Dormitory

12 0 0
                                    

Dormitory

Hi readers! Ishare ko lang tong experience ko dun sa dorm ko dati nung college pa lang ako.

Nung 1st year college pa lang ako, nafeel ko na ang hirap bumayhe from Bulacan to Morayta pa so nagdecide ako na kumuha ng room. At hindi ko inexpect na dito ako makakaranas ng kababalaghan! Nung 1st day ko sa dorm ang hirap mag adjust kasi sh*t walang tv at wifi. As in kama lang talaga yung nandun at cabinet ang makikita mo, laging malamig din sa dorm kahit hindi bukas ang aircon.

So eto na, week after dito na ko nakaexperience ng something weird kasi ganito yan. Maaga ang uwi ko kesa sa mga kadorm ko, 7pm nasa dorm na ko tapos sila naman 9pm. Ang itsura po ng room namin ay may dalawang double deck at nakapwesto ako sa harap ng pinto, bali yung paanan ko bandang pinto kaya kitang kita ko kung may papasok or lalabas dahil tanaw ko ang ulo nila kapag nakahiga ako. So eto na, maya maya may pumasok na kong kadorm, syempre natuwa na ako kasi finally may makakasama na ako, medyo matatakutin din kasi ako eh. Edi pumasok na si Ate Girl, diretso sya sa kama nya which is sa baba ko kaya ramdam kong umupo sya at nilapag ang bag, edi keri lang! Di ko sya pinapansin tapos maya maya naglaro sya ng jolen. Oo! Naglaro sya ng jolen, ang weird lang talaga. Rinig na rinig ko pa yung jolen na gumugulong tapos sasalpok sa pader tapos hahabulin nya ulit. Pagtapos nun umupo na sya sa kama nya kaya naisip kong tanungin kung kumain na sya. Pero p*t*ng*n* walang tao sa baba!!! Ako lang pala nasa room kaya tumalon talaga ako sa higaan at pumuntang lobby tapos hinintay ko nalang sila umuwi.

Pangalawang encounter ko mas malala, this time lumipat na ako ng higaan ko. Sa baba ako pumwesto tapos tanaw ko yung nakahiga sa taas sa kabilang double deck. One time gumising ako, medyo mag uumaga na yata yun tapos paggising ko nakatingin sakin kadorm ko sa taas nung kabilang double deck, nakaupo at nakalawit pa ang paa. Yung tingin nya sakin nakatabingi ang ulo, yung tipong nakatitig sa fes ko! Ang nasa isip ko pa that time baka nagagandahan lang to sakin, I woke up like this mga ganun! Hahaha. Tapos natulog nalang ako ulit at tumalikod sa kanya, pero p*ksh*t!!! Naalala ko lumuwas nga pala silang lahat kasi wala silang pasok kinabukasan. At paglingon ko wala ng tao sa taas! Kaya kahit madilim pa, sa lobby nalang muna ako tumambay at nagpalipas ng takot!

Madalas na rin akong binabangungot nun, laging babae na nakaitim at puro buhok tapos pilit inaabot at hinihila ang paa ko. Kaya nagppray ako tapos magigising ako 3am na tapos nakastraight body. Minsan naman nagssountrip ako at kapag kumakanta ako may sumasabay na babae.

Basta marami pa akong experience at ganun din mga kadorm ko! Next time ko nalang ikkwento, masakit na kasi kamay ko. Pero guys nagstay pa rin ako sa dorm kasi mura at sobrang lapit lang sa school ko.

Barnicles

Horror short storyWhere stories live. Discover now