Part 5

4 0 0
                                    


Nagising ako sa malakas na ring ng bell.



Nag-unat na muna ako at saka na tumayo. Hindi ko parin makalimutan ang nangyare kahapon,



"Oh, you're awake." Wika ni Ryder na naabutan ko naman na nagtsa-tsaa



Tinanguan ko lamang ito.



Napansin kong natahimik sya dahil saking inasta.



"Hindi mo ba sisigawan? Aawayin?" tanong nya



Ngumisi ako, "Nagpapatawa kaba?" saka na ako dumiretso sa banyo



Pagkatapos kong maligo ay pinagmasdan ko muna ang uniform, dapat ko ba itong suotin?




"Dalian mo, malilate kana." Rinig kong wika nya sabay katok ng ilang beses.



"Tsk."



Fighting, Coco!



Paglabas ko pa lamang ng dorm ay nakita ko na ang mga estudyante na nagku-kwentuhan, mga mukha naman silang tao kaya nakisabay na ako sakanila.



Habang naglalakad ay nakita ako ni Lim, na syang kumaway saakin.



Ngumiti lamang ako dito ng kaunti at saa mabilis ng naglakad.



Hawak ko ang isang can ng juice, patago akong kumuha nito sa ref ni Ryder.



Oh, well. Mabuti naman at hindi nya nakita.



Nakarating na ako sa aking papasukan, aura palang ng classroom ay hindi ko na gusto. Mga estudyante na nakatingin saakin na para bang kakainin ako ng buhay.



May nakita akong bakanteng upuan malapit sa bintana, napangiti ako ng palihim. Sa wakas at makaka-upo rin ako sa tabi ng bintana, palagi kasi akong nasa unahan noon.




'Sya ba?'

MOON ACADEMYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin