Diary #4

1 0 0
                                    

Ilang minuto din ako nakatingin sa desk ko hanggang sa napagdesisyonan ko na hanapin nalang ang imp*kta-i mean si Ms. Cathie kesa naman nakatunganga lang ako dito.

Siya ang May sabi na may ipagagawa daw siya sakin tapos siya naman ito'ng nawawala. Saan ko naman hahagilapin ang babaeng yun?

"Excuse me, Miss."

"Yes po?"

"Kilala niyo po ba si Ms.-"

"Nandito ka lang pala Anya kanina pa kita hinahanap."

"Ate Agatha! Ngayon lang kita nakita-"

"Excuse me, Sir pero sino po ang hinahanap niyo?" Tanong ni Ate Agatha.

"Nevermind, thanks anyway." Agad na umalis ang lalaki kaya hindi na namin ito pinansin pa ni Ate Agatha.

"Kilala mo ba yun?" Tanong nito.

"Hindi po, parang may hinahanap yata di naman sinabi yung pangalan."

"Hayaan mo na. Kamusta? Nabalitaan ko na inilipat ka ng department ni sir Nathan?"

"Oo te, di ko nga alam kung bakit. Basta ang alam ko lang si Ms. Cathie ang huling kasama ni Boss bago ako sabihan na lilipat ako ng department."

"Meron na naman sigurong sinabi ang babaeng yun kay sir Nathan kaya inilipat ka."

"Ay ewan, basta ako nagtatrabaho ako ng ayos."

"Tama yan, wag na wag mo papatulan si Cathie. Kung gusto mo tumagal at magkaroon ng stable na buhay umiwas ka sa gulo."

"Alam ko naman yun te, kaso minsan lang kasi alam mo yun? Nakakainis lang talaga na inilalayo niya ako kay boss na para ba'ng inaagaw ko 'to sa kanya?"

"Ayaw niya kasi na may ibang babae na dumidikit kay Sir Nathan kaya siya ganun."

"Kaso hindi ba't parang ang OA naman niya. Pag-aari niya ba si Boss?"

"Dati naman kasi hindi ganyan si sir Nathan sa mga empleyado niya, mabait siya sumasama pa nga siya minsan kapag lunch time ng buong team pero simula na'ng dalhin niya dito ang babaeng yan nagbago bigla si Sir Nathan."

"Paanong dinala?"

"Hindi ko alam ang buong istorya, pero isang umaga pumasok si Sir Nathan dito sa office kasama ang babaeng yun. Mukha siyang inosente at akala mo di makabasag pinggan nung dumating yan dito. Pero tingnan mo naman ngayon ang ugali akala mo siya ang may ari nitong kompanya."

"Ay oo nga pala!"

"Ano ba! Bakit bigla ka'ng sumisigaw diyan, ito'ng bata na 'to."

"Naalala ko kasi, hinahanap ko nga po pala ang babaeng-i mean si Ms. Cathie."

"Bakit?"

"Sabi niya kasi may ipapagawa siya sakin kaso di ko alam kung saan yun nagpunta."

Tumingin sa wrist watch niya si ate Agatha bago nag buntong hininga.

"Kapag ganitong oras, wala ka talagang makikita na bruha."

"Huh?"

"Haha, ibig ko sabihin hindi mo makikita ang babaeng yun kasi pag ganitong oras nasa loob yun ng office ni Sir Nathan."

"Pero never ko siya nakita na pumasok sa office ni boss ng ganitong oras noong nandoon pa ang desk place ko."

"Naalala mo yung tuwing inuutusan ka ni Sir Nathan pag ganitong oras?"

Tumango ako bilang sagot. Ilang beses ako inuutusan ni boss kung minsan ay hindi pa mga related sa trabaho ang inuutusan niya sakin may isang beses na inutusan niya ko bumili ng damit pangbabae tapos inutusan niya rin ako na umorder ng pagkain sa isang restaurant kahit na mahigit isang oras ang layo nito mula sa kompanya.

Napatingin ako agad kay ate Agatha, di ko maipaliwanag ang emosyon ko ngayon kung gulat ba, naiinis, o galit na hindi ko maintidihan.

"Tigilan mo ang ganyang ekspresyon, kung ano man yang iniisip mo keep it to yourself."

"Baka kasi alam mo na.."

"Aray!" Isang malakas na hampas ang natanggap ko mula kay Ate Agatha nakanguso ako'ng tumingin dito habang hinihimas ang braso na hinampas niya.

"I said, keep it to yourself. Hindi natin ang alam ang totoong nangyayari okay?"

"Oo na, yun kasi ang unang pumasok sa isip ko malay mo yun talaga ang dahilan kaya-"

"Sinabing tikom mo na yang bibig mo. Ikaw talagang bata ka!"

"Hehe.."

Ano nga ba talaga ang dahilan at lagi ako inuutusan noon ni boss para lang makipaglandian. Pwede naman sa condo niya o di kaya sa isang hotel bakit dito pa sa office? Like wtf? Anyway office niya naman yun kaya wala na ako' pakialam sa ginagawa niya.

'Wala nga ba talaga Anya?'

Dear DiaryWhere stories live. Discover now