Marry Us

1.7K 115 88
                                    

Eilish pov:

"Maaaaaa, Paaaa naka uwi na yung maganda nyong anak!"sigaw ko pag karating na pag karating ko dito sa bahay dahil 6:23 narin napa tagal yung gala namin ni nelle sa school hehe.

Tinawag ko pa ulit sila mama pero mukang wala sila dito sa bahay kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko para mag bihis nag suot lang ako ng oversized white shirt at maong na short shorts, pag katapos eh bumaba narin ako para tignan kung dumating naba sila papa.

Pag baba na pag baba ko mula sa hagdan nakita ko na sila mama at papa sa salas pero mukang may kausap silang mga bisita geez balak ko pa naman sanang pumunta sa kusina eh pero bakit naman may tao sa salas hmp ok lang sana kung sila papa.

Naka silip lang ako dito dahil nahihiya akong mag pakita sa mga bisita dahil wala akong suot na bra bakit kasi mag b-bra kung dito lang naman sa bahay? tsaka gabi narin eh mas komportable akong matulog kapag walang bra hehe.

Natigil ako sa pag mumuni muni nang marinig ko ang seryosong tinig ni papa, ngayon ko lang kasi narinig na mag seryoso eh pero sino kaya kausap nila.  Hindi ko kasi nakita hehe.

"Anong nakain niyong sampo at naisip niyo na basta basta ko nalang papayagan ang anak ko na maikasal sainyo?" yan ang narinig kong sabi ni papa pero teka lang anong kasal!?! alam kong ako yung tinutukoy na anak ni papa dahil wala naman akong kapatid isa pa ano daw?!? sampo!?.

Hindi ko na kinaya ang narinig ko kaya ayun lumitaw at sumingit nalang ako bigla sa likod ni papa sabay sigaw.

"ANONG KASAL PA?!?" at sa pag sigaw at pag litaw ko sa likod nila mama napatingin sila sa gawi ko pero ganon nalang ang gulat sa muka ko ng makita ko yung sampo na tinutukoy ni papa hala! yung sampong magagandang babae sa school!.

Kinalma ko muna ang sarili at inayos ang damit ko dahil nakakahiya naman kung babakat yung ano ko diba? nang kalmado na ako lumapit ako kila papa at nag pakandong kay mama dahil wala ng upuan na bakante buti nga nag kasya silang sampo sa inuupuan nila eh.

"Ok papa anong kasal pinag sasasabi mo? at kayo pong sampo bakit po kayo nandito?" dirediretso kong turan at tinignan silang sampo sa mga mata nila,  oo malakas na ang loob ko ngayon na makipag eye to eye sa sampong dragona dito sa harap ko.

"Marry the ten of us." seryosong sagot ni Ma'am Levine, pero ano daw? silang sampo pakakasalan ko? pwede ba yun? isa pa puro kami babae? mas straight pa ako sa likod nong nag babasa nito eh.

"Ayoko po isa pa pare-parehas po tayong mga babae tapos kayong sampo ang pakakasalan ko?!? big NO po straight rin po ako." walang alinlangan at seryoso kong pahayag sakanila pero bigla akong siniko ni papa matapos sumama ang mga tingin nila sakin tsk, napalingon naman ako kay papa ng hindi makapaniwala dahil sa narinig kong sinabi niya sa sampong dyosa.

"Ligawan at pag hirapan niyo ang anak ko hindi yung ganyan na kasal agad inaalok niyo." Malamig pa sa convo niyo na sabi ng ama ko na siyang tinanguan naman ni mama kaya ngumuso nalang ako at nag papaawang tumingin kay mama dahil dko lubos na maisip na ganon ang sasabihin ni papa.

"Us will make ligaw to your daughter? hindi po us marunong." kunot noo at pakamot kamot sa batok na saad ni Ma'am Elsher ampt ang conyo.

"Simple edi walang kasalan na magaganap." ngiting saad ni papa pero agad namang nag react yung sampo.

"NO WAY!!" sabay sabay nilang sigaw sabay tayo sa kinauupuan nila kaya napa tayo narin kami nila papa anong no way sila jan tsk.

"Anong no way babae kayo babae ako straight rin po ako mga miss tsaka buti nga binigyan kayo ng chance ni papa sa pamamagitan ng panliligaw saakin eh but sadly hindi kayo marunong hehe." naka ngiti at nang aasar kong sabi sakanila pero nawala yun ng sumagot sila nang sabay sabay.

DANGEROUS OBSESSION :: Eilish Lunaire Perez Story.Where stories live. Discover now