Chapter 7: TASTE OF OUTER SPACE

605 60 6
                                    



AFTER my flight exhibition, I landed back safely. Pagbukas ng glass roof ng eroplano ay sinalubong ako ng nakangiti kong commander.

It's done. At matagumpay ko itong nagawa sa tulong ni Commander Galilei. Habang unti-unti kong pinapalipad ang eroplano ay hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking kamay at buong katawan. But after hearing Commander Galilei's voice. . .

    "Trust me."

. . . Ay parang unti-unting nawala ang panginginig ko at naging panatag ang loob ko kahit papaano. His commands are great. Ang galing niyang magsalita at magguide, wala naman akong ibang ginawa kundi sundin ito. And yes, I successfully landed. . . safely.

"That was impressive," nakangiting bati niya sa akin.

"Thank you commander," tugon ko.

"You can call me by my name. You're too formal Bellatrix."

"But your my commander sir, it is required to call you with honorifics," sagot ko.

Hindi na siya sumagot bagkus ay tumalikod na at nagsimula na ulit maglakad. Sa pagkakataong ito ay umimik ako.

"Commander!" sigaw ko at napalingon naman siya. "Do we still have things to do?" I asked.

Umiling siya. "Rest, rest Bellatrix," sabi niya at nagsimula na ulit maglakad hanggang sa hindi ko na siya nakita at nakapasok na sa loob ng headquarters.

Hindi ko siya sinundan. Nanatili lamang akong nakatayo at inangat ang aking tingin sa kalangitan.

Maaraw ngayon at tumatama ang sinag ng araw sa aking mukha. Hindi ko alintana ang init na binibigay ng araw at pinagpatuloy ang aking pagtingin sa itaas.

Nakangiti kong pinagmasdan ang alipaap. Unti-unti kong inangat ang kanang kamay ko na parang maaabot ko na ang kalangitan.

"Soon," mahinang sabi ko.

Isang kamay ang humawak sa aking braso na umagaw ng atensyon ko.

"Michael?" bigkas ko sa kaniyang pangalan.

"What are you doing here?" he asked.

"Katatapos lang ng flight exhibition ko," sagot ko.

"Where's Commander Galilei?" takado niyang tanong.

"Inside. Nauna na siyang pumasok sa akin." Tumango siya. "You? Why are you here?"

"Katatapos lang din ng training ko underwater," sagot niya.

To practice extravehicular activities, or space walks, astronauts go underwater. The astronaut use the Neutral Buoyancy Laboratory, a huge swimming pool. They float in the water while they practice on full-sized models of space vehicles.

"How is it? I thought you'll never fly a plane again," sabi niya.

"Yeah, because plane almost killed me."

It's Alyssa's 18th birthday noong una akong nakahawak ng eroplano. Her father gave that to her as a gift. Alyssa wants to be a pilot. She wants to fly a plane hanggang sa pinangarap na niyang magpalipad ng isang space shuttle. Tinuruan niya ako about planes, si Michael naman sa mga engines and machine ng eroplano. Hanggang sa natuto na rin ako at nagpalipad ng eroplano.

I almost die. Nawala 'yung connection ko sa kanila at nagkaroon ng problema sa mga controls ng eroplano. Bumagsak ang eroplanong pinapalipad ko. Mabuti na lamang at tubig ang pinagbagsakan ko kung hindi ay malamang wala na ako ngayon dito sa mundo.

One In A Billion Stars | COMPLETEDWhere stories live. Discover now