1

37 2 0
                                    

"Chaeyoung!!! Tinanghali ka na naman ng gising!!! Bumangon ka dyan at mamamalengke ka pa." Ayan ganyan na ganyan ang bungad ng umaga ko bunga bunga agad ng mama kong napalakas kala mo nasusunog na yung bahay.

"Saglit lang ma!" Umupo ako at tulalang naka tingin sa orasan. Alas Siete palang napaka oa. Tatakbo ba yung palengke?Hay oras na para mag banat ng buto.

"Ang tagal Chaeyoung! Sinasabi ko sayo wag mo akong hintayin na pumasok sa kwarto mo." Ingay ingay ni mama bili kaya ako bago. Sainyo na oh?

"Ito na lalabas na." Inis kung wika at padabog na lumabas ng kwarto. At tumungo sa kusina. Nakakunot ang noo ko at tinignan si mama na naka upo at nag lilista ng bibilihin.

"Huwag mo akong sungitan dyan," Wika ni mama ng makita nya ako na naka tayo sa harapan nya. "Oh ito listahan at pera. Pumunta ka ng palengke, ingatan mo yung itlog na bibilhin mo baka mabasag pati yung mantika. Sinasabi ko sayo Chaeyoung." Buti pa yung itlog sinabihan na mag ingat eh ako?

Lah? Di pa nga ako nakakamumug. Teka lang naman ma! Oh kalma! Baby ka-

"Ay wow tulala ang prinsesa ng bahay? Ano pang inaantay mo. Kumilos kana." Ito na aga aga highblood che.

______

"T*ngina mo Dahyun ayusin mo pagmamaneho ng tricycle ng ama mo." Ayan si Dahyun litsi na to ginawang pangarera yung tricycle ng ama. Inutos sya bumili ng bigas nila kaya ito nakisabay na ako. Kababata ko pala tong si Dahyun kaya parang kapatid na rin ang turing ko dito.

"Tanga kumapit ka kasi." Aba sira ulo to ah na alog-alog na ako sa loob!

Ilang minuto ay nakarating na kami sa palengke maraming tao araw kasi ng tinda ngayon.

"Hintayin nalang kita sa may paradahan alam mo naman kung asan yung tricycle diba?" Wika nito ng nagsimula na kaming maglakad.

"Oo, salamat pala." Nag hiwalay kami ng direksyon at tinignan ang listahan. Piste bat ang dami?!

Isang oras   na ata akong namamalengke. Ang sakit na ng kamay ko huhuhu. Si mama kasi ang daming nilista munti pa mag kulang yung pera.

Tinungo ko na nga ang paradahan para hanapin ang tricycle nila Dahyun.

Naglakad-lakad ako pero wala!?!? Nasan na ang hinayupak na yun?

*Buzz
*Buzz

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya binaba ko muna ang mga pinamili ko at kinuha sa bulsa ko.

Dahyun: te, ang tagal mo nauna na ako umuwi hinahanap na ni nanay yung bigas. Sorry te😭

Anak ng kabayo? Wala ng natira sa pera pano ako makakauwi? Alangan lakarin ko? Juskooo

"Iha sasakay kaba?" Tumingin ako sa tricycle na nasa harap ko. Mag bayad nalang ako pag uwi makakahintay naman siguro si manong.

"Ay opo." Inilagay na ni manong yung mga pinamili ko sa likod. Papasok na sana ako ng may nakita akong nakaupo na maputi, makinis, maganda, maganda ulit ay ano ba. Parang hindi taga dito.

"Iha dali." Ay shutaness.

Pumasok na ako at pasimpleng tumitingin sa babaeng katabi ko ganda nya te.

"Saan kayo?"

"Barangay mapagmahal po."
"Barangey mapegmehal poe"

Ay ate ko ang conyo. Napalingon tuloy ako sakanya at i-nobsebahan. Bago ba sya sa Barangay namin? Bat ngayon ko lang sya nakita? Tinignan ko ang pinamili nito. Lechon manok! Bongga te. Makikain nga sakanila.

Habang binabaybay namin ang kalsada diko maiwasang di tignan ng pasimple itong babaeng katabi ko. Diko na nga namalayan na. malapit na pala kami. Una akong bumaba at kinuha ang mga pinamili ko.

"Naku, iha wala ka bang barya dyan wala akong panukli dyan." Tumingin ako sakanila.

"Manong, I don't have coins po. Uhm just keep the change po. And also don't make pay the girl na nakasabay ko po. Keep the change po manong." Sabi ng babae na pilit nag tatagalog.

Ha?! Bayad na? Ayus! kung naka jackpot ka nga naman oh. Tumingin ako kay manong at nanlaki ang mata. Isang libo?! Tumingin ako sa babaeng nakasabay ko. Natakbo sya pa punta ng purok 2. Purok 1 kasi kami.

Teka lang bakit sya bumaba kung hindi pala sya purok uno? Jusko.

"Hoy, anak ka ng tilapia ano tutunganga ka nalang d'yan?!"

"Ay kabayo!" Nakakagulat talaga si mama parang kabute bigla nalang lumilitaw.

Pumasok ako ng bahay at nilapag ang mga pinamili sa lamesa.

"Kita mo ba yung babae kanina?" Oh tignan nyo ang chismosa talaga ng mama ko!

Best in Marites talaga si mama kaya proud ako dyan eh, mahal na mahal ko yan.

"Opo, bakit ma? May chismis ka na naman na nasagap ha." Biro ko kay mama.

"Ayon na nga, bagong lipat yung babae diba? Ngayon nabalitaan ko youngest CEO daw yon. Tapos sabi pa ni kumare ko Maricel nakatira daw sa Texas yung magandang babae na yon nandito daw para mag bakasyon." Proud na proud ako sa mama kong Marites, aanhin ko naman yang impormasyon mo ma?

"Oh tapos?"

"Oh tapos? Bahala ka dyan mag luto ng ulam ha, pupunta ako kina Maricel babalik ako pag tanghalian na." Wika ni mama at lumabas na ng gate.

Diko alam mag luto ma!!!!

ಥ⁠‿⁠ಥ

"Bakla!!!!!!!!" Napaka ingay dahyun!!!!!

"Huwag ka lumapit Dahyun, matapos mo akong iwan sa palengke." Nagtatampo ako. Ikaw ba naman iwan!

Nakita ko itong umupo sa sofa sa sala.

"Ante naman ang tagal mo kasi eh yung nanay ko hinahanap na yung bigas. Sorry na."

Edi sana sinabi nya ng maaga para bilisan ko mamili hmp!!!

"Wag mo akong kausapin, kakatapos lang ng tanghalian Dahyun tumigil ka ha." Suway ko alas dos palang ng tanghali nambubulabog na si Dahyun.

"Tara punta tayo kina Ate Jeongyeon." Jusko ko ang init!!!

"Tanghaling tapat Dahyun jusko."

Tirik na tirik yung araw pisti na 'to masunburn pa ang mala dyosa kung balat. No na no ate ko.

"Manunungkit lang ng mangga eh." Nagtatampong wika nito.

Anong manunungkit lang ang init-init ng panahon. Kala mo katabi mo si Satan*s eh. Yung buga nga ng hangin ng electric kala mo baga eh.

"Punta ka mag isa mo."

"Tara na kasi teh, ang oa mo naman." Ay wow ha?

"Magiging fried tokwa ka sa labas."

"May jacket ako no, tsaka mag papayong naman tayo diba?"

Tumayo ai Dahyun at lumapit sa'kin.

"Tara na teh, mag tsinelas kana. Tara na." Desisyon sa buhay ko!!!!

ಥ⁠‿⁠ಥ

"Chaeyoung akyat ka nalang kaya ang taas kasi teh di abot ng panungkit." Aba sinamahan ko na nga uutusan pa ako umakyat ng puno ng mangga nila ate Jeongyeon.

"Ikaw nalang kaya, ikaw naka isip diba ikaw na teh tutal ikaw lang naman ang kakain."

"Parang di kaibigan ah. Balik mo tong walang kwentang sungkit nila ate Jeongyeon don sa gilid at aakyat ako."

"Ingat te, drive safe."

Nagsimulang umakyat si Dahyun sa puno. Goodluck sakanya. Pag baba nyan puro.
kagat ng langgam.

"Asan si Dahyun?" Tanong ni ate Jeongyeon. Kakabalik nya lang may ginawa kasi sa loob kaya iniwan muna kami.

"Umakyat teh."

"Chaeyoung ang daming hinog ditooooo!" Sigaw ni Dahyun mula sa taas. "Chaeyoung saluhin mo to ah." Nakita ko ang tumpok na mangga na nasa isang tangkay. Juskooooo.

"Hoy anong saluhin!? Bumaba ka nalang kaya pasasaluhin mo pa ako." Hindi ko sasaluhin yan. Pag ako namali ng salo edi nag ka bukol pa ako. Sira talaga tong si Dahyun.











___
Vote!
:>





Ang Manliligaw Kong EnglisheraWhere stories live. Discover now