Chapter 3

24 1 0
                                    

Chapter 3
My Boss

Hindi ko namalayan na naunahan na pala ako ni Joyce Linn sa pagligo. Kasalanan kasi to ng paruparo! At dinamay ko pa talaga ang inosenteng paruparo sa katangahan ko. Di bale may oras pa naman, ano bang silbe nang nilakasan namin yung alarm para magising kami nang maaga kung hindi rin namin susulitin ang oras. Sabi nga nga ng pilosopong lolo natin, "Time is gold", don't waste time, sayangin mo lang. Sayang lang ang oras pag maaga kami sa campus, hahaba lang ang i-hihintay namin don.

Di bale nang late, wag lang mapagod kakahintay. Ouch!

Habang naliligo pa si Joyce sa banyo, tinulungan ko muna si Vie sa paghahanda ng pagkain sa mesa. Habang busy siya sa pagsasalin ng ulam at kanin, isa-isa ko namang inilagay ang mga plato at iba pang mga kubyertos sa kaniya-kaniya naming mga pwesto. Isang mesang pabilog at hindi masyadong malaki ang nag-iisa naming kainan dito sa bahay, hindi rin ito masyadong maliit kung kakasyahin sa apat na tao. Sapat lang ito para sa aming apat.

Awhile after, nakikita kong lumabas na si Joyce mula sa pagligo. Tumingin muna siya sa akin ng pinipigilang ang pagtawa; agad din naman siyang dumeretso sa kwarto upang makapag bihis. "Vie, mauna kana!" sabi ko kay Vie na panay din ang paghihintay sa naliligong daig pa ang sirena sa sobrang tagal umahon sa tubig.

Napatingin naman siya sa akin dahil gusto niyang paunahin ako,"Sigurado ka?" tanong niya, dahil siguro mas matagal akong naghintay sa labas kaysa sa kaniya.

"Okay lang, sabay parin naman tayo pag-alis mamaya. Kahit mahuli pako ng pagligo, hihintayin n'yo parin naman ako", saad ko sa kaniya na naging dahilan din ng pareho naming pagtawa. "So, don't worry", dagdag ko.

Sa sinabi kong iyon ay sumang-ayon na lamang siya, agad din naman siyang pumunta sa banyo at naligo. Mahigit dalawampung-minuto rin ang hinintay ko samantalang hinayaan ko muna ang dalawa sa pagbabantay sa hapag habang nagbibihis pa si Vie, and me- I will just proceed for a bath.

Nang handa na kaming apat-kung saan tapos nang kumain, tapos narin sa paghahanda ng mga dadalhing credentials at mga papeles na kailangan para sa application mamaya sa Ottimo Aroma, we locked the gate at umalis na ng bahay. Masyado kaming excited sa pag-aaply, wala kasing pera kaya desperado na.

Ang nag-iisang class schedule namin ngayong araw ay Biology which will start at 7:30 to 9. Para hindi masayang ang pagod namin papuntang campus, napagplanohan narin namin na pumunta sa cafe' after that said schedule. Just like the usual day of our student life, naglakad kami papuntang Ateneo since the time is still 6 A.M. Still, a lot of time for heading to the campus.

We arrived at exactly 7 A.M. Inabot pa talaga kami ng isang oras kakalakad dahil madami-dami ang chismis na nasagap ng mga 'to. Kung anu-ano na lang ang mga naririnig nila sa campus at maging sa baranggay. Talagang gossip sweethearts 'tong barkada ko, and of course, kabilang na ang mareng Keila don. With action nga kung maka kuwento. Parang MMK, sila yung taga-kuwento; sila rin yung taga sadula.

Agad-agad rin naman kaming pumasok sa room 116 at the Science Building, which is Dr. Fua's Biology class.

These cockroaches were really talkative, yung tipong 'di nauubusan ng tsismis. That wasn't bad though, dahil sa totoo lang, masaya ang barkadang maiingay. Pero... sa mabuting bagay. Syempre mga anghel to noh!

~~~~~~~~~~~~~

Nasa labas na kami ng campus and decided to review our portfolios first bago pumunta sa Ottimo Aroma. Isa-isa naming chineck ang mga papeles na nakalagay sa kani-kaniya naming brown envelope for assurance.

"Kumpleto ang requirements, masisipag, youthful faces, magaganda. At higit sa lahat.... magagaling magluto. Dahil dyan, tanggap na kayo!" pagbibiro ni Vie habang pumapalakpak. Pala-biro talaga ang isang 'to.

CONSTELLATIONS: MY BOSS IS MY CHILDHOOD SLAVE (Series#1)Where stories live. Discover now