Chapter 3

7 3 0
                                    

Kristiana POV

"Kamusta kana?" Nag-aalalang tanong ni Angelique sakin pagdating niya.

"Mas ayos kesa kanina." Sagot ko.

"Ibig sabihin nararamdaman mo kapag nagputol ng puno ang mga tao? Pag nagputol lang ng puno?" Curious na tanong ni Angelique.

"Excuse me, hindi lang yun 'lang'," pagtatama ni Froster. "Dahil nga nature ang kapangyarihan ni Ana, nararamdaman niya lahat. Lalo na kapag tagtuyot. Pero ang mas masakit na mararamdaman niya ay kapag pinuputol ang mga puno dahil iyon ang pinaka mahalaga sakanya."

"Bakit ba Ana ang tawag mo sakanya, kuyang puting buhok?" Inosenteng tanong ni Angelique.

"Oyy wag mo akong tatawaging 'Kuyang puying buhok'! I have a name. And my name is Froster Last." Mayabang na pakilala ni Froster.

"Hindi niya naman sinagot ang tanong ko." Bulong ni Angelique.

"Hahahaha. Nakakatawa naman kayong dalawa." Biglang pumasok mula sa pinto si Ms. Air. Hindi ako makayuko para magbigay galang sakanya. Kaya ngumiti na lamang ako.

Si Froster naman ay sinabihang yumuko si Angelique na sumunod naman.

"Naaalala ko si Kristiona saiyo Angelique," mahinahong sabi nito habang nakangiti kay Angelique.

"Sino po si Kristiona?" Tanong ni Angelique.

"Kambal siya ni Kristiana, hindi niya ba nabanggit saiyo?" Tanong naman ni Ms. Air sakanya.

"H-hindi po," nakatingin saakin si Angelique ng sabihin iyon.

"Kamusta kana, Kristiana?" Bumaling naman saakin si Ms. Air.

"Ayos na po ako." Sagot ko.

"Pumapangalawa ka sa sampung pinakamalakas sa paaralang ito kaya kail—"

"Top 2 siya sa Top 10 high ranks?!" Gulat na tanong ni Angelique.

"Sus, inulit mo lang." Bulong ni Froster.

"Pero sabi ni Kristiana Top 8 lang siya!" Giit ni Angelique.

"Sinabi niya iyon para hindi ka matakot sakanya." Si Froster na ang sumagot.

"Waaaa!! Ikenat na!" Naguguluhang si Angelique.

Natawa naman ang Ms. Air sakanya saka nagpatuloy.

"Kailangan mong magpalakas agad para hindi na bumaba ang rank mo. Sisiguraduhin kong hindi mo na ulit mararamdaman ang ganon kasakit." Saka ngumiti ang Ms. Air.

"Salamat po," ako. "Saka nga pala Ms. Air gusto ko lang po sabihin sainyo ang tungkol kay Angelique."

"Alam na namin ang tungkol sakanya. Meron siyang natatagong kapangyarihan—"

"Talaga po?!" Gulat na tanong ni Angelique.

"Oo at kung hindi mo ulit ako pagtatapusin sa pagsasalita. Ikaw na ang tatapusin ko." Mahinahong sabi ni Ms. Air.

"Sorry po," sagot ni Angelique saka yumuko.

"Wag kayong mag alala baka ngayong week din ay lumabas ang kapangyarihan niya. Naninibago lang ang kanyang katawan dito. Masasanay rin ito at kusang magpapamalas." Unti unti naging hangin ang katawan ni Ms. Air. "Paalam na." Tsaka siya nawala naparang bula.

"Yes! Yes! Yes! May kapangyarihan daw ako." Nagtatatalon sa tuwa si Angelique.

Masaya ako para sakanya. Ngayon ko lang din napansin na may pagkakapareho nga sila ni Kristiona.

"Oo nga pala," tumigil sa pagtalon si Angelique at humarap saakin. "Sino si Kristiona? Bat hindi mo sakin sinabi ang tungkol sakanya?"

"Dahil patay na siya," sagot ko tumingin sa kawalan.

"Labas muna ako," paalam ni Froster.

Tsk. Naiilang ba siya'ng pag-usapan to?

"Magkamukha ba kayo?" Tanong ni Angelique. "Syempre diba may kambal na hindi magkamukha."

"Hindi kami magkamukha dahil kamukha ko ang nanay ko at kamukha niya naman ang tatay namin." Sagot ko.

"Asan na pala yung tatay mo?" Usisa pa niya.

"Patay na rin," sagot ko.

"Bat sila namatay?" Tanong niya pa.

"Ayoko na munang pag-usapan yan," tsaka ako tumingin kay Angelique.

Hindi pa ako handa malaman lahat ni Angelique baka matakot siya sakin. Yung mga tao nga'ng matagal ko ng nakasama kahit yung mga kaibigan ko pa hindi naniwala saakin si Angelique pa kaya na kahapon ko lang nakilala? Ako na nga lang ang kaibigan niya dito katatakutan niya pa.

************************************

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Malamig na tanong ni Ashley.

Ashley Matts, 15 years old din. Kaibigan ko siya pero may nangyari kaya hindi na kami tulad ng dati.

"A-ayos na ako," sagot ko. "Pinagpapahinga na lang ako dito ni Nurse Chichi."

Si Nurse Chichi ay hindi normal na Nurse. May kapangyarihan din siya, yun ay ang healer.

"Wag kang mag-alala mag papaulan ako sa mundo ng mga tao para malaman nila ang kahalagahan ng mga puno." Galit na sabi niya.

"Wag mong gagawin yan," pigil ko. "Alam mo naman na pinagbabawal satin na gamitin sa pagganti ang mga kapangyarihan natin."

"Maiintindihan naman ako ni ina." Sagot niya.

"Pero---"

"Kailangan mabalanse ang mundo. Kaya nasa katwiran parin ang gagawin ko." Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Ako nalang ang mag-isa dito dahil umalis na si Angelique para pumasok sa klase pati na rin si Froster. Pakiramdam ko naman ayos na ako kaya tumayo na ako. Wala naman din si nurse Chichi kaya walang makakapigil sa pag-alis ko.

Dumiretso ako sa Dream River hindi pa namin napupuntahan to ni Angelique. Sa susunod ko na siya dadalhin dito. Tiyak magugustuhan niya dito.

Nakaka-relax dito meron duyan dito na naka-sabit sa mga puno na pwedeng higaan ng mga estudyante. Nahiga ako roon at dinuyan ang sarili ko.

Mas masaya siguro kung andito si Kristiona. Lagi kaming nandito. At kapag libre kaming lahat nagsasama sama kaming magpipinsan. Kahit si Mama kasama namin. Pero simula ng nawala siya nawala rin lahat. Kung ang kapangyarihan ko lang ay time traveler. Ibabalik ko sa dati ang lahat at itatama lahat ng mali kaso hindi. Bilang lang ang mga taong may hawak ng kapangyarihan na yun. Tanging ang mga Avatar lang ang may ganoong kapangyarihan.

************************************

Third Person POV

Hindi na namalayan ni Kristiana na nakatulog na siya kakaisip habang si Angelique naman ay hinahanap siya hanggang sa napadpad siya sa kinaroroonan ni Kristiana.

Nagmadali siyang bumalik ng dorm at kumuha ng kumot pero huli na siya. Pagdating niya nandoon na si Froster at kinumutan ang mahimbing na natutulog na si Kristiana.

Napangiti si Angelique sa nakita.

"Siguro nga may namamagitan sa kanilang dalawa," bulong ni Angelique sa sarili.

"Bakit kaya walang stars ngayon?" Tanong ni Angelique habang nakatingin sa langit.

"Dahil uulan," may nagsalita sa likod nito. "Marami sigurong bumabagabag kay Ashley kaya dumadalas ang pag-ulan."

Katulad nga ng sinabi ng lalaki na nagsalita ay umulan nga. Hindi na nakatakbo si Angelique para sumilong dahil sa biglang pagbagsak ng ulan. Sa sobrang lakas ng ulan basang basa agad sila.

Binalik niya ang tingin kina Kristiana na papalibutan ng yelo. Gumawa ng shield si Froster para hindi maistorbo ang tulog ng dalaga.

"Kahit sa ganto kaliit lang na bagay sana makabawi ako," bulong ni Froster kay Kristiana kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.

Sa kabilang banda hindi nila alam na nakikita sila ni Ashley na dahilan ng pag-ulan.

"Paano niya nakuhang makatulog ng ganyan sa kabila ng kawalan ni Kristiona?" Bulong ni Ashley.

Habang si Kristiana naman ay mahimbing lang na natutulog na walang kaalam alam sa nangyayari.

Dream WorksWhere stories live. Discover now