Part 6

4 2 0
                                    


Kinabukasan ay pumasok ako na may malalim na iniisip.

Hindi ko parin makalimutan ang nangyare kagabi, yung babae ginilitan nila.

Tapos biglang nagkulay pula ang buwan, at kung anu-ano pa.

Ayoko rin lapitan ngayon sila asher, Ace, Ryder at lim. Nakakatakot sila,

"Okay class, Meron tayo ngayon quiz."

"Second day palang ma'am bakit quiz agad?" reklamo ng mga kaklase ko.

"Aba, syempre gusto ko kayong pahirapan ngayong taon." Saka tumawa ng tumawa ang aming guro

"Hmm, Ms. Gonzales" tawag saakin ng aming guro

"Yes, po?"

"May problema ba? Kanina pa kita napapansin na tulala at matamlay--- may sakit kaba?" tanong nito

Ngumiti ako, "Hindi naman po." Saka ako bumalik sa pagsusulat.

Natapos ang aming klase nang mas maaga. Hindi ko alam ang gagawin nila basta, ang alam ko lang ay maaga kami uuwi ngayon.

Habang naglalakad ako pabalik sa dorm ay nakasalubong ko na naman si Lim, pero kasama nya na sila Ace at asher.

Nagtuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad.

Simula ng Makita ko kagabi ang nangyare, ay bigla nalang akong naging ganito. Hindi na ako nakikipag-usap sa mga estudyante dito.

"Wait, Coco!" naramdaman kong nasa likuran ko na sila

Please, wag ninyo akong lapitan. Nanghihina ang puso ko.

Hanggang sa hawakan ako ni Lim.

"Don't touch me, please!" sigaw ko

"Ano bang nangyayare sayo, Coco?!" sigaw nito

"Please, wag ninyo akong hawakan." Saka na ako tumakbo palayo sakanila

"Coco! Wait!"

Nagulat na lang ako ng biglang tumulo ang aking luha, dahil ba ito sa takot?

Madali akong pumasok sa loob ng dorm at kaagad na pumasok sa banyo.

Hinawakan ko ang aking dibdib, naninikip na ito. Hindi na ako makahinga, fvck! I need a paper bag.

Nanghihina akong lumabas ng C.R at naabutan nakikipaglaro si Ryder kay Daisy.

Nang mapansin naman ko nito ay kaagad syang tumayo. "What the fuck!? Anong nangyare sayo?" nilapitan nya ako pero ako na ang lumayo.

"W-w-wag mo akong lapitan, please." Saka ako tumakbo papunta sa kusina at naghanap ng paper bag.

Thanks god, at mayroon na nakatagong paper bag.

Kaagad akong huminga dito,

Nang maramdaman kong okay na, ay tinapon ko na ito.

Hingal na hingal akong umupo sa couch.

"Daisy." Tawag ko sa aso, at nilapitan naman ako nito.

Napansin kong nanunuod lamang saamin si Ryder.

Kailangan ko pa siguro ng ilang araw para mag-move on sa nangyare.

Naalala ko tuloy dati nung bata ako, nakakita ako ng pugo't ulong manok, kaya sa takot ko eh, nagkaroon ako sakit sa puso. At nawala naman ito, I think mawawala rin ito, mga ilang araw lamang.

"Coco," tawag saakin ni Ryder

Hindi ko ito pinansin, hindi ko ba alam sakanya kung bakit sya ganito makitungo saakin. Masama syang tao at bakit hindi nya nalang ako patayin para matapos na ang lahat ng ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MOON ACADEMYWhere stories live. Discover now