THE PAST 1.2

1.3K 10 4
                                    

Karen

Alam kong kasalanan ang nangyari sa amin ni Fredrick. Pero hindi ko din mapigilan ang nararamdaman ko.

"It's so selfish to say but, I want to run away with you. "

Napaisip ako. Oo gusto ko din sumama pero... Mas inisip ko ngayon ang kapakanan ng anak ko. Si Ruru. Ayokong lumaki siya na hiwalay kami ng papa niya.

Mahal ko naman si Diego. Pero.... Aaahhhh!!! Nakakagulo talaga!!! Dapat pinigilan ko ang nararamdaman ko!! May pamilya na ako.!!!

Napatingin ako sa katabi ko. Hayst... Hindi pa din naglalaho ang kagwapohan niya. At balita ko, may asawa na din siya at anak. Ugh!!!! Karen baliw ka!! Baliw ka!!!

Kailangan ko ng umalis. Alam kong lasing siya kagabi. Baka malimutan niya na may nangyari sa amin.

Dahan dahan akong bumaba sa kama..

Oo nga pala, may kama pala dito. May parang tago na kwarto sa likod ng isang shelf na puro libro ( YUNG OPISINA NI ROGAN 😆 YUNG NAG EHEM din sila ni KIARRA)

Naka-alis ako sa kwarto ng hindi nagigising si Master este Fredrick.

Anong oras na?

10pm na pala. Kailangan ko ng umuwi.

Nagmadali akong umuwi. May sasakyan naman ako kaya nakauwi din ako agad.

Pagdating ko sa bahay ay madilim na. Siguro tulog na sila.

Naligo ako at nagbihis ng pantulog. Tulog na si Diego ng tumabi ako.

Pero paghiga ko agad niga ako niyakap.

"Bakit ngayon ka lang? "

Bigla ako nakonsensya. ang mga nangyari kanina lang sa aming dalawa ni Fredrick ay bumalik sa isip ko.

"N-nag meeting kasi ng biglaan. K-kailangan ko samahan ang CEO. "

"Ang CEO? Nakita mo na siya? Palaging ang Vice ang nasa kompanya. Nandito pala ang CEO ng Mcklien? Ah! Nga pala Honey. Nakakapagtaka nuh? McKlien ang pangalan ng Kompanya pero si Sir. McKlien Vice lang. Kapatid niya siguro ang CEO ng kompanya. "

"S-siguro nga. Honey. "

Hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko.
Ganito ba talaga ang pakiramdamn na nagtaksil ka sa asawa mo? Patawarin mo ako Diego.





-----

*SLAP! *

"DIEGO?!"

"Akala mo ba masesekreto mo sa akin lahat? Bakit mo nilihim na si Fredrick pala ang CEO? At ngayon ikaw ang secretary niya. "

"Diego, Honey. "

"Alam ko naman sa una pa lang eh. Hindi mo naman talaga ako mahal. Ginawa mo lang akong panakio butas DYAN! sa kagagahan mo sa DATI MONG MASTER! Akala mo ba di ko napapansin? Noon pa man alam ko na Karen. Na may lihim kang pagtingin sa amo mo. At para mabaling ang atensyon mo, sinagot mo ako. Ginamit mo ako!!! "

"Diego, hindi. Totoong mahal kita. "

"Pero hindi tulad ng PAGMAMAHAL mo kay Fredrick!! "

"Diego! Makinig ka naman sa akin. "

"At yan!! Nang gabing umuwi ka. May nangyari sa inyo. Hindi ba? "

"Diego. H-hindi. W-wala. "

"Sa kanya ba yan? "

Turo niya sa tiyan ko na tatlong buwan na.

Ruthlessly Captured by a BillionaireWhere stories live. Discover now