Chapter 1

143 3 1
                                    

FOREVER YOU
(_Ang unang pag kikita_)

Para sakin nun ang pagmamahal ay isang kayamanan, kayamanang hindi maipagpapalit sa kahit anu mang bagay,

Ngunit sa isang pangyayari ay nagbagu ang lahat, naging iba ang tingin ko sa pagmamahal,

Hindi ako tulad ng iba na lumaking kumpleto ang pamilya, bata palang ako nung iniwan kami ng tatay ko, iniwan niya kami ni mama,
Dahil sa isang babae,

Oo, may ibang babae si papa, at mas pinili niya ang babae na iyun,

Simula nung iniwan kami ng papa ko ay hindi na ako muling naniwala sa love,

Bata palang ako nung nakikita kung nagsusumikap si mama para buhayin ako magisa, bilib ako nun sa mama ko,

Napalaki niya akung magisa, dahil sa kaniya ay naging marangya ang buhay namin, nabibili ko ang lahat ng gusto ko,

Dahil sa sipag ni mama ay nakapagpatayo siya ng apat na bahay,

Marami siyang negosyo na pinagkakakitaan niya, maraming siyang paupahang bahay, mga lupa na binibenta,

May sarili narin kaming sasakyan na siya naman ginagamit ko kapag papasok ako sa school,

Sa ngayun ay grade 12 student ako, Humms ang aking strand, pinili ko ang strand na yun hindi dahil gusto ko kundi dahil andun ang mga kaibigan ko,

Oo, mayaman kami pero hindi ako ganung ka sipag magaral, lagi akung absent,

Kung hindi absent ay lagi akung nakikipag basag ulo, laman ako lagi sa  guidance office, dahil narin sa mga ginagawa kung kapalpakan,

Dahil sa pagiging gago ko ay marami din akung naging girlfriend, ibat ibang babae,

Lahat sila ay aking pinagloloko, ni isa ay wala akung sinuryuso, isang gabi ko lang silang pagsasawaan ay agad ko narin silang iiwan,

Ganun ako kalupit sa kanila, hindi ko alam pero, ganun na ako e,

Sa tuwing uuwi naman ako sa bahay ay lagi rin akung pinagsasabihan ni mama, ngunit hindi ko ito pinakikinggan,

Labas sa kabila kung tenga lahat sinasabe niya,

Araw ng Monday nun, exam namin, nagmamadali akung pumasok sa campus,
Dahil sa late na ako ay dali dali akung tumatakbo,

Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na nakita ang kasalubung kung tao,

Nagkabungguan kami at napatumba siya, at nag sitapunan ang mga gamit niya at libro,

Nagulat siya at tiningnan ako sa mukha, kita ko sa mukha niya ang pagkakagulat,

Sa halip na ituy aking tulungan ay sinabihan ko pa itung harang harang kasi sa daan,

Sabay sipa sa aklat niya, na napunta sa malayo, tumingin lang siya ng masama sakin,
Pero hindi ko iyun pinansin at agad narin akung umalis,

Habang papasok ako sa scholl ay tama ang aking hinala late nanaman ako, at yun nga pinagalitan ako ng aking teacher,

Napahiya ako sa klase, naiinis ako sa aking sarili, at maging sa isang tao na aking nakabungguan, sabi ko sa aking sarili ay,

Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako nalate,

Dahan dahan akung lumapit sa table ni teacher upang kumuha ng testpaper,

FOREVER YOU ("m2m story")Where stories live. Discover now