Chapter 9

88 3 0
                                    

"Okay take your break." Ms. Dimayuga said habang inaayos ang mga gamit niya.

Kinuha ko ang notebook ko sa desk at inilagay ang gamit sa bag ko habang nag aayos pako ay may lumapit sakin.

"Oliveros hinahanap ka." Sabi ng classmate kong lalaki si Mark.

"Ha? Naghahanap sino daw?" Tanong ko habang sinusukbit ko na sa likod ko ang bag.

"Si Montecillo hanap ka nasa labas siya." Nanlaki ang mata ko ang dali dali akong lumabas ng room. Nagtama ang mata namin, ang gwapo niya sa ayos niya, nakasukbit sa isang balikat niya ang bag tapos sa itaas ng uniform niya ay nakabukas ang butones habang nakahawak sa railing na nakasandal, ang pogi niya sa ayos niya.

Kasama rin niya ang dalawa niyang kaibigan si Elijah at Warren pawang nakangisi sila habang nakatingin sakin siguro napansin nilang natulala ako.

"I know I'm handsome, but stop staring at me you might drool." Xander said habang papalapit sakin.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin bago tumingin sa kanila.

"H-hindi naman ikaw ang t-tinitignan ko." Nauutal na sabi ko, naiilang ako sa matiim niyang titig sakin, yung titig na parang kakainin niya ko. I don't know but that's how I feel.

"Fuck! Who are you looking at?" Galit na ang mababasa mo sa mata niya pero andun padin ang mahinahon. Nakaramdam ako ng takot kaya napayuko ako, at kita ko kung paano ang galit niyang mukha ay naging mahinahon bago ako yumuko.

"I'm sorry if i scared you." Mahinahon ngunit nag aalala na sabi ni Xander kaya napaangat ako ng ulo at nakatitig siya sakin habang nagsusumamo ang mata niya.

Matagal akong nakatitig sa dagat niyang mata na hinding hindi ko pagsasawaan ang mga mata na binibigyan ako ng ilang sa tuwing magtama ang mata namin.

"Hey." Lumapit siya hanggang sa isang inches na lang, napapitlag pako ng hawakan niya ang parehas kong balikat kaya kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Tinakot mo kasi pre." Warren said.

"Shut up." Pagalit na nilingon muna niya si Warren bago dumapo ang tingin niya sakin.

"A-ah okay lang." Mahina kong sabi, habang ilang na ilang na umiiwas pag nagtatama ang mata namin. Kita ko ang paghinga niya ng malalim bago ako niyakap, na bumulong pa ng sorry ulit maliit na napayakap ako sa kanya.

ANDITO KAMI SA CATERIA, katabi ko si Xander habang ang dalawa niyang kaibigan ay nag order, tahimik lang ako at ramdam ko sa gilid ng mata ko na nakatitig sakin si Xander ilang minuto na siyang ganyan simula ng dumating kami dito.

Tapos yung mga tingin ng ibang student ay para silang nakakita lang ng artista kasi pagpasok pa lang namin ay yung tingin nila ay nasa amin na agad yung iba gulat, galit, at inggit naalala ko pa kanina yung sinabi niya ng maramdaman niya kanina na nahihiya ako tapos nasasaktan sa mga pinagsasabi nila.

"Don't pay attention to them, your eyes and your ears should only look at me and listen, do you understand?"

Tumango lang ako at maliit na ngumiti.

Kahit papano ay napawi ang lungkot ko nung sinabi niya yon, ibang iba na talaga si Xander ngayon, diko man sabihin ay mahahalata minsan sa itsura ko na kinikilig ako.

"Look who's here, having fun with someone who didn't like her before?"

Mula sa malalim na pag iisip ay napatingin ako sa harap si Cheska kasama ang mga alagad niya mga pawang nakangisi pero may galit sa mata lalong lalo na si Cheska na sobrang sama ng tingin.

Di ako nagpatinag sa tingin niyang iyon, siguro naman lumaban na rin ako di puro iiyak na lang ako dahil sa inaapi ako, kung iiyak ko lang ito mas lalo akong aapihin ng iba.

"What are you doing here Cheska?" Pagalit na tanong ni Xander at gulat at pitlag ang nangyari sakin ng maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko na pumalibot at mahigpit akong hinapit sa bewang.

Kita ko ang pagsunod ng tingin ni Cheska mula sa kamay ni Xander papunta sa bewang ko, kita ko ang galit at sakit dun bago umangat at mata deretsong tinignan ako at matalim na tinignan.

Ngumiti ng peke si Cheska sabay sabing

"Nothing, why is it bad to join in?" Tinignan niya ang paligid pawang mga estudyante ay nakatingin na samin at parang nanonood lang sila ng teleserye inaabangan kung kelan sasaktan ng bully ang bida.

"Alam kong manggugulo ka lang, kung yung usapan natin kanina please I don't like you, I like someone else."

Kumirot ang puso ko ng sabihin ni Xander ang salitang i like someone else its hurt, what is he doing? is he just making me spin because he knows I like him to wait for him to cry and hurt me then he left me in the air why does he keep hurting me?

"Ohh, ang swerte naman ni 'someone else'.

Pinagdiinan pa niya ang someone else habang naiinis na nakatingin sakin. Kaya napakunot noo ako, at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko UMAASA na ako yung someone else pero mukhang malabo yata.

"Yeah kaya umalis bago pa maubos yung pasensya ko sayo."Mahinahon pero andun yung galit sa boses niya.

Mukha namang natakot si Cheska dahil bigla na lang sila umalis kasama ng alagad niya, kaya mas lalo akong napakunot noo.

Napatingin ako sa katabi ko at nakangiti na siya sakin, at nagulat pa ako ng halikan niya ang noo ko kaya namula ng husto ang pisngi ko.

"You're blushing." Natatawa niyang sabi, tawang totoo yung walang halong biro, kung nagulat ako mas nagulat ang mga estudyante, bakit ngayon lang naman tumawa si Xander at sa isa pang nerd na kagaya ko.

"I'm not" tanggi ko habang umiiwas ng tingin na hihipnotismo ako ng tingin niya at diko aminin kinikilig ako sa mga kilos niya pero paano kung palabas lang pala lahat ng iyon?

"Hey ang tahimik mo agad sino iniisip mo?" Ngayon naman nakakunot na ang noo niya, minsan ko nang napapansin pabago bago ang mood niya.

Magsasalita na sana ako ng dumating na ang order namin. Inilapag ni Warren at Elijah kaya natatakam na tumingin ako sa harap. Puro masasarap ang nasa harap ko.

Napakunot noo ako ng makitang nilapag ni Xander ang favorite kong Carbonara sa harap ko kaya nagtataka at nagtatanong na tinignan ko siya.

Napakamot naman siya sa ulo habang naglulumikot ang mga mata.

"A-ah nalaman ko kay mommy, kumain kana." Sabi niya at inumang ang kutsara sa harap ko aktong kukunin ko yon sa kanya at iniwas niya.

"Ako na." Wala na kong nagawa kundi tanggapin ang binigay niya, napagdaop ko ang labi ko ng makitang kumuha rin siya sa Carbonara at same pa ng kutsara. Hindi niya ba alam ang indirect kiss.

Pagkatapos ng break dahil nag bell na ay hinatid muli ako ni Xander sa room ko at sabi niya ay sabay daw kami uuwi kaya tumango na lang ako at ngumiti ng malaki ng makitang titig na titig siya ay naiilang na umiwas ako nun, kaya nagpaalam nako sa kanya dahil nakita ko na ang next teacher namin na papunta na sa room namin.

Montecillo Series 1: Love at First Sight (Ongoing)Where stories live. Discover now