Chapter 26

3K 205 66
                                    

Tahimik lamang akong nakikinig sa mungkahi ni Yuan sa mga ibang board members, ngunit ang utak ko ay wala sa apat na sulok na ito.

Pasimple ko pang tinitingnan ang oras na nasa dingding bago nag buntong hiningang inikot ikot ko lamang ang upuan.

It sounds rude pero talagang wala akong ganang makinig sa meeting na ito. Dahil ang gusto ko lang ay matapos at puntahan si Maddie sa hospital at bantayan ang anak ko,  Kung di lang ito importante ay talagang hindi ako pupunta dito, actually pinayagan naman ako ni Yuan na wag na umatend muna kaso malugod ko naman itong tinanggihan dahil nakakahiya naman kung wala ang presence ko dito, two days pa naman akong absent sa mga importanteng meeting.

"That's all, and good morning."

Pagkarinig ko nun ay agad akong napatayo at  nag mamadaling iniligpit ang laptop na naka patong sa lamesa. At una sana akong lalabas ng tawagin ako ni Yuan.

Hinintay niya munang lumabas ang lahat bago lumungon sa akin na naka taas ang isang kilay.

"Kanina ko pa napapansing balisa ka at hindi ka nakikinig sa meeting natin." Suhestyon nito at sinabayan na akong mag lakad patungong elevator.

Napahinto naman kame sa tapat ng elevator at hinintay na bumukas ito,

"Pasensiya kana Yuan, wala kasi ang isip ko dito eh, nag aalala lang ako kay Maddie."

"Kamusta pala ang inaanak ko?"

"She's doing well, ayun malikot na. Buti na lang naagapan, buti na lang din at naka hanap agad ng blood donor and thanks to Ayesha dahil agad naman siya nag volunteer na mag donate. Buti na lang at match ang blood type ng bata sa amin."

Nag tatakang napalingon naman si Yuan sa akin na naka kunot ang noo.

"Mag ka blood type kayo ng bata?"

Tipid na tango lang ang binigay na sagot ko at nauna ng pumasok sa loob ng elevator ng bumukas ito.

Sumunod naman si Yuan na naka kunot parin ang noo.

"That's rare." Dinig kong bulong nito.

"Rare? What do you mean?"

"Because in 100% Athena, ang bloodline na makukuha ng bata ay 50% sa tunay niyang Ina at pwede ding 50% sa tunay niyang Ama. Ang mga surrogate Mother na tulad mo, you have only 0% chances na ma match mo ang bata. Kaya paanong naka match ng dugo niyong mga Guevara ang anak ni Rachel?"

Sa sinabi ni Yuan, ay di ako naka sagot sa mga tanong niya, nakatulalang napatingin na lamang sa reflection ko sa elevator.

"Pwera na lang kung isa din siyang Guevara."
----------------------------------------------
Dumaan pa muna ako sa isang coffe shop para bumili ng kape kay Ayesha, nag text kasi itong telling me that she's craving for some black coffee.

"Black coffee for Ma'am Athena," dinig kong anunsyo ng babae sa counter.

Kaya klineym ko na ito at agad lumabas ng shop. Pinatong ko pa ang kape sa hood dahil wala akong makapang susi sa bulsa ng pantalon ko kaya muli akong bumalik sa loob para tingnan ito baka naiwan ko ito sa lamesa na inuupuan ko.

Pag ka pasok ko agad ko naman ito nakita kaya kinuha ko ito agad at muling lumabas.

Ngunit sa di inaasahang pag kakataon ay may isang mainit na likido ang tumama sa braso ko na ikinangiwi ko dahil sa init kong natamo.

"O my--God I'm so sorry po." Hinging pa umanhin ng bata na baka bangga ko.

Bakas ang takot nito na nakatingin sa akin. Naka tulalang nakatitig lamang ako dito.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora