Bayan po

33 0 0
                                    

Bayan po

"Working student ako since mag 2nd year college ako. 4th year na ako ngayon, onti nalang graduate na. Ako na nag papaaral sa sarili ko ever since nag start akong mag work.

Paiba iba yung oras ng trabaho ko pero graveyard shift nung may naranasan ako, hindi sa trabaho kundi papunta palang. Sa Montalban kasi ako nakatira, Kasiglahan to be exact. May time talaga samin na wala kang masasakyan lalo na pag madaling araw na kaya kailangan ko mag tricycle papunta sa tinatawag naming ""Bayan"" para dun ako sumakay ng jeep o fx paluwas ng litex.

Medyo probinsiya kasi samin eh, madamo yung paligid tapos madilim. May part na tumpok yung bahay, May part naman na walang bahay. Yung tricycle samin napakamahal kapag nagpa special ka, 60 pesos kaya dun ako sumasakay sa tricycle na punuan. Sampung piso kada tao yung singil samin. Tatlo sa loob tapos pipilitin pang itatlo yung backride...
Nung gabing yun, ako nauna sumakay sa tricycle. Sabi ko sa driver ""Kuya, bayan po ah"" tumango siya tas sumakay nako sa backride. (Sa likod ako sumasakay pag madaling araw kasi naiimagine ko na baka mga kidnapper ung mga makakasabay ko atleast makakatalon kaagad ako).

Ang tagal namin dun, inabot kami ng kalahating oras pero wala padin sumasakay. Iritang irita na nga ako kasi baka malate ako. Gustuhin ko mang lumipat ng tricycle, wala din naman dumadaan. Nagtataka nga ako pati pedicab wala din nung oras na yun samantalang pag ibang araw meron naman. May mga tao naman pero di sila sumasakay. Nakatingin lang sila sakin. Biglang umandar yung tricyle tapos huminto sa tapat ng mag asawa na mukang nag aantay ng masasakyan. Sabi ni manong ""Kuya Te bayan po"" hindi siya pinapansin ng dalawa tasnakatingin lang sila sakin. Tinakpan pa nung babae yung muka nung sanggol na hawak niya nung tinignan ko yun. Umandar uli yung tricycle tapos huminto naman sa tapat ng babaeng mukang papasok din sa trabaho. Tangina tumingin sakin sabay nagtatakbo. Umandar uli si kuya tapos tinitignan ko siya sa salamin. Naka cap siya tapos ang dilim ng muka niya. Kinilabutan ako pero keber lang. Kailangan ko pumasok eh. Paakyat na kami sa may mataas na part, merong Tajuna dun sa taas nun. Yung dingding sa labas nun gawa sa salamin kaya makikita mo yung reflection mo. Habang paakyat kami huminto almost halfway yung tricycle kaya pinadyak uli ni manong. May mga dumadaan nang tricycle nun (sa opposite side) bigla ba namang humarurot. Biniro ko si manong, ""Kuya mukang ang malas ko sayo ah, wala na ngang sumasakay tapos napatayan kapa ng makina"" tumawa lang siya ng ""Hehehe"" kakakilabot yung boses niya tapos ayun umandar na yung tricycle. Napapikit ako saglit, pag dilat ko nasa tapat na kami ng tajuna, parang nakita ko yung sarili ko na nakaupo ng nakalutang lang. Kinusot ko mata ko pero pagdilat ko nakalagpas na kami ng tajuna kaya dko ma confirm kung totoo nga yun.

Di ko pinansin. Sabi ko bahala na andito na ako eh. Iniisip ko dala lang yun ng puyat. Napadaan kami sa tapat ng mga aso tapos ung mga aso tahol ng tahol na para bang natatakot. Nung nasa Tagumpay na kami huminto nanaman yung tricycle sa tapat ng dalawang lalaki sabi niya ""Boss bayan po"" pero di siya pinansin nung dalawa tapos nakatingin sakin na nanlalaki yung mga mata. Umandar na yung tricycle ulit, sabi ko ""Bat parang takot sila sakin hahaha"" sabi ni manong ""Baka sakin"" tapos lumingon siya.

Dahan dahang na reveal yung mukha niyang duguan. Napa atras ako tapos nung tatalon na ako, napansin kong anino ko lang yung nasa sahig. Walang anino ng driver o kahit nung tricycle manlang. Tumatawa ng tumatawa yung driver tapos kumakanta siya ng ""Bayan po. Bayan pooo Bwahahahhaha Bayan pooo Bwahahaha"" habang humaharurot at tumatalsik sa muka ko yung mga dugo galing sa bunganga niya. Hindi ako makagalaw mula sa kinauupuan ko. Sumisigaw na ko ""Kuya parang awa mo na ibaba mo na ako, parang awa mo naaa"" huminto siya sa tapos lumingon sakin ng nakangisi sabay sabi ""Bayan pooooo bayan poo bwahahah"" tapos humarurot kami uli.

Parang ang haba haba ng kalsada kahit hindi naman. Harurot yung takbo pero ang tagal namin makarating sa dulo. Humaharurot lang siya tas iyak ako ng iyak. Nung bandang nasa forest lawn na kami bigla akong nakagalaw kaya tumalon na ako kahit sementeryo yung part na yun. Nagpagulong gulong ako ng nakahiga pababa dun sa damuhan. Nung tatayo na sana ako biglang may sumigaw ""Hoooooy bayad moooo"" paglingon ko si manong driver yun. Tumatawa at kumakanta ng ""Bayan po bayan pooo"" pinilit ko bumangon at tumakbo pero hinahabol ako ni manong sakay ng tricycle niya ""Hoooooy bayad mooo"" sigaw niya. Binato ko lahat ng gamit ko sa kanya "" Oh ayan sayo na yang lahattttt"" takbo ako ng takbo pero parang di ako nag mo move. Parang napakahaba ng kalsada. Hindi ako makarating ng crossing. Paglingon ko sa likod ko si manong andun padin humaharurot at sumisigaw ""Bayad moooo"" sabi ko ""Wala nakong maibibigay sayo, nasayo na lahat"" sabi niya ""Di ko kailangan yun. Ang bayad ay BUHAY MO"" Lalo akong tumakbo.

Di ko alam kung san ako nakakuha ng lakas na tumakbo ng ganun kabilis. Nakarating ako sa crossing. Pero walang katao tao. Madaling araw. Ang dilim ng paligid. Nakakita ako ng diko alam kung ano yun, basta may drawing si Papa Jesus. Kumatok ako. ""TAO PO! TAO PO! PAPASUKIN NIYO PO AKO PARANG AWA NIYO NA"" nakikita kong palapit na yng tricycle kaya lalo ko nilakasan yung sigaw ko at katok. ""PARANG AWA NIYO NA PAPASUKIN NIYO PO AKO. TAO POOO! TAO POOO!"" Buti nalang bago pa makalapit sakin nung driver may lumabas na para pagbuksan ako. Kaso pag angat niya sakin... T@ng#!@ siya yung driver na nakadamit pambabae lang, kumakanta naman ng ""Tao pooo tao pooo hahahhahahaha tao poooo tao pooo"" tumakbo ako papunta sa tulay, hinahabol nila akong dalawa sabay sila kumakanta ng ""Tao po"" at ""Bayan po"" nung nasa gitna na ako ng tulay naabutan nila ako at hinila yung paa ko. Dun nako nawalan ng malay.

Pag gising ko nasa office ako. Ginigising ako ng manager namin. Sabi niya ""Ms. ___!! Oras ng trabaho natutulog ka!"" Sabi ko ""Sorry po"" ngumisi siya sabay kumanta ng ""Sorry pooo sorrry poo hahahahha sorry pooo"" pagtingin ko sa paa ko may bakat ng kamay tas nagsisigaw ako.
Lumapit sakin lahat ng officemates ko at pinakalma ako at nawalan ako ng malay.

Simula nun hindi na nawala yung bakat ng kamay ko sa paa ko at simula nun hindi ko na dinidugtungan ng ""PO"" yung mga sinasabi ko. Alam ko hindi ako nanaginip. Damang dama ko lahat. Lalong lalo na hindi ako adik. Onti nalang sana mapapa graduate ko na sarili ko, pero simula nun, hindi na muna ako nagtrabaho.
Pasensiya sobrang haba, salamat sa pag babasa."


Janabonana
Rizal

Horror short storyWhere stories live. Discover now