Chapter 10

694 22 0
                                    

*Third Person Pov*

Dahil sa pag sabog na narinig nila Heilly ay mabilis silang nag teleport papuntang Sala.

Pag dating nila Heilly sa sala ay siya namang pag pasok ng isa nilang kawal. Mukha pa itong tumakbo dahil sa hinihingal pa itong lumapit sa kanila.

"Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Sinugod po tayo ng kalaban." Ulat ng kawal sa kanila.

Palihim namang napangise si Heilly sa narinig.

    =Heilly Pov=

Palihim akong napangise dahil sa narinig ko sa kawal. Mukhang makapag e-excercise na ako rito ngayon.

Hinarap ko sila Mom at Dad, at nakakatawuwang isipin na pareho silang mga seryoso.

"Mom, Dad, sa kuwarto na lang kayo nila Kuya. Hayaan niyo na sa'min ito." Sabi ko kila Mom.

"Pero sweetie, gusto ko ring lumaban." Naka pout na sabi ni Mom. Psh. Bipolar.

"Me too." Si Dad.

"Me three." Si kuya.

"Kuya, huwag ka ng sumama sa'min. Sige na do'n na kayo sa kuwarto."

"Pero baby, gusto kong lumaban. Please?" At lumuhod pa ito sa harapan ko.

Haystt.

"Fine. Pero ikaw lang." Binalingan ko sila Mom at si Dad na bakas sa mukha nila ang kagustuhang lumaban pero nah. We can handle it.

Mukha namang naintindihan ni Mom na hindi ko siya papayagan kaya inaya niya na si Dad.

"Fine! Let's go Honey punta na tayong kuwarto." Saka hinila ni Mom si Dad papuntang kuwarto nila.

"So Queen, anong plano?" Tanong ni Tony.

"Dating gawi. But this time ay kayo ni Mike at Ella ang mag kasama, Drea at Kurt at ikaw Tony at Audrey ang mag kasama. At ako at si Kuya ay mag kasama. Maliwanag?"

"Yes." Sabay-sabay na sagot nila.

"Now, go."

PAG labas namin ay sumalubong sa'min ay mga kawal naming nakikipag laban sa mga kalaban namin.

Hinanap naman ng mata ko ang gunggong nilang Hari. At do'n ay nakita ko siya, nakatayo malapit sa gate namin.

Kaunti na lang ay mapapasok na nila ang palasyo namin, pero hindi ko 'yun hahayaang mangyari.

Sila Ella, Mike, Drea, Kurt, Tony at Audrey ay nakikipag laban narin. Maging si Kuya ay iniwan ako para lang makipag laban.

Ako? Heto ako sa pinto, naka crossarm habang nakatingin ako sa leader nila.

Alam kong hindi niya pa nararamdaman ang presensiya ko dahil tinago ko ito. Pero dahil naiinip narin ako dito kakatayo ay pinaalam ko na sa kaniyang narito ako.

Nakita kong luminga-linga siya paligid hanggang sa mag tama ang mga mata namin. Kita ko ang gulat sa mata niya kaya lihim akong napangise.

   =Ella PoV=

Heto ako ngayon at nakikipag laban sa mga walang utak naming mga kalaban, tulad ng amo nila.

Mag kasangga kami ngayon ni Unggoy, gusto kong tumutol kanina sa sinabi ni Queen pero hayaan mo na at nasa gitna naman kami ng laban.

Si Queen, alam kong hindi pa siya lumalaban. Hindi ko man nakikita ang mukha ni Queen ay alam kong nakangise siya ngayon.

Naramdaman ko ang presensiya niya, presensiyang hindi mo nanaiisin na maramdaman.

Nakakatakot at nakakapangilabot, promise.

"Ella!"

Mula dito sa kinatatayuan ko ay kita ko ang hari nilang gunggong.

"Ella!"

Nakakatawa siya pro---

"Ahhhh!" Daing ko matapos kong maramdaman ang kuko ng kalaban ko sa braso ko.

Tragis! Bakit ba kasi inuna ko pang mag kuwento? Nak ng...

"Hey! Are you okay?"Si Mike.  Bakas sa tono nito ang pag-aalala.

"Yeah. Okay lang ako. Gagaling din naman ito."

"Aishh. Bakit ka ba kasi nakatulala dyan?" Kanina lang, nag-aalala siya, tapos ngayon naiinis naman? Aba't.

"Easy. Ayos lang ako. Pumasok na lang tayo sa palasyo. Umalis na 'yung gunggong nilang Amo.

"Sa susunod kasi mag ingat ka. Maliwanag?" Sabi nito habang tinatalian ang sugat ko.

Hindi ko alam pero... Ang Oa ni Mike ngayon. Maliit lang naman ang sugat na natamo ko pero kung maka react... Haystt. Ewan.

"Okay." Nasabi ko na lang.

Kusa lang namang gumagaling ang sugat naming mga bampira, pero dahil kapwa naming bampira ang nakasakit sa'min ay aabutin pa ng isang linggo bago pa ito gumaling.

Depende rin sa laki o liit ng sugat.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now