3

138 6 5
                                    

Maaga niyang pinalabas ang mga ka-block ko. Yung apat na baliw inaantay ako kasi kakain daw kami sa Wolfgang. Bakit? Gusto lang nilang mag-celebrate kasi it turns out we are really entering another layer of hell.

At ang malala pa ako talaga ang guide sa hell tour namin. Ikaw ba naman personal na ma-assign sa unpredictable na Attorney.

At may straight outstanding records. Parang gusto kong humingi ng gabay sa mga ninuno ko para naman kayanin ko ang bagong hamon ng buhay.

Sumunod ako kay Atty. Montreal sa office niya sa may dulong bahagi bago ang faculty room. Sikip na raw sa faculty office kaya may extra room sila for her. Pero feeling ko excuse lang talaga 'yon at may pa-special treatment kay Attorney.

Plain lang yung office niya. Kagaya lang ng faculty  room. Ngunit mukhang naka-ayos na ang gamit ni Attorney dahil wala na gasinong box ang nagkalat sa office niya. Kadalasan kasi na bagong lipat na Attorney ay nagpapatulong sa gamit nila na ayusin pero mukhang itong isa ay hindi ganon.

Naputol ang pag-iisip ko noong i-abot nito ang syllabus na maayos ang pagkaka-print.

"This is the printed syllabus. You may reach me in my email for relevant stuff. Like, what topic we covered. I will also send tracking  dates or mapping your semester calendar with mine. Since, I am just part time instructor here. I will let you know some urgent stuff later this week, Miss Gomez." Ani nito.

While my mind was occupied by how she managed to do all of those shits and look like this?  Parang wala siyang pinagdaanan na law and med school.

Wala kang maipipintas sa mukha niya. She looked so regal and stunning. Para naman kumuha si Dean na part time attorney at full-time goddess dahil sa face card nito.

Siguro nga may maling nangyari nung beauty distribution si Lord. Bakit naman siya gumawa nang ganito kaganda tapos kaunti lang sila?

Katulad nila Red, Atty. Villafuente, Ruelle Constantine at itong doktora na 'to.

She snapped her fingers in front of my face that made me realize that I am shitting myself infront of her.

"Copy, Attorney. Anything else po?" Ani ko rito dahil ayokong mag-bingo agad dito.

"Nothing. You may go." She replied while putting the stacks of index card in her table.

Her table is organized. Stack of pen in her plain black pen holder. The folder in the side of her table were organized in color coding and labels.

Partikular siya sa mga gamit niya. She even ask me to close the door after I leave her office. Isa pa lang ang fact ang sure. May pagka-masungit at perfectionist si Attorney.

Hay, Lord.

***
Noong bumalik ako ng room para kuhanin ang gamit ko ay naka-ngisi sa'kin ang mga gago. Akala mo naman talaga may ganap na nangyari.

“Ano ganap kay Attorney?” Tanong ni Milan agad sa'kin hindi pa man pumapasok ang kalahati ng katawan ko sa pinto ng room.

“Wala. Iniabot lang sa'kin ang syllabus.” Patay malisya kong sagot dito.

“Sis, ang ganda ni Attorney!” Mary said with delight and enthusiasm. Parang naka-move on na sa fact na sugo ng dilim yung Attorney na binabanggit nila.

“Ang ganda nga,” The other three said in chorus kaya napalingon ako sa kanila and looked at them weirdly.

“Sinasabi niyo?” Tanong ko sa mga ito at binalikan naman nila ako nang mas kakaibang tingin.

“Wala ka bang mata?” Greg said in his infamous sarcastic tone.

“Tanga, meron. Obvious naman e.” I replied while rolling my eyes on him.

Soulless of The PureWhere stories live. Discover now