Chapter 1

0 0 0
                                    

SCHOOL

***

“We’re here.”


This is it. Bagong school nanaman nakakasawa na. Sa ilang school na napasukan ko, maaaring ito ang pinakamalaki. Well, di naman ako ganun kahirap para mag-aral sa gantong school. But, due to some financial problem sa business ng pamilya namin, napilitan naming isangla ang bahay namin. And dahil don, nakatira muna ko sa bahay ng pinsan ko…which is a good thing habang naghahanap ako ng trabaho and malapit lang siya dito. Nakakahiya naman kasing umasa sa kanya, nakikitira na nga lang ako e.


“Are you listening?”

“Uh yes Ian” sagot ko.

“Dito ka na mag-aaral simula ngayon. Wag mo na intindihin yung tuition mo kasi nabayaran ko na. ” sabi nya kasabay ng kanyang pagngiti.

Yes, mayaman ang pinsan kong to. Actually, Tito is one of the shareholders of this school, while Tita owned a flower shop. Simula pa pagkabata, sadyang close na kami netong cousin ko and sa closeness na yon, napagkamalan pa kaming mag jowa

“Ano ba yan Ian, bat mo naman binayaran lahat?Nakakahiya naman” sagot ko habang nakakunot ang
noo .

“Ayos lang yon AA, bayaran mo nalang ako pag nakaluwag luwag kana. And wag nang mahiya, di naman ganyan ugali mo e hahaha” sabay akbay saken. Tama siya…di ako ganto. Well, kung akala ng iba mukha akong mahinhin dahil sa face ko na maamo…nagkakamali sila.

Dahil naka akbay pa rin ang braso niya saken, hinawakan ko ito at inikot papunta sa kanyang likod.

“Ouch! Sadista ka talaga” turan nya habang hinahawakan ang brasong inikot ko. “Serves right. Ang bigat mo kaya.” Sabi ko at pagkatapos umirap. “Pero seryoso, I’ll pay you.” sinserong turan ko.

“Oo na. And by the way, di pa pala kita nawewelcome sa school.”

“Welcome to Summit Arts and Sciences Academy!”



No choice…papasok na talaga ko.

Once Upon A Misty (On-going)Where stories live. Discover now