bukas na wala na sa tabi ko si mama.

//
Hello! Your votes, comments, and feedbacks are highly appreciated po!

Whisper in SummerWhere stories live. Discover now