Chapter 1

33 0 0
                                    


"Good morning po dean." magalang na ani ni mama nang makapasok kami ng dean's office.

Mrs. Evanjilyn Rosales, principal.

Thank you sa name na nasa harap ng lamesa niya.

Napalingon naman sa amin ang huli at hindi ko mawari kung bakit may nabakas akong gulat sa kulubot ngunit may kagandahan pa rin niyang mukha.

"Oh you're here, Mrs. Castro." medyo manghang aniya pa, gulat na gulat dean?

Obviously? Hindi siya yan dean, hologram lang yan. Nagkataon kasing kamukha niya si mama kaya pinatos ko na, tsk.

Utak, maderdir, paki gamit, nakapatong lang eh.

Bahagyang natawa si mama sa narinig.

Hindi ko siya masisisi, dahil kung nasa mood lang din ako ngayon ay baka nagpagulong gulong na ako dito dahil sa sobrang laugh trip ng mukha ni dean.

Pero dahil badtrip ako sa kanya bahala siya.

Mukhang narealize niya yung pagkalt ng reaksyon niya kaya naman inayos niya muna ang sarili niya bago siya muling magsalita.

"Oh please have your seats ladies." imunwestra pa niya ang dalawang upuan na nasa harap ng table niya kaya naman umupo na rin kami.

Ngalay na rin ako eh.

"I'm sorry about that Mrs. and Ms. Castro. It's just that, I'm too surprised to finally meet the mother of this young girl over here." malamya ngunit may pagka sopistikadang aniya at nilipat ang tingin sa akin, pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

Why are you looking at me like that biatch?

Sobrang ganda ng pakikitungo niya kay mama tapos pagdating sa akin ay ang gaspang ng pag uugali niya.

Yung totoo, gurang? Plastic ka eh noh.

"Anong.. ibig niyong sabihin dean?" nagtatakang tanong ni mama.

Pinanlakihan ko ng mata ang matandang gurang na para bang binabalaan siyang wag magsasalita ng kahit ano kund--

"I've been always waiting for you to come Madam, I'm always reminding your daughter, Chantal, to let me see you and come here so I could discuss you some matters." sinamaan ko siya ng tingin, how dare this old ugly woman? Argh.

Napatingin sa akin si mama ng may nagtatanong na mga mata.

"What?" maarteng ani ko pero hindi niya ako sinagot bagkus muling binaling kay dean ang panangin niya.

Hindi nakatakas saken ang mga tingin niyang kung nakakamatay lang ay malamang 40 days ko na.

Shet, katapusan ko na.

"I would like to tell those matters to you, alone Mrs. Castro." sabi niya at tumingin sa akin na para bang sinasabing makaramdam naman ako at umalis muna doon.

Fine, whatever.

Padabog akong tumayo at saka mabilis na tinungo ang pinto atska lumabas.

Oh yes, fresh air.

Kunwari lang akong ayokong umalis dun eh, pero nangangati na yung pwet kong umalis dun, kaka suffocate.

Plastic din kase ako gaya ni dean.

At dahil wala rin naman akong class ng umaga at magmumukha lang akong tanga dito sa harap ng dean's office kakahintay ay mas pinili kong lumibot na muna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Two Strings AttachedWhere stories live. Discover now