9

2 0 0
                                    

Percy's POV

Hindi na ko masyado nahihirapan sa first rule na ginawa nung Zy na topak na yon dahil hindi sa nasanay na ako. Yun ay dahil hindi ko naman na ginagawa lahat ng gawaing mansyon dahil di rin naman niya chinecheck hehehehe

Chika cika kame ule ni Marian. Nagtanong siya kung baket ang tagal kong di lumabas pero amin amin nalang yown sa loob ng bahay.


Bumalik din ako sa loob para makapagluto ng dinner. Adobong atay, my favorite...

Maya maya ay umuwi na si Gro Shine. "Welcome Home! How's School?" Tanong ko sakanya. Napatitig siya saakin sabay kusilap

Napabuntong hininga nalang ako.

*Tok* *tok* "Kain na Gro Shine" tawag ko

"I'll wait for daddy!!!!!" Sigaw nito

Kanina niya pa yan sinasabi pero isang oras na wala parin si Zy

"Sige ka, pag di ka kumain di kana magiging princess" pag-uto ko nakarinig ako ng sigaw at maya maya ay lumabas siya na nakabusangot

Sinabayan ko na siyang kumain ng biglang bumukas ang pinto. Akala ni Gro Shine ay daddy niya, yon pala ay si kuya Mario lang pala. "Pinapasabi ni Sir na di siya makakauwi ng ilang araw, alagaan mo daw si Gro shine" sabi nito

Tumango nalang ako pero itong isang ito ay biglang umiyak habang may laman pa bunganga

"Uuwi din si daddy mo kaya wag ka na iyak.." pero mas lalo pa siyang umiyak huhuhu. Antinis ng boses niya kaya lumalabas mga utoy ko sa tenga, joke!

Pagkatapos maghugas ay gumawa ako ng gatas. Pinuntahan ko siya at nakatalukbong na siya sa kama.

"Here's your milk Gro Shine" sabi ko pero ayaw nya me pansinin

"Shine..." Tawag ko parin sakanya

"Gro"

"Shine Groshing" bigla syang sumigaw dahil sa inis

Huminga ako ng malalim "Here's your milk, princess" tugon ko

Maya maya ay onti onti syang umupo ngunit padabog kaya napangiti ako

Kinuha nya yon at mabilis na inubos

Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung dulo ng damit ko. Tiningnan ko siya at tinanong kung bakit

"D-don't leave me...." Ngumuso siya

Kawaiiiii!!!!!!! ♥️♥️♥️♥️♥️♥️

"Pero ang Princess ay strong, kaya nya matulog mag-isa" tumingin siya saakin ng masama

"EDI WAG!!! USELESS!!!!" at nagtakip  ulet ng kumot

'Spoiled Brat!!!!!!!'

"Hindi ko gusto ang mga pinagsasabi at pinag-gagawa mo Gro Shine" maala-awtoridad kong sabi

Mali na kasi!!!! Baka magaya lang sya sa dating ako

Wala naman si Papa nyang may topak kaya didisiplinahin ko tong batang ito

"Mula ngayon ayoko na sumisigaw ka, nagmumura, kukusilap, hindi nagpo-po at opo, hindi nagtha-thank you, hindi nagso-sorry kahit kasalan mo naman at higit sa lahat!!!"

Inalis ko ang kumot na nakatakip sa kanya  at TINIGNAN KO SIYA SA MATA

"SPOILED BRAT" malamig ngunit may pag-iingat kong tugon.

Bigla nalang siyang umiyak ngunit di ko lang yon pinansin. Isa yan sa kanyang paawa technique at di na ko tatablan

"Dahil wala ang papa mo, ako muna ang magiging ina inahan mo. Hindi kita iba-baby, didisiplinahin kita sa ayaw at gusto mo"

Kinuha ko yung maliit niyang upuan at nilagay malapit sa pintuan at umupo. Naka-cross arm ako habang naka-cross din ang binti ko.

"Inumin mo na yang gatas at tulog na."

Bahala na kung ano ang magawa ng daddy niya saakin pagbalik dito.

Pagkatapos niyang inumin ay sinenyasan ko siyang matulog na.

"You're dead. Isusumbong kita" pagbabanta pa niya

"Dead? Ganito ba? Grrggrrrr!!!!!!!" Nagkunware akong zombie na nagpa-iyak sakanya ng sobra

Luh.... Luh-got ako~~~

"Joke lang... Masyado akong maganda para maging zombie at katakutan. Tulog ka na garod."

"I hate you!"

Haiyst! Ang hirap palambutin ang puso nitong bata.
~~~~~~~~~~~~

Binuksan ko ang malaking kurtina ng kuwarto ni Gro Shine.

Pumalakpak ako "RISE AND SHINE GRO SHINE!"

tumingin siya saakin ng masama pero di ko yon pinansin. Aga aga naman galit agad?

Kumuha ako ng isusuot nyang damit at pinababa muna siya upang ayusin ang kuwarto nya

Pagdating sa baba ay marami naman ang niluto ko.....

"WHY GANITO ANG FOOD??!! ANG KONTE!!! ISUSUMBONG KITA!!!!!" Sigaw niya

Tatlong egg na pula, eight na hodog, sampong hiwang ham, apat na bread--- nakukontian na siya sa lagay na yan??

"Anong sinabi ko kagabi? Ayaw ko ng sumisigaw at walang manners diba? Kaya bilang parusa...." Kinuha ko yung dalawang hotdog at kinain

Sumigaw nanaman siya kaya kinain ko yung isang ham. Umalis ako sa harap niya at pumunta sa kwarto para mag-ayos muna dahil ang gulo gulo na pagkatapos ay sa kuwarto naman niya ago pumunta. Tapos na siguro kumain kaya umakyat na


"WHY ARE YOU HERE?!!! MALILIGO NA KO??!!!"

"Papaliguan kita! " Sabi ko at nagsisisigaw lang siya

"NO!!!"

"YES!!!

"NO!!!"

"YES!" sigaw ko at hinabol siya

"AAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!" Grabeng tinis ng boses nito!!!!! Naririndi nako!!!

Pati ako basa na dahil sa kulit nito, parang bulate kase!

"Kili kili mo kuskusin natin!" Sabi ko

Ayaw niya kaya ako na ang nagtaas ng kamay niya "aahhhhhhhhahahahahahahahahha!!!!!!!" Ang sigaw niya ay naging tawa

Ganon din sa kabilang kili kili niya kaya napapatawa narin ako. "Sa likod mo naman"

Siya na ang nagbihis sa kanyang sarili at inayos ko naman ang bag niya na barbie pa ang tatak.

Maya maya ay dumating na si kuya Mario the driver. "Kuya sasama ako"

"WHAT!!!" sabi nitong batang ito

"Ikaw bahala..." Sabi ni kuya Mario kaya ngumiti ako.

Sa biyahe ay nakabusangot itong katabi ko habang nag hu-humming naman ako habang gumagalaw ulo ko


Pagdating namin sa school ay lumabas agad si Gro Shine pero mabilis kong hinablot ang braso niya. Bago pa man siya mag-ingay ay inabot ko sakanya ang isang luch box

"Kain ka nyan ahh! Masarap yan" sabay ngiti ko

"W-whatever!!!!" Pahablot niya iyong kinuha pero hinawakan ko ulit siya sa braso

"Ano ang sasabihin mo? Thank......" Nakatingin ako sakanya. Siya naman ay inis na inis

"I didn't ask for this so I won't say it!!!!" bigla syang tumakbo at natameme naman ako



Ok lang yan Percy..... It takes time nga diba?

I am the maid of my exWhere stories live. Discover now