First Day

2.6K 108 9
                                    

Eilish Pov:

"Anak gising kana may pasok ka pa" nagising ako sa sinabi ni mama at napatingin sa orasan sh*t malapit na akong malate.

"Ma kumain na po kayo sa school nalang po ako kakain!!" sigaw ko sabay takbo sa banyo para maligo sakto at nakapag igib na pala ng tubig si papa.

Hi my name is Eilish Lunaire Perez 20 y/o namumuhay lang sa isang maliit na baryo at katamtamang laki ng bahay kasama ang papa at mama ko simple lang naman ang pamumuhay namin nila mama dahil si papa mag sasaka lang pero sa sarili naming bukid habang si mama naman eh house wife lang dahil bawal sakanya ang mapagod.

Tapos na akong maligo kaya naman dali dali na akong pumunta sa kwarto dahil scholar lang ako sa isang sikat na univ malayo dito sa baryo namin.

Nag suot lang muna ako nang maong na pantalon white crop-top at cardigan pang cover up lang ok na siguro toh dahil first day palang naman sa school at wala pang uniform isa pa maganda naman ako kaya kahit basahan mag mumukang damit nang isang modelo kapag ako ang nag suot HAHAHA.

"Ma, Pa mauna napo ako mag je-jeep nalang po ako" sabi ko habang nag susuklay pababa ng hagdan ahihi kahit naman kasi simple lang pamumuhay namin may second floor parin tong bahay namin.

"Ganda talaga ng anak ko apir nga dyan dol" sabi na papa habang tatawa tawa kaya napasimangot ako diba parang d ako anak eh hays.

"Payakap ako sa leeg dol" sabi ko naman habang tatawa tawa kaya naman si papa na ang nakasimagot ngayon habang ako tamang ngisi lang kaya naman iiling iling si mama habang pinapanood kami.

"Osya lumayas kana at baka tuluyan kanang mahuli sa klase mong bata ka unang araw pa naman ngayon masamang malate nung bata kami ng papa mo hindi kami nahuhuli sa klase" mahabang sermon ni mama kaya naman napa facepalm nalang ako habang si papa tuwang tuwa dahil sa reaksyon ko.

"Ano ba yan ma dami mong sinabi eh pero bet itataya ko ngipin ko fake news Yung about sa 'd kami nahuhuli ng papa mo sa klase' HAHA" Hagalpak ko ng tawa pero bago pa ako mabato ng baso na may lamang kape eh kumaripas na ako ng takbo sa labas at sakto namang may jeep na dadaan kaya pinara ko na.

"Para po kuya yuhoo" d kalakasang sigaw ko at mukang narinig naman ni kuya dahil huminto ito sa harapan ko kaya naman sumakay na ako.

"San ang punta mo ineng?" Tanong ni kuya, lah hindi ba halata na sa lugar ang punta ko? alangan namang sa langit naknam maaga pa uy.

"Sa lugar po na merong mga estudyanteng nag aaral hehe" Sagot ko kay kuya pero mukang wrong move dahil nag pipigil na ng tawa tong mga kasama ko sa loob ng jeep habang si kuya naman napa kunot noo nalang shesh kintab ulo na nga naka kunot pa noo HAHA nu tawag don? kulubot na buko BWHAHAH.

"Joke lang kuya sa Zinsired University po inshort sa ZU po" agad na bawi ko rin sa sinabi ko kanina dahil mukang mauutot na sa tawa tong mga kasama ko dito sa loob ng jeep hays polluted na nga ung hangin dadagdag pa sila HAHAHA.

'What if masusungit mga prof dun?' hindi naman siguro.
'What if walang pogi dun?' mukang marami naman hehe.
'What if mamahalin mga foods dun' for sure naman yan eh pag dko afford mag babaon nalang ako ng tuyo, joke lang binibigyan naman ako ng sapat na baon nila papa.

"Ineng nandito na tayo wala kabang balak bumaba?" Hala ayan kasi kaka-what if ko toh eh kunot noo nanaman tuloy si kuya buko.

"Hala pasensya na po sige bye kuyang buko este kuyang driver nakabayad napo ako ha!!" Medyo may kalakasang sigaw ko sabay nag mamadaling bumaba ng jeep may nasipa pa nga akong grocery muka pa namang masungit yung may-ari kaya nag sorry ako agad at tumakbo na sa gate ng school pack full of sheet anlaki pala dito.

Lumapit na ako sa guard safe guard ou dahil muka namang malinis si kuya at the same time mukang dugyot joke lang nagiging bully na ako...

"New student po ma'am?" tanong ni kuyang guard sabay harang sakin sa pag pasok.

"Ah opo kuya ako po yung isa sa mga scholar dito hehe" sagot ko naman kay kuya sabay pakita ng mga dokumento na kailangan ko daw ipakita.

"Ah kayo po pala yun ma'am kaya ngayon ko lang po pala kayo nakita" saad naman ni kuya at halatang nahihiya pa yata dahil yumuko pa ito ng bahagya saakin.

"Ay ayos lang po kuya hehe pwede na po ba akong pumasok?" tanong ko naman dahil mainit dito sa labas.

Umalis naman sa pag kakaharang si kuya at sinabing pumunta daw ako dun sa office ng may ari nitong school at kakausapin daw ako tinuro narin sakin ni kuya guard ang daan para daw hindi ako maligaw, pero pinag papawisan na ang mga palad ko habang tinatahak ang daan patungo sa office ng may ari nitong school...

'kaya mo yan yung may ari lang ng school yan tao ka' pag papalakas ko ng loob sa sarili ko habang nanginginig ang mga paa na pumasok sa elevator.

Pero bago paman mag sara yung elevator may siyam na magagandang babae ang sabay sabay na pumasok at mukang hindi nila ako napansin dahil gumilid ako sa pinaka gilid nitong elevator.

'kung ganito lang pala kagaganda ang makikita ko araw-araw dito sa school aba sisipagan ko na' kausap ko sa sarili habang titig na titig sa pag mumuka nilang siyam.

Pero kaagad rin akong nag ayos ng tayo sabay yuko bago pa nila ako mahuling nakatitig sakanila at baka mapahiya ako ayoko pa namang napapahiya ako dahil mababaw lang ang luha ko.

Third eye pov:

Pag kapasok na pag kapasok ng siyam na babae sa loob ng elevator hindi agad nila napansin si eilish dahil badtrip din sila sa kaibigan nila at ang kaibigan nilang yon ay ang may ari ng ZU.

Alas kwatro palang kasi ng umaga eh binulabog na sila ng kaibigan nila dahil mag papatulong daw ito para sa pag welcome ng mga scholar lalo na daw yung naka perfect sa exam para makakuha ng scholar at si eilish yun.

Di kalaunan ay napansin din ng siyam si eilish sa gilid na naka yuko habang may mga hawak na papel kaya naman kumunot ang noo nilang siyam dahil sila lang at kaibigan nilang may ari ng ZU ang pwede sa elevator na yun.

"Hey kid" tawag pansin nila kay eilish kaya naman nag angat na ng tingin si eilish sakanilang siyam.

'the fvck she's cute' sabay sabay na sambit nilang siyam sa isip nila dahil hindi nga naman maikakaila ang taglay' na itsura ni eilish.

"b-bakit p-po mga ma'am?" nauutal na tanong ni eilish sakanilang siyam habang inosenteng naka tingin sakanila pero imbis na sumagot nag katinginan lang silang siyam at ngumisi kaya naman nagulat at naguluhan si eilish sa biglaang pag ngisi nilang siyam.

A/N!:: Kung may nakita po kayong typo paki comment nalang po para maayos ko kaagad HAHA at Isa pang paalala first time ko pong mag sulat kaya pag pasensyahan nyo na po hehe.

·She had magic in her eyes even the stars envied.
·Always remember, my heart holds you when my arms cannot.

DANGEROUS OBSESSION :: Eilish Lunaire Perez Story.Where stories live. Discover now