Chapter 8: Start

9 2 0
                                    



𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 na nagdidiscuss si sir Glan sa harapan namin. Nakikinig lang ako sa kanya ng mataman habang yung iba naming kaklase ay wala nang paki sa mga sinasabi niya. Nasa front row seat ako at magkatabi kami ni Astra.


Siguro kami lang na nasa front row seat yung nakikinig kay sir dahil paglingon ko sa likod ng aming row as well as sa likod ng kabilang row ay mga wala nang paki—may nagbabatuhan ng papel, may nagsecellphone, may nagkukulitan, may natutulog, may nag-uusap, may kumakain and worst may naghalikan pa.


Mga wala silang respeto kay sir! Ito namang si sir walang paki kahit ganyan ang kanyang mga tinuturuan.


Alam kong nakikita niya yung naghahalikan sa likod. Takot lang siyang magsumbong dahil I know for sure na mayaman yung dalawa at kung didisiplinahin niya sila maaaring mapapatalsik siya dito sa school.


If he can't do that then I will!


Tumayo ako.


"Makinig nga kayo kay sir! Wala ba kayong respeto sa kanya ha?! Palit kaya kayo ng posisyon ni sir! Kayo yung magtuturo at siya ang uupo sa seat ninyo na hindi nakikinig sa tinuturo niyo diyan sa harapan! Be matured enough guys! Hindi na tayo high school para sa ganyan! We are now college with a program we choose to take! Always put that in mind!"


Napahangos ako dahil sa haba ng sinabi ko. Tumahimik ang klase at gulat nila akong tiningnan.


Wala na akong gana sa klase na ito. Mabilis kong kinuha ang aking bag at isinukbit ito sa aking balikat. Walang anu ano'y lumabas ako sa room.


"Wait me Brella!"


Narinig kong sigaw ni Astra.


                                ****


Mabagal akong naglalakad sa kahabaan ng hallway sa CBA building. Pupunta kasi ako sa library para magstudy regarding dun sa lesson kanina sa GE-US. Nakabuntot sa akin si Astra.


"Nakakabilib yung ginawa mo kanina Brella!" Masigla niyang sabi.


Tamad ko lang siyang tiningnan.


"Anong nakakabilib doon?" I ask boredly at her.


"Para sa akin nakakabilib yung ginawa mo kanina. No one tries to conform them for being like that—doing what they like during the minor subject class. Saka lang sila nagseseryoso during their major class. Minamaliit lang nila yung minor class as well as the teacher that holds it. Kaya wala silang pake dahil para sa kanila minor classes are just a flower-ish in our program. For them its unnecessary to take such subject."


Napatango tango nalang ako sa sinabi niya.


"Well hindi tama iyong ginagawa nila!Matuto silang rumespeto at magtiis sa subject na iyon. Minor classes are important in our curriculum para mabalance ang equilibrium ng ating knowledge. Hindi naman pwedeng puro majors lang ang papasukan natin dahil may kakapulutan namang aral ang minor subjects. Somehow minor subjects are connected to the programs we take. Hindi naman siguro ilalagay sa class schedule kung hindi sila kasali sa curriculum diba?Ang bobo nila!"


Nakita kong patango-tango lang si Astra sa sinabi ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkabilib para sa akin.


Parang may humawak sa aking puso dahil sa nasaksihan.


Patuloy nalang kaming naglalakad sa hallway.


                            ****


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Touring Hearts(Tourism series #1)Where stories live. Discover now