Chapter 28

3.7K 223 73
                                    

Nag tatakang napatingin ako sa mga studyante na nag sisitakbuhan patungo sa isang gitna ng malaking plasa kung saan nakaka rinig ako ng sigawan at katuwaan ng iilang studyante.

Kaya napag pasyahan kong lapitan ito at tingnan ang kaguluhang nangyayari. Ngunit laking gulat ko ng makilala ko kung sino ang sangkot sa komusyon nagaganap kaya mabilis ko itong nilapitan at binuhat si Madison papalayo sa batang lalake halos madurog na ang mukha nito sa pag suntok at pag kalmot ng anak ko.

"Maddie stop it!" Sigaw ko dahil nag wawala pa rin ito mula sa pag kaka karga ko.

Mabilis ko itong binaba at pinatayo sa harapan ko kaya lumuhod ako dito para maka pantay kame.  Pinag saklop ko ang dalawang palad ko sa pisngi nito to calm her down, mukhang tumalab naman ng makilala na niya ako.

"M-mommy." Tanging nasabi nito at bakas ang takot.

Narinig ko ang pag lapit ng mga guro at inutasang pina babalik na ang mga studyante sa kani-kanilang klase.

Napa buntong hiningang lumapit ako sa batang lalake at pinatayo ito. Puro pasa at kalmot ang natamo nito kaya dinala siya agad ng mga guro sa infirmary.

"Ma'am, ok lang ba si Maddi--"

"Anong klaseng guro kayo nandidito? Hindi niyo ba naririnig na nag aaway at nag kaka sakitan na ang mga studyante niyo?!"

Walang sumagot sa guro na nasa harapan ko dahil napayuko ang mga ito marahil sa hiya, kaya tinalikuran ko na ito at kinarga si Madison papasok ng sasakyan.

Papasok sana ako ng mapansin ko ang isang batang babae na nakatayo sa may gate habang may sugat sa gilid ng labi nito.

Nanatili parin ito nakatingin sa amin hanggang sa pag alis namin.

Sya ung bata na naka tapon sa akin ng kape sa coffee shop.
___________________________________

"Why did you do that Maddie?! Wala pang isang linggo ang pag labas mo sa hospital then ano to? Nakikipag away ka?!"

"B-because I have to-too."

"Di ba binalaan na kita na stop hurting people?! Hindi maganda yan Madison."

Hindi ito sumagot dahil naka yuko lang ito.

"Madison look at me when I'm talking to you. Wag kang bastos!"

"D-don't s-shout,"

"Then answer me. Bakit ganon ang nakita ko? Bakit ganon ang naabutan ko? Kelan ka pang natutong maging bayolente sa kapwa mo?!"

"Like what I said... I have too."

"Why?"

"Be-because Allen h-hurt Nicole. N-nagalit ako, he's hurting what's important to me.... I need to protect what's mine."

"Anong sayo? Anong pinag sasabi mo?"

"S-someone t-told me to protect what's mine. A-and Nicole is my p-property Mommy."

Natigilan ako sa sinabi nito at hindi maka paniwalang tinitigan ito. Because she talks like her Mother.

"Sinong nag turo sayo niyan? Hindi kita tinuruan maging sakim Madison!"

"Aa--aaww." Daing nito ng hinawakan ko ng mahigpit ang braso nito.

"Answer me."

"I h-hate you!!" Sigaw nito at mabilis na binawi ang braso mula sa pag kaka hawak ko at tumakbo paakyat sa kwarto nito.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Where stories live. Discover now