Ken: Pau, sa'n ka galing?
Paulo: Sa labas, bumili ng soft drinks. Gusto mo? Sa'yo na 'tong isa. Kina Josh itong natira.
Ken: Oo, gusto kita.
Paulo: Batok, gusto mo?
Ken: Gusto pa rin kita.
Paulo: Lumayo-layo ka sa'kin, baka tatamaan ka.
Ken: Matagal na akong may tama sa'yo. Yieeeeee...
Paulo: Ken, jusko. Tigilan mo ako. Ang init na ng mundo, 'wag ka nang dumagdag.
Ken: Ang init nga eh. Parang gusto kong maghubad.
Paulo: Go. Tatapyasin kita. Bubudburan ng asin, papaliguan ng suka at itatapon sa bahay ng mga langgam.
Ken: Hala siya! Langga, grabe ka naman.
Paulo: Wala tayo sa bahay, Suson. Nasa studio tayo. Kung gusto mong maghubad, go lang.
Ken: Talaga?
Paulo: Oo. Basta pag-uwi mo mamaya, kunin mo na maleta mo.
Ken: Joke lang eh. Selos naman ito. For your eyes only lang naman itong ka-sexy-han ko.
Paulo: Hanapin mo pakialam ko!
Ken: *back hugs Paulo* Sungit nito. Kiss kita riyan eh.
Paulo: Tagaaaaaal!
Ken: *laughs* *kiss Paulo's cheek*
Paulo: Thanks. *smiles sheepishly*
Ken: Cute naman ng baby ko.
Paulo: Hmmm... nga pala, may donation ng dugo bukas. Mag-d-donate ka ba?
Ken: Oo ba, why not?
Paulo: Huwag kang magpuyat.
Ken: Yes, Master!
Ken: Hindi mo ba ako tatanungin?
Paulo: Ng ano?
Ken: Blood type ko?
Paulo: *confused* Ano pala blood type mo?
Ken: Blood ko, pula. Type ko, ikaw.
Paulo: *looks so done*
YOU ARE READING
Nah, Just SeKen
FanfictionThis is a SeKen dump imagines. It may be funny, cringe-y, nakakakilig at kahit ano-ano pang dump kabags dito sa aking basket. Sana mag-enjoy kayo; matatawa, kikiligin at mas mamahalin niyo pa sina Ken at Pablo.