Chapter 31

442 21 0
                                    

=Amanda Pov=

Reporter 1: May namumuo na bang love sa inyong dala----

"Good question ate Reporter!" ---Sigaw ng isang taong naroon.

Kahit na gano'n kaingay ay nangibabaw   ang boses ng babae.

Naibaling ko ang tingin ko kay Heilly, ganon na lang ang lihim kong pagtawa dahil sa kunot na kunot na noo niya.

Nakatutok ang camera sa kaniya kaya kitang-kita ko ang mukha niya. Pffttt

Sasagot na sana si Klein ng makarinig kami ng isang pag sabog.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ella saka sabay na tumayo.

Isa lang ibig sabihin nito, sumasakalay na nanaman ang kalaban.

Kung sa iba, hindi ayos ang nangyaring pag sabog ng ilang gusaling naroon.

Pero kay Heilly? Nah. Pabor pa sa kaniya ang ganitong eksena. Makatakas lang siya sa ka talkshitan ng mga taong nakapaligid sa kaniya ay ayos na sa kaniya.

Wala kaming ibang choice ni Ella kundi ang mag teleport.

=Heilly Pov=

Dahil sa nangyaring pag sabog ay nagkagulo na ang lahat ng taong narito. Nag-uunahan na makalabas ng gusaling ito.

Hindi rin maiwasan na mayroong madapa at maipit ng mga taong nagta-tatakbo.

Takot at kabado sila kaya hindi ko sila masisisi kung nagpapanic na sila ngayon.

Siguro ang nakikita ko lang na hindi nag pa-panic... Ako at si Klein. Dahil maging ang mga Manager namin ay nag papanic narin.

Ako naman ay nakaupo parin hanggang ngayon sa kinauupuan ko. Para lang akong nanood ng isang palabas na kung saan ako parin ang bida... And i have no choice but to claim that Klein is my leading man in this movie.

Nakaupo ako at siya naman ay nakatayo lang, at katulad ko ay pinagmamasdan niya lang din ang mga taong nagtatakbuhan.

Naka focus lang ako sa isang daan. Ang grupong C.T, ang siyang inaasahan kong papasok sa daang 'yun.

At hindi nga ako nagkamali, dahil mula sa usok na gawa ng pag sabog ay lumabas do'n ang Leader ng C.T gang at ang mahigit kumulang dalawang daang mga tauhan.

Napangise na lang ako sa nakikita ko ngayon. Tss.

Nagawa niya pa talagang ngumite ng malapad ng matagpuan ako ng mga panget niyang mata.

Ang sarap dukutin ng mata niya...

"C.T gang?"

Mahina lang ang pagkakasabi no'n ni Klein pero hindi 'yun nakatakas sa'kin.

Mukhang may kulang pa akong nakalap na impormasyon kay Klein. Pero hindi ko muna iisipin yun.

Importante ngayon ay ang mapagbagsak ang gunggong nasi Baldo( Ang leader ng C.T gang)

Bagay talaga sa kaniya ang pangalan niyang Baldo. Dahil pag katapos ng labang ito BALDADO na siya sa gagawin ko.

Lumapit ng bahagya si Baldo kung saan kami ni Klein nakaupo ngayon.

"Nagkita tayong muli UNO!" --- Sigaw ni Baldo at bahagyang diniinan ang pangalang uno.

Nabaling ang tingin ko kay Klein, seryoso parin ang mukha nito mula pa kanina.

Uno... Hmmmm...That's why...

"What do you want BADLY PHYSCO?!" --- Tanong ni Klein kay Baldo, pero bakas sa tono nito ang autoridad.

Humalakhak naman ng tawa si Baldo saka bumaling pakanan at pakaliwa sa mga tauhan niya, ginaya naman siya ng mga tauhan niyang tumawa kaya mas lalong umingay ang paligid.

Tsk.

Itinaas ni Baldo ang kanang kamay niya na siyang pag hinto ng mga tauhan niya sa pagtawa.

Matapos ang paghalakhak ni Baldo ay bigla naman itong ngumise. Itinutok pa nito ang dala niyang Shot gun kay Klein at nag act na pinaputok ito.

Napailing na lang ako sa kabaliwang ginawa ni Baldo.

"KAILANGAN KO?! ANG POSISYON MO!!!"---- Sigaw ni Baldo.

Kita ko naman ang pag ngisi ni Klein."Do you think, you can get it to me? Hah! In your dreams."

Sumama naman agad ang timpla ng mukha ni Baldo. Pero nagawa parin nitong hilaw na tumawa.

"Nag-iisa ka lan--- oopss, may kasama ka pala." Saka ako nito binalingan ng tingin saka kinindatan.

Mukha siyang adik sa ginawa niya...

"Mukhang sinusuwerte ako ngayon at may magandang dilag na mapapaligaya ko mama----"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla na lang siya tumalsik.

Sa bilis ng pangyayari ay nahawi sa dalawa ang mahigit dalawang daang tauhan ni Baldo. Kasama kasi itong tumalsik.

Nasapo ko na lang ang noo ko ng makitang si Amanda ang may gawa no'n.

Lahat ay nakanganga parin dahil sa nangyari. Lahat nakatuon ang tingin sa puwesto ni Baldo, liban sa'kin.

Ang mata ko kasi ay naka focus lang sa isa, at yun ay kay Amanda'ng kaka teleport lang kung saan.

Umalis na si Amanda, kasama si Ella.

Psh. Hindi man lang sila nagtagal dito! Matapos lang makasapak, umalis na agad.

🤦🏻---Me

(⊙_☉)---Lahat sila, kasama na si Klein do'n.

Gusto ko pa sanang tumawa kaya lang masiyado akong nagagandahang pag masdan ang mga mukha nilang nakakahanga.

Haystt. Still the same Baldo....your still WEAK.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now