CHAPTER 3

9 3 0
                                    

ACARIE's POV.

Kinabukasan sinalubong ko ng sakal si anthony at si mukif.  

wala, dinamay ko na siya dahil minsan ko lang sila makita na magkasama. 

pinagtatawanan lang nila akong dalawa porket hindi sila na suffocate sa sakal ko, mga bwisit.


"masyado kang hot" asar ni anthony at hinampas ko siya sa braso ng malakas.

"masyado kang beautiful" dagdag ng ungas na si mukif na wala atang araw na matino.

"wag niyo ko simulang dalawa ha, dalawa tong kamay ko" tinaas ko ang kamay ko at akmang papaluin sila ng hatakin ako sa bewang ni mukif.

nagulat ako sa lapit ng mukha namin. napalunok pa ako sa kaba.

"simulan nalang natin gumawa ng project, baby project" bulong nito. malakas ko siyang tinulak at inayos ang sarili. mabilis akong naglakad palayo at natawa tawa parin silang sumusunod sakin. 

"ina niyong dalawa" sigaw ko. lalo lang silang tumatawa, mga bwisit talaga.

"tigilan niyo na nga yan" saway ni oscar  sa dalawang mokong, pinandilatan ko silang dalawa at pumasok sa opisina.

"Don't worry bro, ganito lang kami sa baby girl namin" saad ni anthony. baby girl your face. BWISet!


"minsan na nga yan pumasok sa office, lolo niya kasi ang may ari" bulong nung isang empleyado sa kanila. sino naman kaya yun. well I don't give shit.

"oh pake mo?" malditong banat ni mukif doon. kalalaking tao mas mataray pa sa lalake.

"wala" mahinang sagot nung lalake at umalis na ata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"wala" mahinang sagot nung lalake at umalis na ata.

"ang suplado mo ah" comment ni anthony. rinig ko lang sila sa kabilang office dahil ang ingay nila, may-ari ata sila ng hallway. oo lolo ko ang may-ari pero hindi naman ako disney princess no. nag ta-trabaho ako ng maayos, hindi nga lang pumapasok.


MARU's POV.

ilang araw kong hindi nakitang online si acarie simula nung nagpa eventang king namin sa server. 

naka titig lang ako sa screen ng monitor ko, hanggang sa makahiga ako nakatitig ako sa cellphone ko. hindi naman siya mahilig mag post sa facebook account ne'to maliban sa profile niya. isa lang picture niya.

at.

mukhang nababaliw na ako.


napabangon ako sa higaan ng marinig ko may nag notif sa discord na may pumasok sa channel pero nanlumo ako ng hindi si acarie ang nakita ko kundi si ianthele at nagmumusic lang din sa channel. bagsak ang balikat akong bumalik sa higaan ko.

'teka, bakit ako nagkaka ganito ?' tanong ko sa sarili ko , simula nung natalo kami nung isang team na hindi ko masyado kilala. ang nakapukaw lang ng atensyon ko at nakawala sa concentration ko sa laro nung gabi ay narinig ko ang name ni acarie. at binanggit ng ibang lalake. 

kilala niya ba yun? baka nanliligaw na sa kanya? baka kilala niya in person? 

kaya hindi na nag online sa discord dahil kausap na niya yung lalake? baka sila na? wala na pala ako pag asa. o umasa lang ako mag isa.


IANTHELE's POV.

nagising nanaman akong gabi na kaya wala nanaman ako magagawa kundi ang manood ng movie o magpamusic sa discord. 

nag chat sakin si nathan na mag meet daw kami bukas para sa laptop ko, nasira kasi ang laptop ko at marunong si nathan sa ganitong bagay. himala walang tao sa discord. wala yung mag tropa. 

si acarie may out of the country meeting, sa akin niya lang nasabi dahil ako lang naabutan niyang online nung isang gabi kasi gabi yung flight niya. at nagpapasuyo na si nathan daw muna mag pilot ng account niya. mabilis ko naman naichat kay nathan ang sadya ni acarie, mabilis naman kausap yun kaya walang problema.

mag aala una ng napatingin ako sa bagong pasok sa channel, at hindi sanay na online pa 'to ganitong oras.

"oh, maru, anong oras na" bungad ko pagpa pasok niya sa channel

"hindi ako makatulog, makiki music ako sa'yo kung ok lang" mahinang saad nito

"walang problema, ang tamlay mo" sabi ko, madalas kasi ang hyper nito. as in laging full battery ang energy

"wala lang. marami lang sigurong iniisip" bulong nito.

nahiya naman ako mag mute kaya iniwan ko nalang na naka open mic. 

tamang encode lang ako hanggang sa magsalita ulet si  maru

"pwede mag tanong?" nahihiya pa siya sakin sa tagal ko ng kilala sila, kahit via discord lang.

"ano yun?" agad na tanong ko.

"si acarie?" buong lakas niyang tanong sabay buntong hininga, napangiti nalang ako. 

"ah, hindi ba nakapag paalam sayo ?" tanong ko, buntong hininga lang narinig ko mula sa kaniya. "nasa Beijing siya" sabi ko. natahimik lang siya sa kabilang linya, maya maya eh nag salita na.

"si-sino kasama niya?" bulong nito buti narinig ko pa

"I think family niya" agad na response ko at sabi nga ni acarie, tinawag na daw siya ng dad niya at nagmamadali siyang nag out.

"oh, hehe, thank you ianthele, gumaan ang loob ko" napangiti naman ako, ang cute naman neto mainlove. kabataan naman oo.

'akala mo naman ang tanda na'

"babe, tara na" napalingon ako sa kusina ng tinawag ako ng boyfriend ko na kakauwi lang galing work

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"babe, tara na" napalingon ako sa kusina ng tinawag ako ng boyfriend ko na kakauwi lang galing work. night shift kasi 'to at mukhang nagugutom.

"sige lang babe, kain kana, I'm done na" ngiti ko at mag eencode na ako ulet ng may nag takip sa mata ko, napangiti nalang ako. 

"kung kakain ako, kakain ka din babe, baka mag selos ka sa what I'm eating ba" nguso neto sabay kiss sa lips ko. tumayo na ako sa upuan at sumama sa kusina at sinamahan siyang kumain ng agahan na niya. it's 4AM na nang matapos kami kumain. 


pinatay ko na ang computer ng inantok at tumabi na sa higa ang boyfriend ko na ang bilis makatulog. sana all mabilis makatulog.

yumakap ako sa kanya at naramdaman ko din na yumakap siya sakin hanggang makatulog.


Against All OddsWhere stories live. Discover now