Chapter I: starting line

23 1 0
                                    

Nagising ako sa ingay sa aking paligid. Sinusubukan kong imulat ang mga mata ko ngunit hindi ko agad magawa dahil sa sakit ng aking ulo. Iginalaw ko rin ang aking katawan at naramdamang masakit din ang ilang parte nito. Lalo na ang banda sa may paa ko.

"T*anginang babae kasi to eh. Ang lakas ng topak sa utak! Pag galit, galit lang. Gago gusto agad makipag negotiate kay kamatayan!" Rinig kong sambit ng tila umiiyak na babae. Umiiyak nga yatang talaga si Ymmaj.

"Masyadong mainitin ang ulo! Yan ba epekto ng walang love life? Ayan tuloy wala nang love mawawalan pa ng life. Hayss." Nagmula naman iyon sa boses ni kris. Ano bang pinagsasabi ng mga toh?

"OA niyo naman. Patay agad nasa isip niyo. Bawal bang putol muna paa? Tapos dahil doon madedepress siya. Tapos tsaka na siya magpapakamatay. Ganun." Sabat naman ni nine. Alam kong boses niya yun at bunganga niya.

"Guys let's just pray for her recovery, okay? Hilingin nating huwag muna siyang tubusin ni satanas" nakisali pa si nhicola.

"Magsitigil nga kayo jan. Dapat di na kayo sumama dito nakitulong nalang kayo maglinis ng kalat nito dun sa McQueen mga wala kayong ambag sa mundo" saway ng unfiltered na bunganga naman ni zyro.

Di ko talaga alam pano ako napunta sa pagkakaibigang to eh. Pinilit ko nang dumilat kahit gusto ko pa talagang magpahinga. Malabo pa sa una ang paningin ko pero unti unti ding luminaw. Bumungad sa akin ang pamilyar na VIP room ng Aviar Medical Hospital.

"Ross!!" Sabay sabay nilang sigaw nang mapansin ang pagmulat ko

"Punyeta kang gaga ka! Akala ko iiwan na naman ako ng isang pwend ko" humahagulgol na utas ni ymmaj na nakaupo sa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Akala mo namatayan sa itsura. Wtf?

"Gago, di ako welcome sa langit. Ayaw din akong tanggapin ni satanas baka palitan ko daw pwesto niya" sagot ko kahit medyo nahihirapan pang magsalita.

"Siraulo" sabi naman ni zyro sabay tampal sa paa ko.

"What the F*ck zyro!" Inis kong sigaw habang nasasaktan matapos tampalin ni zyrona ang paa kong nakabenda ngayon. Ang loka nginisihan lang ako.

Pagbaling ko naman sa tatlo ay nakahalera ito sa kabilang gilid ko nananahimik. Si nine ay nakatitig sakin tila ba pinag aaralan ang itsura ko habang nakahiga dito sa hospital bed. Si Krissine naman ay parang maiiyak na din na ewan. At si nhicola ay nakatutok sa cellphone na parang may binabasa. nagaaral parin hanggang dito? Aba'y naka masobrahan na sa talino tong isang to?

"Huy. Di pa ko patay" agaw pansin ko kay kris. Lumapit ito sakin at bigla akong niyakap "aghh!" Daing ko ng masaktan.

"Masyado ka namang clingy tol, baka ipagpalit mo na jowa mo niyan sakin" biro ko dito. Agad itong kumalas at hinampas ang dibdib ko. Yung totoo, Gusto ba kong patayin ng mga toh? Kanina paa ko, ngayon naman dibdib ko

"Naiiyak yan Hindi dahil sa pagkaaksidete mo" sabat ni zyro. Napabaling naman ako sa kanya

"Malulugi na daw kasi ospital nila dahil sa kaka 50% off mo" napabaling naman ako sa nagsalitang si ymmaj.

"Halos Buwan buwan ka ba namang nandito sa hospital. Naka VIP ka pa." Si nine naman ito. Alam ko na kung sino ang susunod.

"Tapos kulang bayad mo" si kris na nagpupunas ng kaunting luha.

Saya ng kinabibilangan kong samahan diba? Puro kami may saltik sa utak oo.

Bumaling naman ako sa nananahimik na si nhicola. "Rodrigo" agaw pansin ko dito.

"May idadagdag ka pa?" Tanong ko nang lumingon ito sa akin. Tukoy ko ang kabaliwang pinagsasabi nung apat. Tumango ito bago iniharap sa mukha ko ang cellphone niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drifting Wheels (RMS1#24)Where stories live. Discover now