PILOT II - THE OBSERVANT IN THE COFFEE SHOP

7 3 0
                                    

																																• PROLOGUE •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• PROLOGUE •

The Bellatrix Irregulars, he says?

Of course that rings a bell to me! I freaking know what that is! It's a sub-annex academic institution of Bellatrix University, offering elective classes to chosen students among their ranks. My brother was part of it before when he was in high school! Although I thought that the organization had been dissolved more than five years ago.

Wait, did he just say that he was part of it?

"This is not the first time you called us for an outside-school case, Moran,"

A man with a deep voice, whose hands are collected behind his back, and who has a towering figure on the bespectacled guy that introduced himself as Zachary, approached the crime scene. Kaagad binakuran ng mga tauhan niya ang lugar kung saan nakahiga ang katawan ni Rylie, at nagsimula na silang mag-imbestiga.

"Sorry Inspector Dalis, urgent at nataon lang ho kasing nandito ako kaya inakasyonan ko na," Paliwanag ni Zachary, nakalagay pa rin ang mga kamay sa bulsa at nakangiti na para bang hindi seryoso ang nangyayari. "Ang totoo niyan, hindi ako ang nakadiskubreng nalason ang biktima kundi ang babaeng ito,"

Kaagad akong napaangat ng tingin sa gulat nang bigla niya akong ituro. Anong sinasabi ng lalaking 'to? Kung kilala niya ang mga pulis, dapat siya na lang ang magpaliwanag sa kanila tungkol sa nangyari!

"Oh? Gano'n ba?" Lumingon sa akin ang malaking lalaking tinawag niyang inspector. Kaagad akong napayuko at napatango. "Kung gano'n, inaasahan namin ang kooperasyon mo. Pero tsk, padalas na nang padalas ang mga ganitong kaso nitong mga nagdaang buwan. Ewan ko na lang talaga kung anong nangyayari sa lugar na 'to,"

Sunod na lumapit ang inspector sa mga kaibigan ng biktima na sina Franky, Kevin, at Trixie. Namumugto pa rin sa luha ang kanilang mga mata at hindi pa rin makapaniwala ang tatlo na ang kanina'y kasama nilang masayang kumakain ay ngayo'y wala nang buhay.

"Kayo ba ang huling kasama ng biktima bago mangyari ang panlalason?" Tanong ng inspector. Napatango naman ang tatlo. "Mayroon bang lumapit sa kaniya o nakipag-usap dito sa café?"

"Bukod ho sa waiter, kaming tatlo lang po. Mahiyain kasi at hindi sociable si Rylie," sagot naman ni Franky. Mas kalmado na siya ngayon kumpara kanina.

Napatango sa kaniya ang inspector. Dahil kumpirmadong wala namang kinalaman ang ibang kustomer sa pangyayari, kaagad silang pinaalis ng mga awtoridad. Kaming mga direktang konektado, witness, at kalapit na table lamang ang natira kasama ng mga staff ng café. Pansamantala muna itong isinarado para sa imbestigasyon.

The Bellatrix Irregulars Where stories live. Discover now