Chapter 12

65 4 0
                                    

Lumipas pa ang ilang buwan at nakapasa ako at naka akyat sa stage nakakuha din ako ng medalya at certificate bunga ng paghihirap ko. Di sana ako maghahanda dahil wala naman akong pera dahil pang gastos ko lang sa bahay kaso nagpumilit si tita at nagpahanda ng simple sa bahay nila.

Natatawa pa nga ko kasi sumimangot pa si Xander ng sabihin ko na wag na, sabi pa niya..

"Well, if you don't go, magtatampo ako."

Pati si tita ay natawa rin diko rin mapigilan na bumusilak ang puso ko dahil sa pinapakita ni Xander sakin.

Ngayon ang pasukan at HE ang kinuha kong strand I want to be a chef one day.

Scholarship ako sa pinag aaralan ko ang Aurora High School ang pinakasikat na school, pinangarap ko ito noon na dito ako pumasok.

Sabi pa nga tita ay siya na lang ang pag papaaral sakin kasi madami narinig gastusin pero umayaw ako tsaka nakakahiya na kay tita madami na siyang naitulong sakin. Kaya naghanap talaga ako ng pwedeng mag scholarship na ipinagpapasalamat ko para kahit papaano di ako masyado maggagastos.

Pumasok na ako sa room ko at usual mga maiingay sila at meron nagtatawanan, nag uusap tsaka may grupo ng mga babae na nagmamake up.

Inayos ko lang at salamin ko at napahigpit ang hawak ko sa bag ng lahat sila ay lumingon sakin kaya napayuko ako. Yung iba walang reaksyon yung iba tinitignan ako ng may pagnanasa at yung iba nang iirap.

Yukong yuko na pumunta ako sa likod. May nakita rin ako dun na babae pero wala rin siyang reaksyon pero di mo makikitaan sa mata niya ang panghuhusga pero kinakabahan parin ako.

Baka isa rin siya sa mambubully sakin. May dalawang upuan ang bakante at katabi pa niya iyon kaya kinakabahan na pumunta ako sa direksyon niya kita ko ang pag angat ng tingin niya, sa itsura kasi ng babae ay medyo pagka mataray yung kilay kaya maiisipan mo talaga na maldita yung tao.

Yuko lang na umupo ako sa gilid ng bintana kaya nasa gitna namin ang bakante. Saktong dating din ng professor namin. Kaya humarap nako sa board.

Wala sana akong balak na kausapin siya ng magsalita yung babae.

"Hi." Lumingon ako at para lang akong nakatingin sa angel kasi nung ngumiti na siya mala anghel na eh.

"H-hello." Sabi ko habang naiilang na inayos ang salamin ko.

"Rachel." Nakangiti niyang pakilala at inilahad sakin ang kamay niya kaya medyo naiilang ako kaya inayos ko ulit yung salamin ko at inabot ang nakalahad niyang kamay.

"Abigail."

Saktong pagkasabi ko ng pangalan ko at dating din ng guro kaya ngumiti kami sa isat isa at parehas na tumingin sa harap. Kita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagtayo niya at pagtabi sakin.

Medyo nagulat ako pero isinawalang bahala ko na lang at mas nag focus sa harap.

Wala namang itinuro sinabi lang muna ang mga rules at sinabi rin ang ayaw at bawal sa klase nila, nagpakilala rin kami sa harap at usual mga tingin na pandidiri at kamuthi nanaman ang nakita ko sa classmate ko maliban kay Rachel.

Tumunog ang bell hudyat na recess na kaya kanya kanya ng ayos ang iba at labas ng room ang iba, habang ako ay inaayos pa ang bag, saktong pagsukbit ko sa bag sa balikat ay biglang kumapit sa braso ko si Rachel.

Shock written on my face.

"Friends na tayo ah." Masayang sabi niya sakin habang nangingiti na nakatingin siya sakin. Ang ganda pala niya sa malapitan kahit sino yata magkakagusto sa kagaya niya.

"A-ah—" Diko na natuloy ang sasabihin ko ng hilahin niya ko palabas ng room namin. Gulat talaga ako sa lahat ng pangyayari its my first time na may lumapit sakin at gustong makipag kaibigan sa akin, nakadama ako ng tuwa dahil meron na akong kaibigan.

Hindi ko namamalayan na nasa cafeteria na kami, malawak din ang cafeteria kasing lawak ng cafeteria na pinag aralan ko noon, lumipat ako ng school sa kadahilanan na ayoko na maranasan ang mabully lalo na at makikita ko si Cheska dun ay kinikilabutan na ako.

Si Xander naman ay diko alam kung anong nangyari kasi di naman siya gumraduate ng senior na ipinagtataka ko pero sabi niya ay nauna daw sila kaya nainis pa nga ko kasi di ako naka attend nun.

Maraming estudyante na ang nakaupo pawang kasama ang mga kabarkada nila halo halo na nga lang. Pero sa mga itsura nila ay alam mong may masasabi sa buhay sa mga ayos nila sa mga bag nila na may tatak ng brand ay alam mong hindi lang sa labas labas nabibili.

Nang makahanap ng upuan si Rachel ay hinatak niya ako, gulat pa ko ng papunta kami sa gwapong lalaki mag isa lang siyang nakaupo nakatitig samin ay hindi sakin o namamalik mata lang ako.

Naupo na ako ng umupo si Rachel ilang na ilang pa ko kasi grabe makatitig yung lalaki sakin. Kaya tumikhim ako. Ngumiti muna sakin si Rachel bago humarap sa lalaki na ngayon ay nakatingin na kay Rachel.

"Carl new friend ko nga pala si Abigail , Abi si Carl nga pala kababata ko."

Tumingin ako sa harap at kita kong lumipat ang tingin niya sakin nilibot niya ang tingin sakin kumunot pa ang noo niya kaya lalo akong naiilang idagdag na diko mabasa ang nasa isip niya basta nakatitig lang, maya maya ay nagtaas ng isang kilay bago ngumiti sakin.

"Carl, ay mali Carla." Natulala pa ako ng magpakilala siya, t-teka wag mo—

"Yes I'm gay." Nabasa niya siguro ang pagtataka sa mukha ko. Nakataas parin ang kilay niya. Tumango lang ako. Bago napayuko.

"Ikaw kasi Carl ay este Carla bakit mo kasi tinignan ng ganun si Abi, tuloy naiilang sayong bakla ka." Pagtataray na sabi ni Rachel kay C-carla

"Eh wala lang, btw I like her kaso—

Sinuyod niya muli ako ng tingin at napanguso pa siya, kaya nandidiri na rumehistro sa mukha ni Rachel na ginantihan lang ng irap ni C-carla.

"Wala siyang fashion look at his hair, it's a bit frizzy, tapos ang laki ng salamin niya then tignan mo yung damit niya pang manang, pero kung aayusan siya bogsh maganda ang kakalabasan niya." Wow, ang haba ng sinabi niya ah pero medyo nag 50/50 yung boses niya.

"Tsk, tumahimik ka nga baka na offend si Abi sayong gaga ka." Lumingon siya sakin at tinignan ako ng may pag aalala. "Na offend kaba?"
Umiling lang ako, pagkatapos nun ay nagkwentuhan na sila na sinasali naman nila ako, minsan tinatanong nila ako ng kung ano anong bagay, like mga paborito ko at kung saan ako nag aral.

Natatawa din ako minsan dahil sa mga joke ni Carla medyo nasasanay na ako at masaya pala talaga na magkaroon ng kaibigan, sana di na matapos ito, sobrang saya na ngayon ko lang naranasan.

Montecillo Series 1: Love at First Sight (Ongoing)Where stories live. Discover now