PROLOGUE

18 2 0
                                    


This is work of fiction.Names, characters, business, places, event and incidents are either products of the author imagination are used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead or actual events is purely coincidental.

Read your own risk.


_____________________

AKI POV



"Aki!" Tawag sakin ng kung sino. Lumingon ako sa likod ko at may nakita akong lalaki na nakatalikod.
Matangkad siya at may kahabaan ang bukok, naka sout siya itim na t-shirt at pants.

"Sino ka?" Tanong ko sakanya.

"Aki ikaw ba yan?!" Pa balik na tanong niya sakin ngunit hindi parin lumilingon.

"Sino ka?!" Tanong ko muli, dahilan para humarap siya sakin.

"Aki?" Sambit niya. Hindi malinaw sakin ang muka niya pero batid ko na hindi sya sa akin nakatingin. Tila sa paraan ng pag tawag niya naliligaw siya.

"Ano ba sagutin moko? Sino kaba at bakit kilala moko?" Irita kong sabi pero hindi parin naging dahilan yon para mapansin niya ako.

"Aki! Nasaan ka?" Tanong niya at tila paiyak na.

Hindi ko na mamalayan na unti-unti na ding tumutulo ang luha ko. Hindi ko siya kilala pero bakit sa paraan ng pag tawag niya nasasaktan ako.

"Aki!"

"Aki!"

Unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko.

"Sandali....Teka hintayin moko!" Hindi ko alam kung bakit ako humahabol, pero ayaw kong mawala siya sa paningin ko.

"Akino!" Tawag ng kung sino dahilan para mapadilat ako. Panaginip. Mabilis akong bumangon sa kama ko. At hinahabol ang bawat pag hinga.
Siya na naman? Yung lalaki sa panaginip ko.

"Aki okay kalang?" Biglang tanong sakin ni Florence habang niyuyugyog ang balikat ko. Hindi ko namalayan na nasa harap ko pala siya.

"A-ayos lang." Utal kong sabi. Tumingin siya sakin na may pag aalala, inilagay niya ang dalawang kamay niya sa aking mag kabilang pisngi at pinunasan ang luha ko na hindi ko na malayang tumutulo.

"Nanaginip ka ulit?" Tanong niya na ikinatango ko. Mukang nasanay na siya sa ganong scenario kahit ako din naman ganon. Halos mag dadalawang taon na mula nung nag simula na mapaginipan ko ang lalaki na yon, hindi ditelyado sa akin ang muka niya pero palagi ko nalang mamataan ang sarili ko na umiiyak pag kagising ko.

At si Florence na kaibigan ko ay saksi sa bawat pangyayari na yon. Baka nga kung wala siya dito baka matagal na akong binangungot. Mabuti nalang at roommate ko siya dito sa condo.

Noong kumalma na ako binitawan na niya ang muka ko pilit siyang ngumiti sa akin bago mag salita.

"Maligo kana pag katapos bumaba ka at kumain na tayo." Mahinahong sabi niya sa akin. Tumango ako, tumayo siya at nag lakad papalabas sa kwarto ko.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo narin sa kama ko. Pumasok ako sa cr at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Kita sa maputi kong balat ang pamumula ng muka ko, binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko at saka marahan na binuksan ang gripo. Nag hilamos ako para matauhan ako.

After the Heart Break Where stories live. Discover now