KABANATA 9: Surfing

1.5K 46 0
                                    

Amel's Point Of View:

Isang linggo na ang lumipas ay naging busy na ako sa mga pinapagawang dress ni Mr. Salazar, magkasundo rin kami ni Nathan dahil minsan ay sumasama ako sa kaniya kapag bibili s'ya ng pagkain para kay Mr. Salazar.

Kahapon nga ay subrang busy dahil tumulong narin ako sa pag gawa ng dress minsan ay wala ng tulog dahil kailangan matapos bago ang kaarawan ni Leah.

Ngayon ay ang kaarawan ni Leah susunduin nalang daw ako ni Ashero dahil na una na si Leah doon kahapon.

Madaling araw din kami b-byahe para mas maaga kaming makakapunta doon, ako kasi ang mag m-makeup kay Leah kaya kailangan talaga maaga akong nandon.

2:30AM na ng umaga pero tapos na akong maligo mabuti nalang ay maayos akong nakatulog kagabi 6PM palang ay natulog na ako.

Hinihintay ko nalang si Ashero, ang sabi niya ay on the way na siya kanina lang siya nag text.

Tulog pa si Mama kaya naisipan kong puntahan ang silid niya, pagpasok ko ay mahimbing siyang natutulog.

Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok, ng bigla niyang unting-unti na minulat ang kaniyang mga mata.

"Oh anak a-alis ka na ba?" mahinang pagkakasabi ni Mama na halata sa tuno na inaantok.

"Oo Ma, para narin maaga kaming maka-punta doon alam mo naman na malayo ang beach resort nila Leah." natatawang sambit ko, gusto ko sanang isama si Mama pero wag nalang daw kasi marami pamg trabaho ang gagawin sa bahay.

"Oh siya anak mag-ingat ka, sabihin mo nalang kay Ley na Happy Birthday, ay teka pakikuha nga ng regalo ko kay Ley jan," tinuro niya ang isang box, agad ko itong kinuha.

"ibigay mo 'yan sana magustuhan niya." naka-ngiting sambit ni Mama, niyakap ko siya ng mahigpit.

"Oh segi na anak mukhang may tao sa labas mag ingat kayo." tumango lang ako at hinalikan si Mama sa pisngi, kinuha ko ang dalawang box ang isa kay mama ay ang isa naman ay sa akin.

Hindi pa ako nagbibihis ng dress na aking isosoot dahil malayo din ang byahe baka mapunit oh madumihan pa 'yon.

Nasa labas nga si Ashero nakasandal siya sa kotse na halatang ako ay iniintay, pag ka kita niya sa akin ay agad niya akong kinawayan at ngumiti.

Ngumiti din ako at pinuntahan ang siya, "Ano tara na?" sambit niya na ikina tango ko.

Binuksan niya ang sa may passenger seat kaya ako'y umupo na at isinoot ang seatbelt.

Pumasok at umupo narin siya sa driver seat at sinimulang pa andarin ang kotse.

"Matulog ka muna Ame, gigisingin nakang kita kapag nakarating na tayo." sambit niya habang siya ay nagmamaneho.

Ako nalang ay tumango dahil inaantok parin ako kahit ako ay naligo na.

Sinandal ko ang aking ulo sa headrest bumibigiat ang tuklap ng aking mga mata ipinikit ko ito.

----

Naramdaman ko ang paghinto ng kotche, agad kong minulat ang aking mga mata nagulat ako sa aking nakikita subrang ganda.

May kulay puti na buhangin at kay asul na tubig kay gandang dagat.

Tinignan ko ang katabi ko pero nagulat ako ng wala an ito, teka saan siya pumunta? Hindi ko alam ang lugar na ito.

Agad kong kinuha ang aking cellphone na nasa sling bag ko lang tatawagan ko si Ashero.

"Ashero! Saan ka ba?" sagot ko ng ito'y sumagot.

"Ay gising ka na pala! Kumakain pa ako dito eh, teka lang Leah!" iniwan niya ako mag-isa para lang kumain siya?

Ako nga walang kain mula kaninang umaga? Pero totoo naman gugutumin ka talaga ikaw ba naman 'yong nag drive tapos ako natutulog lang.

Cedrick Salazar: Hiding The Billionaire's Twins [✔️]Where stories live. Discover now