Seven

7 1 0
                                    

Chapter 07

Habang nagsasalita si sir sa harapan, nagsusulat ako ng notes about sa lesson. Kailangan ko ito lalo na't kapag kailangang mag review kapag may quizes and exams. Minsan may mga teachers na nire-required nila ang mga students nila na magsulat ng mga notes at ipapasa sa last grading para dagdag points sa written works.

Tiningnan ko ang loob ng bag ko kung nasaan ang pouch ko para kumuha ng panibagong ballpen. " Nasaan na ba kasi 'yun?"

Tiningnan ko sa small pocket ng bag ko pero wala. Tiningnan ko din sa may pinakamalaking bulsa ngunit hindi komahanap.

" Here." tiningnan ko ang nag abot ng ballpen sa'kin.

Ngumiti ito. " You can borrow my extra pen."

Kinuha ko ito. " Thanks." ngumiti ako ng bahagya.

Nagtuloy na ako sa pagsusulat. Hanggang sa matapos ang time ni sir.

Inayo ko ang bag ko at tiningnan ang babaeng nagpahiram sa akin ng ballpen.

" Thank you." binalik ko sa kanyaang ballpen niya ngunit umiling ito.

" Sayo na, kailangan mo pa yan para sa susunod na period." ngumiti ito sa akin.

Tumango ako. " Okay. Thank you ulit."

Naglakad na ako papunta sa upuan ko para kunin ang bag ko bago naglakad palabas.

Pumunta ako sa cafeteria at bumili ng makakain. Umupo ako at nagsimulang kumain ng sandwitch na binili ko.

" Pwede ba akong umupo?" tiningnan ko ang nagsalita at nakita ko ang nagpahiram sa akin ng ballpen.

To be honest, ayokong magpaupo ng kahit na sino dahil gusto kong kumain ng mag isa pero dahil pinahiram naman niya ako kanina ng ballpen. Tumango ako.

" Thank you." ngumiti ulit siya sa'kin.

Tumango lang ako. Wala ba siyang ibang gagawin kundi ang ngumiti? Nakakatakot na ha.

Kung ngumiti kasi siya sa akin parang sampung taon na kaming magkaibigan e.

" Alam mo ang galing galing mo kanina sa debate." bigla itong nagsalita kaya napatingin ako.

" Grabe yung mga sagot mo sobrang galing. Tapos si sir kanina hangang hanga sayo."

Ikwineto niya kung paano siya humanga kanina sa debate. Nagdebate din kasi kami pagkadating na pagkadating ni sir. About sa darating na eleksyon.

" Ang galing galing mo talaga don, Molly. Kahit si sir walang masabi sayo."

Ang dami niyang kwineto sa akin. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong pangalan niya. Oo, kaklase ko siya pero hindi ko talaga tanda ang pangalan niya. Actually, lahat ng kaklase ko hindi ko kilala.

Kung makipag usap siya sa akin akala mo sampung taon na kaming magkaibigan e.

" Ma-offend ka ba kung sasabihin kong hindi ko tanda ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

Natigil ito saglit at natawa at bahagya itong napailing. " Ako nga pala si Sofia. Class president ako ng section natin. It's nice to meet you, Molly."

Tiningnan ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. Tinanggap ko iyon.

" It's nice to meet you too, Sofia."

**

Pagod na pagod akong dinala ang mga papeles ni Mr. Garcia. It's already six o'clock in the evening at ngayon lang ako natapos.

Inilagay ko ang mga papeles sa table ni Mr. Garcia. Tiningnan niya naman ito isa isa.

Hay, sa wakas nakakauw-

" Ito pa." tiningnan ko ang papeles na tinutukoy ni Mr. Garcia. Mas marami pa ito kaysa sa binigay niya kanina!

" Sir?" gulat na sabi ko.

Tiningnan niya ako ng malamig. " Kailangan ko ng report na 'yan. Make sure that you will finish this report tonight."

Wala akong nagawa kundi ang kuhanin ang mga papeles at bumalik sa table ko.

Pinapahirapan niya ba ako? Kanina ko pa napapansin ang sungit niya sa'kin.

Napailing na kang ako. Masungit naman na noon pa si Kyrie kaya dapat masanay na ako at isa pa ganito naman talaga siya sa mga empleyado niya, masungit.

Hindi porket magkakilala kami bibigyan niya na ako ng special treatment. Isa lang akong empleyado niya at boss ko siya.

At isa pa, sigurado akong naaalala niya ako dahil hindi naman siya nagtanong kay Gab. Siguro talagang wala lang talaga siyang pakialam sa'kin. Lahat ng mga pinagsamahan namin noon, wala lang sa kanya. Ako lang ang nag assume na kahit papaano may halaga yung mga pag uusap namin pero ang totoo pala wala lang iton sa kanya.

Tiningnan ko ang opisina ni Kyrie at natawa na lang. " Molly, ang tanga mo talaga."

Binalik ko ang tingin sa mga papeles at nagsimula na ulit magtrabaho.

Tiningnan ko ang cellphone ko ng bigla itong tumunog.

From: Gab

Let's have a dinner, Yssable

To: Gab

I can't. May trabaho pa ako.

Magkasend ko ay agad na siyang nagreply.

From: Gab

Huh? Di ba maaga kayong umuuwi?

To: Gab

OT. Maraming pinapagawa si Mr. Garcia at sa totoo lang, this is your fault. Kung di mo ako sinama kung saan edi sana wala akong tambak na trabaho. Bwiset ka!

From: Gab

Bakit parang kasalan ko pa? Di ka nga nagbigay ng pang gas e!

Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya.

To: Gab

Wow. As in WOW. Ang kapal talaga ng mukha mo, wala akong sinabing isama mo ako. Wag na wag kang magpapakita sa'kin!

Hindi ko alam kung nagreply ba siya o hindi dahil pinatay ko na ang cellphone ko.

Nagsimula na akong gumawa ng trabaho at habang lumilipas ang oras isa kang ang nasa isip ko..

" Bwiset ka, Gabriel. Wag na wag ka talagang magpapakita sa'kin!"  gigil na gigil na sabi ko.

**

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now