Chapter 2

8 0 0
                                    

Chapter 2

"Samara, pwede mo ba akong tulungan dito?!"

Mula sa sala ay rinig na rinig ko ang sigaw ni tyang sa kusina. Dahil nanunuod lang naman ako ng tv ay napagdesisyonan ko nalang na tumayo at tulungan siya. I took my phone with me dahil baka may tumawag nanaman.

"Tyang bakit po?"

"Pwede mo ba tong ilagay sa taas. Hindi ko kasi abot." anito sabay turo ng mga baonan sa lamesa. Hindi naman ako nagdalawang isip na tumango.

"Marami yata ito, kanino ba galing ang mga to?" tumigil siya sa paghuhugas at nilingon ako. Ginawaran niya pa ako ng ngiti sa mga labi habang nagpupunas ng kamay.

"Sa nanay mo. Dala niya yan galing sa ibang bansa. Regalo daw niya sakin." napatango ako."Eh yong sayo? Nakita mo na ba?"

Yumuko ako't umiling. "Mamaya nalang siguro tyang." tumango nalang ito sa naging sagot ko. Nahalata siguro niya ang pagka disgusto ko sa usapan kaya hindi nalang siya nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa ginagawa.

Pinagtuonan ko nalang din ng pansin ang pag aayos ng mga baonan. Inayos ko ito ayon sa mga kulay at kalakihan ng mga ito.

Nang malapit na akong matapos ay nakarinig ako ng tawanan galing sa sala. Nang balingan ko ito ng tingin ay nakita ko sila nanay at ang boyfriend nitong naglalampungan. Napailing nalang ako sa nakita ko. Kailan ba sila nagkaroon ng hiya samin.

Nabaling ang atensiyon ko sa cellphone ko ng makarinig ng tunog. May mensahe galing kay vea.

Vea:
Samara, di ka ba talaga susunod? Gusto mo sunduin kita diyan at ipapaalam kita kay tita?

Agad naman akong nag reply agad.

Me:
Hindi na vea. May ginagawa ako. Bukas. Free ako. Bukas nalang ako sasama.

Vea:
You sure? Wala ng bawian.. Hinintay ka pa naman ni allison. She thought you're coming. Lasing na nga eh. Ayaw na paawat.

Natawa nalang ako sa reply niya. Knowing allison, ayaw talaga non magpapigil. Ba't dipa sila nasanay.

Ibinaba ko na cellphone ko at tuluyang tinapos ang ginagawa. Nagpresinta na din akong tulungan si tyang sa ibang gawain dahil mukhang wala rin namang ibang tutulong sa kaniya, at para narin mabilis siyang matapos at makapagpahinga na. Mahaba-haba din kasi ang iginawad niya makapaghanda lang sa pagdating ni nanay.

Maaga palang ay gumising na ako at naligo. Kailangan ko pang maghanda para sa first subject namin. Maaga yong start at hindi ako pweding ma-late dahil may ipapasa pa akong project kay Ms. Alejandro. Baka pagna-late ako, hindi ko na naman siya maabutan sa faculty niya. Lagi naman. Parang may iniiwasan.

[Hey! San kana?.]

"Kakain pa, bakit?" sagot ko sa kabilang linya.

Dumiritso ako sa shoe stall at kumuha ng puting sapatos. Ito yong sapatos na bigay ni nanay kagabi. Ayaw ko sanang gamitin kaya lang yong lumang sapatos ko basa pa. Nilabhan ko kasi dahil naputikan nung isang araw.

Path of HateWhere stories live. Discover now