Twelve

4 0 0
                                    

12

" You're here.." napatingin ako sa may pinto ng makita ko si Kyrie na nakatayo.

Tumingin ako sa paligid at hindi siya pinansin. Nandito ako sa rooftop para makapag-isip.

After Sofia said that he likes Kyrie I suddenly feel weak. I don't know why. Maybe because I like Kyrie so much and now that I knew that my friend, Sofia, like him too.

" Hey, are you allright?" he looked so worried.

Umiling lang ako at ngumiti. " May iniisip lang ako."

" Pwede mong sabihin sa'kin. Malay mo makatulong ako."

Tiningnan ko siya. Should I asked him?

"Paano kung meron kang gustong gusto na isang tao tapos malalamon mong yung kaibigan mo ay may gusto rin pala sa taong gusto mo. Anong gagawin mo?"

Tiningnan naman niya ako. " May nagugustuhan ka na?"

Agad akong umiling. " Hindi ako 'yon. Nanghihingi kasi yung kaklase ko ng advice sa'kin. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko dahil wala naman akong nagugutuhan."

" Ayan ba yung gumugulo sa isip mo?" tumango ako bilang sagot.

" Honestly, I don't know kaya hindi ko masasago 'yan." tiningnan ko siya ng masama.

Hindi niya alam siya yung lalaking tinutukoy ko. Bwiset! Kung hindi lang kita gusto hinulog na kita dito.

" Why?" nagtataka siguro kung bakit ko siya tinitingnan ng masama.

" Wala!" tumalikod na ako para umalis. Kainis!

Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.

Ang seryoso ng tanong ko tapos ganon ng sagot niya?! Ha, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi e! Baka nahawa siya kay Gab na puro katangahan lang ang alam. Kainis!

Pumasok na ako sa klase. Wala ako sa mood mag aral ngayon pero kahit papaano nagpaparticifate pa rin ako para hindi na ako tawagin. Ganon minsang ginagawa ako, sasagot ako ng 5 beses tapos kunwari magtataas ako ng kamay pero hindi na ako tatawagin ng teacher ko at sasabihin puro na lang ako. Dahil don hindi na ako tatawagin. I'm an alpha kid!

Nang nag uwian, nagpasiya akong pumunta sa may soccer field. May upuan sa gilid kaya pwedeng umupo.

" Hoy, ginagawa mo dito?" umupo si Gab sa tabi ko.

Tiningnan ko siya. Should i asked him?

Pero baka mamaya katulad din ng sagot si Kyrie, feeling ko nga ag tinanong ko mas bobo pa yung sagot niya kaysa kay Kyrie.

Pero i-try ko pa rin kaya. Malay ko may sense naman minsan si Gab.

" May tanong ako."

Mukang naging interesado siya sa sinabi ko. " Sige ano 'yon?"

" Meron akong kaklase na nanghihingi ng advice and since nandito ka rin lang naman ikaw na lang ang tatanungin ko."

" Wow, parang no choice ka pa ha."

Inismiran ko siya. " Paano kung neron kag gustong gusto na lalaki tapos malalaman mo rin n yung kaibigan mo ay may gusto din sa taong gusto mo. Anong gagawin mo?"

Tiningnan niya ako ng seryoso. Tila nag-iisip. Hinihintay ko ang sagot niya. Siguro maganda ang advice niya sa'kin dahil pinag iisipan nitong mabuti. Kahit pala papaano maassahan din 'tong si Gab.

" Ewan."

Agad ko siyang sinabunutan. Ewan?! " Ang tagal mong nag isip tapos 'ewan' ang sagot mo?! Pinaghintay mo pa ako sa walang kwenta mog sagot!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now