Chapter 4

2 3 0
                                    

Angelique POV

Kinabukasan nagkalagnat ako dahil nagpa-ulan ako kahapon. Buti nalang at sabado ngayon. Ewan ko ba pagka may sakit ako sobrang bilis ko makatulog pero ngayon hindi ako makatulog. Ang dami tumatakbo sa isip ko.

Ano ba talaga si Froster at Kristiana? Eto lang ang tanong na papulit-ulit sa utak ko.

Hindi ko pa nga nasasagot yung tanong na iyon susundan pa agad ng isa pang tanong.

Sabi ni Ms. Air na ngayong week din lalabas ang kapangyarihan ko pero bakit wala naman akong nararamdaman na iba. Baka naman pinagloloko lang ako ni Ms. Air?

Hays. Impossible iyon. Kamusta na kaya sila Mommy? Si daddy? Simula ng makarating ako dito sa school nato hindi ko na sila nakaka-usap. Yung huli lang naming usap nung pagkagising ko nung first day ko dito. Simula nun wala na kaming communication. Namimiss ko na sila.

Gusto kong kunin ang cellphone ko at tawagan sila pero pag tumayo ako sasakit lang lalo ang ulo ko at baka magalala lang sila kapag sinabi kong may sakit ako.

Only child pa naman ako nila Mom and Dad edi dapat lalo nila akong mamiss at sila pa mismo ang magkukusang tawagan ako, pero bakit hindi sila natawag? Siguro ayaw lang nila ako istorbuhin kaya hinihintay nalang nila na ako ang tumawag?

Hay ewan! Dahan dahan ang tumayo.

"Ang sakit talaga ng ulo ko..." Bulong ko habang hawak ang ulo ko para kunin ang cellphone ko.

Tinawagan ko agad si Mommy. Nag riring lang ito pero walang sumasagot.

"Mommy sagutin mo please," bulong ko.

Nagulat naman ako ng tumigil sa pagriring at naging toot-toot-toot. Pintayan ako ng tawag?

Nagtry ulit ako pero cannot be reach na. Napapikit ako dahil naiiyak ako. Pagka may sakit talaga nagiging emosyonal na.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas kaya napatigil naman ako sa pag-iyak at agad na nagpunas ng luha.

Tunayo ako pero patuloy parin sa pag katok ang tao sa labas. "Sandali lang," sabi ko.

Pagkabukas ko ng pinto hindi na ako nagtaka na si Kristiana iyon.

Agad siyang ngumiti saakin. "Kamusta?" Tanong niya.

Ngumuti din ako sakanya. Pina pasok ko muna siya atsaka ako humiga dahil nakakahilo talaga kapag may sakit ka tapos nakatayo pa.

"Masama ang pakiramdam ko ngayon." Sagot ko.

"May lagant ka o baka sinat lang yan?" Tanong niya saka lumapit sakin at hinawaan ang noo ko. "Grabe sobrang init mo, kelan pa masama ang pakiramdam mo?"

"Kanina lang..." Nakapikit kong sagot kase naiiyak ako.

Ang emosyonal ko talaga kapag may sakit.

"Ibibili kita ng gamot, dito ka muna." Sabi pa niya at umalis.

Ang bait talag ni Kristiana. Siya lang ang kaibigan ko dito kaya masaya ako at napakabait niya sakin. Simula palang magaan na ang loob ko sakanya parang ang tagal na naming magkakakilala kahit ilang araw palang talaga.

Maya-maya pa dumating na si Kristiana pero meron siyang kasama. Sobrang sakit ng ulo ko para kilalin kung sino iyon.

Dalawang babae ang kasama ni Kristiana. Pagkapasok nila ay agad lumapit saakin ang isang babae na sobrang ganda. Grabe para siyang dyosa pero masyadong masama ang pakiramdam ko para i-appreciate iyon. Parang kasing edad niya lang si Ms. Air.

"Kamusta? Sobra bang masama ang iyong pakiramdam?" Tanong niya.

Umiling-iling naman ako. "Sino po kayo?" Tanong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream WorksWhere stories live. Discover now