Chapter 1: Met

14 2 1
                                    

                           

                           𝐁𝐑𝐄𝐋𝐋𝐀

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay nila mama. Kahit na nasa second floor ako nang bahay rinig na rinig ko parin ang pag-aaway nila ni papa.

Come on! Ang aga aga pa para mag-away sila!

Bumangon ako at saka umalis sa kama. Hinahanap ko ang aking tsinelas.

Nasaan na ba yun? Dito ko lang yun nilagay eh!

Then suddenly narinig kong may parang ningangatngat. Yumuko ako para silipin ang sa ilalim ng kama ko at doon ko nakita ang puppy namin na Siberian Husky na busy kakangatngat ng isang tsinelas ko habang yung isa ay nasa ilang dipang layo niya habang napupuno ito ng kanyang laway.

Ugghh! Eww! kadiri!

Walang hiya tong aso na ito kahit nabisto na sa kanyang ginawa aba'y hindi parin tumitigil sa pagngatngat ng tsinelas ko!

"Umbrelle tigilan mo na yan." Malumanay kong sabi habang pilit na inaabot ang aking tsinelas na minurder na niya ngayon.

Para itong walang narinig sa sinabi ko. Hayst itong aso ko talaga napakaspoiled.

"Umbrelle my slippers give it to me". Pag-uulit ko.

Ngunit tila bingi ito dahil nagpatuloy parin ito sa kanyang ginagawa.

Ayaw mong ibigay ah! Sige papaluin kitang makulit na cute na aso ka! Kinuha ko ang walis tambo na nasa sulok ng kwarto ko at nagtingkayad na lumakad patungo sa kama ko. Gusto ko lang gulatin si Umbrelle.

Yumuko ako ulit at nakita ko siyang nanatiling  nasa kanyang posisyon at  ginagawa kanina. Sinundot ko yung katawan niya gamit ang ulo ng tambo.

Napaigtad sya at gulat na gulat akong tiningnan. AHAHAHA! napakapriceless ng mukha ni Umbrelle ang sarap videohan.

Bumunghalit ako ng tawa dahil sa reaksyon ni Umbrelle. Nabitawan ko ang walis tambo dahil hinawakan ko na ngayon ang aking tiyan na nanakit sa kakatawa.

Nung nahimasmasan ako sa kakatawa ay yumuko ako ulit para silipin ang sa ilalim ng kama ngunit wala na roon si Umbrelle. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang aking tsinelas na as expected ay sobrang basa na dahil sa kanyang laway.

Yikes!

Hinanap ko parin sya sa ilalim ng kama ngunit wala talagang Umbrelle akong nakikita. Mawawalan na sana ako ng pag-asa na makita siya ngunit nagulat ako nung may dumila sa aking paa.

Agad ko syang kinuha at saka kinarga.

Nilagay ko sya sa kama at buti naman behave sya. Nakaupo lang kasi habang naghihintay buhatin ko ulit.

Kinuha ko ang walis tambo na naihulog ko kanina at saka ginamit ito pangsungkit sa tsinelas ko.

Luckily, I did get it but I was disgusted because of Umbrelle's saliva sticking in my slippers.

'Yucks! Kaderder talaga itong si Umbrelle'

Kumuha nalang ako ng surgical gloves sa aking cabinet at saka hinawakan ang tsinelas. Nilagay ko ito sa banyo para mahugasan ko mamaya.

Pagbalik ko sa kama ay ganoon parin ang posisyon ni Umbrelle.

She wagged her tail when she saw me approaching. Pa bait-itan pa itong aso na to ha. Akala niya wala syang kasalanan sakin.

Tinigil niya ang paggalaw ng kanyang buntot nung dinuro ko sya.

"Next time Umbrelle ha wag na wag mong papakialaman yung gamit ko kung ayaw mong doon ka sa basement matulog! Do you understand Umbrelle! Bark twice kung hindi mo na uulitin yang ginawa mo kanina!" Kunwari galit ako habang dinuduro ang aso. I see a glint of tears in Umbrelle's eyes that every second I guess she will cry. Aysus! paawa effect naman to si Umbrelle. No mercy na ako no ayoko sa ganyang ugali ng aso!

Touring Hearts(Tourism series #1)Where stories live. Discover now