Prologue

19 1 0
                                    


Life is wonderful. It is full of excitement, joy, kindness, and love. That is how I defined life when I was younger. Before the incident happened.

That incident 10 years ago made me change my perceptions in life. It's like my whole world drifted apart, the destiny has taken my will to live my life happily. And it became even worse after a year when that nightmare happened.

Then I started to live my life to no extent. I found my first love, drag racing. Then after some years i also got interested in air racing. Then so on... I've gotten interested in anything that involves 'danger'.

Simula din ng mga panahong iyan, naging sakit na ako sa ulo ni Dad. Totoo namang puro problema na yata ang naging hatid ko sa kanya at sa reputasyon niya. Ayaw nalang kasing itakwil ako. Tanggalin nalang nila yung apelyido ko sa pangalan ko para di ko na madungisan iyang pinangangalagaan nila. I will be glad na dalhin ang surname na Reymundo instead of Del Fria. Dzuh'

" Rossiane Ezekiell!! Open this door!" Kanina pa ko naiinis sa ingay at katok sa pinto sa labas ng aking kwarto.

"Buksan mo ito Rossiane!!" Patuloy na sigaw ni Daddy "Yaya kunin mo ang duplicate ng susi ng kwarto na ito!" doon na ko bumangon.

"Badtrip natutulog pa yung tao eh" pagdadabog ko pa habang bumabangon sa aking higaan.

Pagkabukas ko ng pintuan ay agad bumungad sakin ang galit na galit na mukha ni Daddy.

'Oww... looks like the news spreads like wildfire again'

Napansin ko rin na hindi lang si daddy ang nasa labas. Nandito rin ang mayordoma naming mukhang matatae na sa kaba, ilang maids na takot ang itsura, Tita Julieta- my dad's wife, Adam- my dad's wife's son, and Dianne- my step sister.

I only gave them a straight look. Emotionless.

"What?" I asked flatly.

Agad na ihinarap sa akin ni dad ang kanyang iPad.

'The Del Fria Airlines heiress, Daughter of Edwardo Del Fria, caught racing in an illegal race track'

"Ano na naman yan? Ha?! Wala ka na ba talagang kayang gawing matino sa buhay mo Rossiane?!" Nanggigilaiting sigaw niya sakin.

I smirked before I spoke " Tss..akala ko ba magaling ho kayong negosyante?" Nakita ko ang pagngalit ng panga ng aking ama, tanda ng labis na pagkapikon " simpleng problema hindi niyo masolusyonan" dugtong ko pa.

"What did you say?!" Pagkasabi ni dad nito ay agad na umigkas ang isa niyang palad sa kaliwa kong pisngi. Napangiwi ako sa pagpaling ng aking ulo sa kanan ngunit hindi ko pinahalatang nasaktan ako sa ginawa niya.

"Daddy!" -Adam

"Tito!" -Dianne

"Edwardo! Tama na yan!" Kaplastikang suway ng madrasta kong magaling. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang bumaling ako sa kanya.

Nang bumaling akong muli kay daddy ay nakita ko ang gumuhit na pagsisisi sa kanyang mga mata. Nagtangka siyang lapitan ako at hawakan ngunit umiwas agad ako

"A-anak..I-i'm sorry, hindi ko sinasadya" nagmamakaawa ang kanyang itsura.

"Tanggalin niyo ang apelyido niyo sa pangalan ko. Tapos ang problema." walang gana kong saad.

Tinatagan ko ang loob ko bago tumalikod sa kanila at bumalik sa loob ng kwarto. Padaskol kong isinarado ang pinto. Bastos na kung bastos, who cares?

Lumapit ako sa aking bedside table para kuhanin ang mga susi ko, wallet,at cellphone. Pag labas ko ng kwarto ay naroon parin sila.

Drifting Wheels (RMS1#24)Where stories live. Discover now