Chapter 9

685 18 1
                                    

Hestia POV

"H-hestia?" Nagulat pa ito sa pag tawag ko sakanya, agad naman nito binaba ang tawag para lapitan ako. "Sabi ko kay Stella siya na lang ih." Nahihiyang saad niya.

"No, It's okay, tara na?" Ani ko at ngumiti atsaka siya inaya pumasok.

Wala pang limang minuto ay nandito na kami kung nasan ung mga baliw. "Oh? Katana? Welcome, shot ka muna." Pag pipilit ni unggoy na painumin si Kat.

Ngumiti pa ito ng nakakaloko.

Jusme 'tong lalaki na 'to hindi man lang muna pinaupo si Kat bago ayain uminom.

Wala nang nagawa si Kat at ininom na lang ang binigay sakanya ni Lev.

"Uy Bailee girl, anong tawag sa bagong cr?" Rinig kong tanong ni Stella.

Tumaas ang isa kong kilay sa tanong nito.

"What?" Taka naman na tanong ni Bailee.

"Banew." Ani ni Stella at nag pipigil pa ng tawa.

Ewan.

Bakit ang talas ng pandinig ko pag dating sa mga walang kwentang usapan? Whatever.

Si Kat naman ay katabi ng manager ni Stella, bali ang pwesto namin ay, Me, Chels, Bailee, Stella, Manager 1, Manager 2, Kat.

Kung itatanong niyo kung nasaan si Lev, nasa harap ito sige lang sa pag kanta.

Umupo ako sa tabi ni Chels na mukang nag hihingalo na sa kalasingan.

Oh ano ka diyan? Kanina pasayaw sayaw kapa anyare?

Ang hina talaga nitong manager ko.

"Kaya pa ba? Wag ka mag lasing Chels, hindi kita ihahatid sa bahay niyo." Panimula ko. Pero umungot lang ito bilang sagot.

Napunta ang atensyon ko kay Lev ng bigla itong mag papasok ng mga lalaki.

"Everyone, I want you all to be happy tonight so here's my gift." He said smiling like an Idiot.

Nag sihiyawan naman ang mga kasama ko puwera sa akin. Agad naman nila pinuntahan ang mga nakawalang unggoy.

Sila Bailee at Stella pati ang mga manager nila ang pumunta sa mga lalaki para sumayaw sa labas.

"What about the both of you beautiful?" Saad ni unggoy habang naka ngiti parin.

Tinarayan ko lang siya at ininom na lang ang nasa baso.

Ang pait.

Teka anong oras naba? Chineck ko ang aking telepono at napag tantong alas nwebe na ng gabi.

Ha? 9 pa lang? Bakit parang ang bilis ng oras tapos ang bilis din malasing ni Chels samantalang ung iba nakikipag sayaw pa.

"Alright, iwan ko muna kayo dito ha may importanteng customer kasi ako." Sambit ni Lev atsaka lumabas, iniwan kami ritong tatlo.

Tinignan ko si Kat at pinasadahan siya ng tingin, naka black dress ito na bumagay sakanya ng sobra.

Kaya pala kanina nung sinundo ko siya ang daming tumitingin sakanya.

I Become More Obsessed To Her Where stories live. Discover now