CHAPTER 1

6 0 0
                                    

After the heartbreak

Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko. Palubog na ang araw kaya naman agad akong napatayo at nakaramdam ng hilo. Muli akong napahawak sa noo ko kung saan halos matuyo na ang dugo doon. Shit. Yung lalaki.

Mabilis akong bumaba ng building at saka pumunta kung saan nahulog ang lalaki kanina. Pero laking gulat ko nung wala akong nakita ni isang bakas ng pag kahulog don.

Nanlamig ang aking katawan at nanginginig na din ang aking mga kamay, hindi ako matatakutin pero base sa nakita ko kanina alam kong may lalaki talaga don.

Sinubukan ko bang igala ang aking mga mata para mahanap kung nasaan ang lalaking iyon. Ngunit wala na akong ibang nakita dahil sa napapalibutan narin ng malalaking puno ang building na ito.

Napahinto ako sa pag hahanap ng may mapagtanto ako, parang pamilyar ang pangyayari kanina. Parang yoon ang napanaginipan ko, possible bang hanggang sa reyalidad sinusundan ako ng bangungot na iyon.

Agad akong natauhan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Florence, agad ko iyong sinagot at rinig ko ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya na tila ba nakahinga ng maluwag.

"Aki where the hell are you?!" Halos inis na pag kakasabi niya.

"Pabalik nako." Tipid na sabi ko. Saka unti-unti nang nag lakad pa alis sa building na iyon.

"No, sa parking lot na tayo mag kita." Mariing sabi niya saka pinatay ang tawag. Mukang galit na naman siya, kung maka asta talaga tong si Florence kala mo naman guardian ko siya.

Tiningnan ko ang oras sa aking relo at 5:00pm na. Kaya naman pala galit kase di na ako naka pasok ng class namin.

Muli kong naramdaman ang pag kirot ng aking ulo kaya napahawak ako doon. May dugo paring lumalabas doon kaya naman kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at pinunasan yon.

Nung makarating sa parking lot ng school ay napansin ko na kakaunti nalang ang mga sasakyan na nadoon. Dahil mag gagabi narin, sa malamang umuwi na rin ang ibang istudyante.


Pumunta ako kung saan naka parking ang kotse ni Florence at nakita ko siya doon na seryosong nakasandal sa harap ng kotse niya.

"Tara na." Pag agaw ko ng atensyon niya saka diretsong pumasok ng kotse niya. Sumunod na siya at hinintay ko siyang makapasok.

"Saan kaba nag punta? At-"Naputol ang sasabi niya ng makita niya ang sugat sa noo ko.

"Anong nangyari jan?" Tanong niya at akmang hahawakan ang muka ko ngunit tinabig ko ang kamay niya.

Tumingin siya sa akin na parang dismiyado sa ginawa ko, hindi niya ako pinansin at diretsong tumingin sa harap.

"Umuwi na tayo." Malamig na sabi ko at hindi naman siya sumagot.Nagsimula na syang mag drive at tahimik lang din ang naging biyahe namin. Walang nag salita sa amin dalawa hanggang makarating kami ng condo.

Nauna akong lumabas sakanya,at diretsong nag tungo sa elevator. Hinintay ko siyang makapasok saka pinindot ang floor namin. Ramdam ko ma may galit siya sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Noong makapasok na kami sa condo ay agad niyang iinitak ang kamay ko at pinaupo sa sofa.

"Diyan kalang." Ani niya at mukang kukuha ng first aid kit. Hindi na ako umangal pa at hinintay siya.

Pag balik niya tahimik n'yang ginamot ang sugat sa ulo ko. Wala rin akong imik habang ginagawa niya 'yon.

Pag tapos niyang gamutin ang sugat ko tumayo na ako at akmang mag lalakad na para sana pumunta ng kwarto ko nang bigla siyang mag salita

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 29 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

After the Heart Break Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang