Sirena at iba pang kwento

18 0 0
                                    

Sirena at iba pang kwento

Hindi to tungkol sakin pero mga kwento sakin ng mga kakilala at friends ko tungkol sa sirena. Mahilig kasi ako sa mga supernatural o paranormal at astrology. Ewan ko ba, bata pa kasi ako nun panay basa ko ng mga horoscope ni jojo acuin at madam auring, yung parang mga komiks type nun? (Kaway kaway sa mga batang 90's pero 80's pinanganak!) May mga page dun na ang title e kababalaghan sa kapaligiran. Nung mga time na yun hindi pa naaarok ng utak ko kung bakit ganun ang title pero puro pang paranormal ung topic. Tas nadiscover ko nalang nun na nakakahiligan ko na mga supernatural. Nagsimula ako mga 9 years old mahilig sa mga kwento tungkol sa mga engkanto at aswang. Although bata pa lang ako e marami na rin akong naririnig na kwentong kababalaghan pero imbis na matakot, interesado pa nga ako at naeenjoy makinig. Anyway sorry mahaba masyado intro, ako nga pala si gracia, tunay na pangalan. Wala naman ako tinataguan kaya keri lang magpakilala, di nyo naman alam apelido ko :p Anyway, eto yung mga kwentong tandang tanda ko pa hanggang ngayon.

Halos nakalakihan ko na na may kasambahay kami, although papalit palit (Ewan ko sa nanay ko bakit hindi makuntento sa isa 🙄). Consistent yun na iba iba ang nagiging kasambahay namin. So far dahil mabait akong bata nuon nakakasundo ko naman yung mga nagiging kasambahay namin at madalas nagpapakwento ako tungkol sa mga nakakatakot. May isa kaming naging kasambahay na mejo bata bata pa nun. Sa tancha ko nasa 20's pa sya nun, mga 9 or 10 y/o lang ako. Tinanong ko sya kung naniniwala sya sa mga aswang or engkanto etc. tapos yun kinwento nya sakin na sa probinsya daw nila, may isang ilog (Di ko na matandaan kung nabanggit nya yung probinsya nila kung saan). Basta ang sabi nya, duon daw sila naglalaba. Isang araw daw may nakita syang babae na nagsusuklay at itim na itim yung buhok. Maputi daw yung balat at mahaba ang buhok pero nasulyapan lang daw nya yun tapos pagtingin daw nya ulit e wala na yung babae. Pag uwi nya daw e masama na ang pakiramdam nya, nilalamig at parang lalagnatin. Hindi na raw sya nakakain at dumirecho sya ng tulog tapos napanaginipan nya daw yung babaeng nakita nya sa may ilog pero may buntot daw yung babae.

Sirena daw pala yun, sa panaginip nya daw nandun sya sa may ilog at nandun din yung sirena. Inaya daw sya nito na sumama sa kweba, tapos yung kaliskis at buntot e parang sa bangus daw. Hindi daw nya maintindihan pero napasama daw sya tapos parang nakakahinga sya sa ilalim ng tubig habang papunta sila sa loob ng kweba. Pagdating daw dun e hinainan daw sya ng pagkain na parang buhangin na kulay itim pero hindi daw nya kinain. Hindi ko matandaang inispecify nya pa yung mga sumunod na pangyayari after nya tanggihan yung pagkain. Basta ang natandaan kong naikwento nya, 3 days na pala syang tulog at hindi nagigising. Iyak daw ng iyak yung nanay nya pagkagising at dun nga daw sinabi sa kanya na 3 days na pala syang tulog. Kinwento na rin daw nya yung nakita nyang sirena sa ilog. Sorry kung hindi masyadong detalyado guys, yun lang kasi mga natatandaan kong sinabi nya sakin. Kasi kinukwento nya yun dati habang kinukutuhan nya ako bilang gusgusin ako dati. Charot.

Eto pa isa, kwento to ng co-officer ko sa CAT nung highschool ako. Dahil nga mahilig ako sa sirena, may isang time na bakante kame ng hapon dun sa HQ at nagkwentuhan kame tungkol sa mga kwentong kababalaghan. Hanggang sa nasabi ko nga na gustong gusto ko makakita ng sirena. Sabi nung co-officer ko, yung mama daw nya e taga Guimaras at naikwento daw sa kanya ng nanay nya na may nahuli daw sirena dun dati at nakita ng mama nya yung hitsura ng sirena. Maiksi lang daw yung sirenang nahuli (Siguro bata pa. Maiksi kasi di naman masabing maliit dahil hindi naman nakakatayo yun). Ang kwento daw ng mama nya, wala daw ilong yung sirena, makipot daw yung labi na mapula at yung mata e kulay itim lang. Parang papel daw sa puti ang kulay ng balat at parang lumot yung buhok. May hasang din daw at hindi nakakapagsalita. Pero umiiyak daw yung sirena, paano? Yung tunog or iyak ng balyena, ganun daw yung iyak ng sirena. Yung kamay din daw e parang paa ng bibe na webbed. Pinakawalan din daw yung sirena na nalambat lang kasi pinaniniwalaan daw na pag hindi ito pinakawalan e may dadating na bagyo or baka lamunin ng malaking alon yung isla nila.

Personally, hindi pa ako nakakita ng sirena at nung kabataan ko e pangarap ko din mabuksan yung third eye ko. May nakapagsabi kasi sa akin na pag nabuksan daw ang third eye mo, parang level level din daw yan. Kung supernaturals, ang makikita mo lang daw e yung mga duwende, kapre, fairy etc. Iba din daw kung mga ligaw na kaluluwa or mga multo, kung ganung level lang daw e yung mga spirits lang talaga ang makikita mo. Hindi daw yung tipong pagbukas ang third eye mo e para kang nakakita ng halloween party na sama sama yung tikbalang, sirena at mga pugot na ulo. Gusto ko din makakita talaga nung bata pa ako, may step father din ako at natatandaan ko na kada pinapadrawing ko sya ng isda e ang dino drawing nya lagi kalahating babae tapos buntot ng isda. Bata pa ako nun tapos naiinis ako dahil isda ang pinapadrawing ko pero may ulo ng tao yung dinrawing 🙄 Yung step father ko na yun ay laking probinsya din sa pampanga, sad to say wala na sya nung nagka edad. At may sapat na kamalayan na ako kaya nung narealize ko na sirena pala yung mga dinodrawing nya sa tuwing nagpapa drawing ako ng isda. E sana naitanong ko pa sa kanya kung may mga kwento o baka nakakita na rin sya sa totoong buhay.

Meron pang isa, kwento to sakin ng bestfriend ko. Yung province daw nila sa cagayan ay may isang simbahan. Dun daw sa simbahan na yun may lagusan din daw sa likod dun na nagkokonekta sa isang kweba. Tapos sa kweba daw na yun may mga nakatirang sirena. Ang kwento nya may iikutin daw dun sa may simbahan para makapunta sa kweba na yun. Actually kinoconfirm ko ngayon sa kanya yung story dahil bukod sa kanya ay may nakapagbanggit din sa akin by coincidence na dun din sa cagayan ang probinsya tungkol sa simbahan na yun. Na may mga nakatira nga daw na sirena sa may kweba na nakakonekta duon pero hindi naman naidetalye sa akin ng buo yung kwento nun. Nabanggit lang at hindi sila magkakilala ng bestfriend ko. Nung naikwento sakin ng bestfriend ko yun e grade 4 ako at grade 5 sya. Ngayong summer pag umuwi sila ng province, ngayon pa lang ako makakasama at gusto namin puntahan yung church na yun para icheck kung totoo nga yung tungkol doon.

Hanggang dito nalang, may mga kwento pa ako kaso nirerefresh ko pa ang utak ko at medyo mahaba na rin. Marami pa akong iseshare na hindi naman tungkol sa sirena. Sorry kundi kayo masyadong natakot. Mangungulekta ako ulit at magrerefresh ng iba ko pang kwento na ipapasa ko naman sa susunod. Thank you sa pagbasa!

Gracia

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Horror short storyWhere stories live. Discover now